Say Ahhh

1016 Words
Kabanata IV Ayko Pov Kanina pa ako kinukulit ni Lincole pulang pula na ang pisnge ko sa mga sinasabi nya kaya ang ginawa ko binuksan ko yung burger at pinasok sa bibig nito. "Babwaaamumm" di na nya natuloy ang sinabi nya dahil sa burger na isunubo ko dito "Masarap ba?" nakangisi kong asar dito "Papatayin mo ba ko?!" galit na aniya niya "Hindi, pinapakain lang kita dahil masyado ka ng madaldal" paliwanag ko sa kaniya "Kainin mo na nga itong mga dala ko lumalamig na tuloy" aniya niya "Ayaw! Subuan mo nalang ako" nakangiti na aniya ko At mukha ngang susubuan nya ako kaya kinukuha ko yung kutsara na hawak nya ngunit nyang bitawan "Wiiiiiiii baby say ahhh" nilalaro pa nya sabay subo sa akin Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga at kainin yung sinusubo nya sa akin hanggang sa maubos "Busog kana ba? kung hindi pa oorder ako sa grab" at kinuha pa nya ang phone at mukhang oorder nga kaya pinigilan ko ito "Hindi, wag na busog na ako sa kinain ko thank you nga pala ha" pagpapasalamat ko sa kaniya "No worries, ayaw ko lang na nagugutom ka kapag ako ang kasama mo" nakangiti pa niyang saad Napangiti ako sa sinabi nya, gentleman sya at caring na tao kaya di na ako magtataka kung marami ang nagkakagusto sa kanya. Nakakalungkot lang kasi after nito wala na balik na uli sa dati "Oh bakit biglang lumungkot ang mukha mo? Hindi ka ba masaya?" tarantang tanong niya "Huh? Hindi ah ang saya ko kaya ngayong araw sobraaa" sagot ko sa kaniya "Buti ka pa masaya kapag iniisip ko na paano kapag tapos na ang 24 hours edi hindi na tayo ganito pero syempre di ako papayag dahil starting today liligawan kita payag ka man o hindi basta ang mahalaga boto sa akin sila tita" masayang aniya niya at tumayo sya akala ko ay aalis na ito ngunit hindi pala "Dyan ka lang, may nakalimutan lang ako sa kotse hintayin mo ko dito" paalam nya sabay halik sa noo ko at umalis na Omg!!! Hinalikan nya akoooo myghad Ayko wag mo naman ipahalata na kinikilig ka. Wala naman sigurong masama kung magmahal ako. I just want to be happy hindi ko gusto na umiyak dahil nabigo na naman sa pag ibig. Di ko naman ata deserve yun pero syempre hindi tayo pwede magpa easy to get kailangan nya muna patunayan ang sarili nya sa akin. "Ayko!!!" biglaang sigaw ni Kai "Bakit ka ba nanggugulat?!" pikon na tanong ko sa kaniya "Kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatulala ka lang dyan, ito na yung phone mo wag kang mag alala wala kaming ginawa dyan na masama hahaha" iniabot niya ang phone ko at umalis na din "Ayko! Bumaba kana dyan nandito na ang papa mo" tawag sa akin ni mama "Opo ma, pababa na ho" sagot ko sa kaniya Nagulat ako dahil nandun si Lincole may bitbit na pusa at agad ko itong nilapitan "Akala ko ba may nakalimutan ka sa kotse?" takang tanong ko dito habang nilalaro ang pusa na hawak niya "May nakalimutan nga, ito oh hawak ko na" sabay abot pa nito sa akin "Kanina naman wala yan sa kotse ah" nalilito kong aniya "Nasa likod yan, natutulog ka kasi kanina habang nagbabyahe kaya hindi mo napansin" paliwanag pa niya "Ano gagawin ko dito?" pagtatanong ko sa kaniya "Sayo na yan alagaan mo, anak yan ng pusa ng kapatid ko hindi din naman niya kayang alagaan ang mga anak nito kaya hinayaan nya akong ibigay sayo" nakangiti nyang aniya "Talaga?! Thank youuuuu!!!" pagpapasalamat ko dito "Ehe-ehem" pagtikhim ni papa, hindi ko napansin na nakayakap na pala ako kay Lincole nadala lang sa sobrang saya "Nadala lang po hehehe" sabay alis sa pagkakayakap at humingi ng pasensya dahil sa biglaang pagyakap ko kay Lincole "Lincole ano pala ang year mo na?" tanong ni papa "4th year na po tito, BS Architecture po ang kurso na kinuha ko" magalang na sagot niya kay papa "Isang taon lang pala ang tanda mo dito sa bunso ko, anong balak mo pagka graduate mo?" dagdag na tanong pa niya kay Lincole "Hindi ko pa ganun kasigurado pero baka po magpahinga muna ako at magrereview tapos po tsaka ako magtatake ng board exam" hinayaan ko nalang muna mag usap sila papa at pumunta ako sa kusina para ipaghanda si papa ng kanyang makakain "Swerte mo anak at ganyan ang iyong boyfriend halatang di ka kayang saktan pero kung sakali man alam ko may rason iyon. Naalala ko noon kung paano kami nagsimula ng papa mo" pagkwekwento ni mama "Madaming pagsubok pero dun nagstart na mas lalo naming mahalin ang isa't isa" dagdag pa niya "Ah eh mama ang totoo kasi nyan di ko talaga boyfriend si Lincole" pag amin ko sa kaniya "Alam ko pero may tiwala ako sa kanya dahil kung hindi sya seryoso hindi sya haharap sa amin, kinausap nya agad ako kanina nung nasa taas ikaw at nagpaalam sa akin ng maayos na gusto ka niyang ligawan sa palagay ko ganun din ang sasabihin niya sa papa mo" mahabang aniya niya "Ako na dyan ma, magpahinga na po kayo" sabay kuha sa inihanda ni mama na pagkain para kay papa "Sya sige ikaw na bahala sa bisita at dun sa kambal" umalis na din si mama at pumunta na sa kwarto nila papa Pumunta na ako sa sala at halatang seryoso ang pinag uusapan nila agad naman silang tumigil ng makita ako ni Lincole "Oh Ayko nandyan kana pala" aniya niya "Tapos na ihanda ni mama yung pagkain ito papa oh" pagkaabot ko ay tiningnan ko si Lincole "Tito una na po ako baka gabihin po ako sa pag uwi" paalam ni Lincole kay papa "Kung ganun ay dito kana muna magpalipas ng gabi, dun ka nalang matulog sa kwarto ni Ayko at ikaw Ayko dun ka muna tumabi sa ate mo" aniya ni papa "Sige po pa, akyat lang po ako aayusin ko lang po yung tutulugan ni Lincole" paalam ko at umakyat na _ Short update muna,, bawi nalang ako sa susunod na kabanata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD