Kabanata III
Someone's Pov
Akala ko habang buhay na ako na malungkot pero hindi pala. I can't wait na magkasama tayo at gawin ang mga gusto natin.
"Oy ano bang iniisip mo dyan? kanina pa ako kwento dito ng kwento tapos di ka naman pala nakikinig. Damn!" inis niyang aniya sabay alis
Kung ano ano kasi kwinekwento kahit di ko naman naiintidihan sige pa din sa kwento itong babaeng to. Kala mo araw araw may mens hahaha
Sa wakas tumahimik naman ang araw ko, matawagan nga si Nicole since wala naman akong ginagawa
"Hello? Who's this?" sagot niya sa tawag ko
"Miss me?" ngisi kong tanong sa kanya
"Omg!!! Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo naman na matagal kana namin gustong makita" halos maiiyak na sagot niya sa akin
Hahaha di pa din nagbabago itong babaeng ito, maasar nga.
"Nics saan si---
"Are you out of your mind?! Hindi ako hanapan ng mga nawawala and isa pa sa akin ka kaya tumawag so ibig sabihin ako yung gusto mong makausap" masungit na sagot nito
"Chill hahaha binibiro ka lang naman eh galit ka naman kaagad, sige na may gagawin pa ako. Ingat kayo dyan palagi miss ko na kayo
"Wai--- *toottt toottt toottt*
Alam ko madami pa syang itatanong pero hindi pa ako handang sagutin yung tanong na iyon kung kaya't pinatay ko agad ito.
1am na din naman dito kaya napag isipan ko ng matulog na dahil marami pa akong dapat asikasuhin.
Ayko Pov
"Lincole itabi mo nalang dyan, ayun na yung bahay namin" aniya ko dito
Sinunod naman niya ang sinabi ko at bago pa ako makababa ay mabilis syang bumaba ng kotse at ipinagbukas ako ng pinto
"Hehe thanks" pagpapasalamat ko sa kaniya
"Ako na magdadala ng mga pagkain, madami yang inorder ko kaya siguro kasya na din sa atin to" aniya nya
"Oo naman hahaha sa dami ba naman ng inorder mo, mauna na kong pumasok ha" pagpapaalam ko dito
Omg!!! Paano ko sya ipapakilala kila mama at papa
"Jusko kang bata ka! Umalis ka ng hindi mo sinasama ang mga kaibigan mo, hala sige panhik dun sa itaas at kanina pa nandun ang kambal" sermon ni mama
"Eh mama may kasama po ako, nandun po sa labas" sagot ko sa kaniya
"Kolleen pinalaki naman kitang maayos pero bakit nvm dapat pinapasok mo, tataas ang presyon ko sayong bata ka" aniya nya at pumunta ng kusina
Siguro maghahanda ng makakain at maiinom ng kasama ko at dun sa kambal na kaibigan ko
"Lincole pasok ka, si mama nandun sa kusina naghahanda ata ng maiinom at makakain nandito din kasi yung mga kaibigan ko" pag aakit ko dito
"Tamang tama pala yung mga inorder ko, Ayko saan ko pala pwedeng ilagay itong mga pagkain?" pagtatanong niya
"Dito nalang, teka lang ha pupuntahan ko sa taas yung mga kaibigan ko" paalam ko sa kaniya
Kumatok muna ako ng kwarto bago pumasok
"Nandyan kana pala frenny, ang tagal mo haa" bungad sa akin Kai
"Oo nga" pagsang ayon pa ni Eryl sa kakambal
"Pumunta na kayo sa baba at may ipapakilala ako" umalis na ako at pumunta sa baba
"Kolleen hindi mo sinabi na may boyfriend kana pala, Kambal alam nyo ba na may boyfriend na itong kaibigan niyo?" tanong ni mama
"Tita hindi po" sagot ni Eryl samantalang si Kai ay umiiling
"Tita Enilaine pasensya na po ha, hindi po ako nakaharap sa inyo nung nililigawan ko palang si Ayko nasa province po kasi ako nun, ngayon lang po ako dumating dito" pagpapaliwanag nya kay mama
Napalaki ang mata ko dito at tinitigan ng masama si Lincole, hindi naman sya nagpasindak at ang titig nito ay parang nangangahulugan na sabayan ko ito sa mga sinasabi niya kay mama
"O-opo ma, ganun na nga" nauutal kong pagsang ayon kay Lincole
"Oh sya sige, kainin na natin itong dala niyo at baka ito'y lumamig na" aniya ni mama
"Ma, si papa po?" tanong ko
"Nandun sa bahay ng kumpare niya birthday kasi nito ngayon baka mamaya nandito na din yun" sagot ni mama
"Hi Lincole! Ako nga pala si Kairyl at ito naman si Meryl kakambal ko" nakipag kamay pa ang bruha
"Sus, si Ayko naman nagselos kaagad. Don't worry frenny sayong sayo lang sya" napansin ata ni Kai ang pag irap ko sa kanila
"Di ako nagseselos ah!" sagot ko sa kaniya
"Ang defensive mo naman" asar pa ni Eryl
Dahil pikon na ko umakyat ako sa taas at humiga sa kama ko nang biglang bumukas ang pinto
"Pinagdala kita ng makakain baka magutom ka kaya bumangon kana dyan" aniya ni Kolin na bitbit ang mga ibang pagkain
"Di mo naman ako kailangan dalhan ng pagkain eh" aniya ko sa kaniya
"I am your Boyfriend responsibility ko na pakainin ang girlfriend ko lalo na't alam kong di ka pa nakakakain" sagot pa niya sa akin
"Pero alam naman natin na 24 hours lang iyon at pagkatapos balik na din sa da--
"I don't care kung 24 hours lang na boyfriend mo ko, here kumain kana. Hindi ako aalis dito hanggat di ka pa kumakain" pagpuputol nya sa mga sasabihin ko
Wala akong magawa kundi ang kumain, mapilit ang Boyfriend KO eh hahaha lakas maka boyfriend 24 hours lang naman. Kakalungkot tuloy sana pala sinabi ko nalang na permanent echos lang hahaha
"Lincole ilang taon kana pala?" curious kong tanong
"22, 4th year college BS Architecture" sagot naman niya
"Sayo ako magpapagawa ng bahay ha" nakangisi kong aniya
"Sige ako gagawa ng bahay natin, eh ikaw ilang taon kana?" pagtatanong naman niya
"Woyyy anong sinasabi mong natin dyan?! I'm 21, BS Legal Management" sagot ko sa tanong niya
"Bagay sayo, Atty. Ayeshia Kolleen A. Canyaga" nakangising aniya niya
"Papol ang bwiset na to, hoyyy ano sinasabi mo dyan" sana di niya narinig ang bulong ko kung hindi paktay na
"May iba ka pa bang sinasabi baby?" pang aasar niya
Hala!!! Omg!!! Narinig niya ata iyong binulong ko, hinang hina na nga nun naririnig pa niya, feel ko tuloy namumula buong mukha ko dahil sa hiya