Kabanata II
Ayko Pov
Umagang umaga kinukulit na ako nila Kai at Eryl, while si Lyza nasa province nila nagbabakasyon.
"Ayko hindi naman mahirap yung pinagagawa namin ah, 24 hours lang naman yun" aniya ni Kai
"Oo nga naman, buti sana kung pang matagalan eh pero kung gusto nyo din pwede din naman" pagsang ayon pa nito sa kakambal
"Hayst ano pa ba ang magagawa ko. 24 hours lang ha baka mayari ako nila pag nalaman yari ako--
"May nasabi yung si Ate Iya sa amin, may bumuhos daw sayo ng tubig dun sa fastfood na kinakainan mo?" pagtatanong ni Eryl
"Yes, lasing na babae pero naghingi naman na ng paumanhin yung kasama nito at tsaka na tayo mag chikahan dahil malapit na mag 12 may pupuntahan pa ko kaya please lang wag nyo ko guluhin, not now" sagot ko sa kanila
Hindi na sila nagtanong kung bakit, alam nila siguro na important yung gagawin ko. Nagmadali akong naligo at nagbihis, nag oversize na tshirt at short nalang ako at inipit ko yung buhok ko ng messy bun.
Napansin ko na wala na ang kambal kaya bumaba na ako at humanap ng masasakyan. Hindi naman ako nahirapan humanap ng masasakyan dahil pag ganitong oras marami ang namamasada.
Hindi naman ganun kalayo ang fastfood na kinainan ko kahapon kaya di ako natagalan na makarating dun. Maya maya ay may tumawag na uli sa phone na hawak ko
"Miss, saan kana? nandito na ako papasok na--
Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng isang plain na white tshirt papasok kaya kinawayan ko ito, hindi naman sya nahirapan hanapin ako kasi malapit ako sa may entrance.
"Ito na yung phone, sa susunod wag mo basta basta ipalalagay yan sa bag ng cousin mo dahil baka mawala na yan ng tuluyan. Ako pa naman nakawallpaper baka isipin ako ang may ari nyan" masungit kong aniya
"Uhm thanks, take a sit order muna tayo ng makakain. Libre--
"Mister di ko alam kung ano pa kailangan mo, naibigay ko naman na sayo yung phone mo pero dahil mabait ako di mo na kailangan ilibre ako"
"Pero--
"Be my boyfriend" nakangisi kong aniya
"Teka lang ha, kanina mo pa ako di pinapatapos sa mga sasabihin ko tapos biglang be my boyfriend, hindi ka naman ba nababaliw?" masungit na sagot nya sa akin
"huhuhu tulungan mo lang ako kasi di mapapasauli sa akin ang phone ko pag di ko ginawa ito, binalik ko naman sayo yung phone mo kaya tulungan mo din ako" pagmamakaawa ko dito
"tsaka 24 hours lang naman ih" dagdag ko pa
"Paano kapag ayaw ko?" nakangisi nyang sabi
"Gagawin ko ang lahat ng mga gusto mo basta tulungan mo lang ako" aniya ko
"Sige, payag na ko at tsaka ko nalang sasabihin yung ipapagawa ko sayo. Kelan start?" tanong nya
"Bukas?" di ko sure na sagot
"Pwede naman na start na natin ngayon total wala naman akong gagawin ngayong araw, ikaw ba may gagawing iba?" tanong pa nya
"Wala din, wait ano pala name mo?"
"Lincole Canyaga at yung cousin ko naman ay si Nicole Canyaga" pagpapakilala nya
"Hi Lincole i am Ayeshia Kolleen Alberia and call me Ayko thats my nickname, your gorgeous girlfriend" pagpapakilala ko dito kahit na nasabi ko na sa kanya kahapon yun name ko
"Hahaha nice joke, hindi ko alam na mahilig ka pala magbiro" aniya nito na tila ba'y nang aasar
"biro daw pero picture ko nakawallpaper sa phone nya" bulong ko
"Baby, bubulong kana nga lang yung rinig ko pa" nakangising aniya nito sa akin
"Baby?! hoy lincole hindi porket sinabi ko sayo na boyfriend kita ng 24 hours ay pwede kana mag ginanyan" asar na sagot ko
"Baby meron ka ba ngayon at ang init init ng ulo mo? Look ikaw na nga nagpapatulong ikaw pa nagagalit" namumula na ang mukha ko sa inis dahil sa mga sinasabi nito grrrr
Magsasalita na sana ako ng biglang may lumapit sa akin na kakilala ko.
"Kolleen is that you?" tanong nya
"Hey, kita mong nag uusap yung tao tapos bigla kang sisingit" inis na aniya ni Lincole
"Lincole hayaan mo na sya, lipat nalang tayo or tara nalang sa bahay di ko na gusto dito kumain" akit ko kay lincole
"Kolleen kausapin mo nam---
"Kuya, hindi po kita kilala so pwede ba na umalis ka dyan sa daanan namin ng boyfriend ko" pagputol ko sa sasabihin nya
Nadala sa gulat ito kaya mabilis itong tumabi, hinawakan ko ang kamay ni Lincole at umalis na.
"Ayko kilala mo ba yung lalaki na yun?" biglaang tanong ni lincole
"He is someone from the past, ayos na ko at matagal ko ng binaon sa limot kung ano man ang namamagitan sa amin" may halong galit na aniya ko
"Ooohh..." parang gulat na aniya nya
"May kotse ka bang dala?" tanong ko sa kanya
"Yes, wait me here kunin ko lang yung kotse" aniya nya at umalis na
Kagaya ng sabi nya kinuha nya kotse at in fairness gentleman sya, mukha lang masungit.
"Saan tayo pupunta? Sa inyo or sa mall nalang?" tanong nya
"Sa amin nalang, ito yung address" at iniabot ko sa kanya ang card na nakalagay ang number at address ko
Tahimik naman ang pagbyahe at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Hindi na kita ginising dahil mukhang ang sarap ng tulog mo, may pagkain pala dyan bumili ako sa Mcdo drive thru alam ko na di ka pa nakakakain" turo nya dun sa back seat
Kinuha ko naman ito, ang dami nyang binili kaya tiningnan ko sya na para bang nagtatanong kung bakit ganoon kadami
"Gutom na din kasi ako kaya madami ang binili ko, kumain kana muna malapit na din naman tayo" paliwanag nya
"Malapit na pala edi sabay nalang tayo kumain" aniya ko
"Per--
"No buts baby" aniya ko sabay kindat
Namumula ang mukha nya dahil siguro sa pagtawag ko ng baby at pag kindat ko hahaha ang cute nya
"Alam ko naman na gwapo ako pero baka tumulo ang laway mo nyan naka nganga na bibig mo oh" pang aasar nya
Hindi ko namalayan na napatitig ako sa kanya, aaminin ko ang gwapo nya sis. Pero gagi hindi naman ako naka nganga ih
"Hoy Lincole hindi naman ako nakanganga ah! panget naman nito kabonding" aniya ko
"Ano binubulong bulong mo dyan?" taas kilay nyang tanong
____
Dito muna magtatapos ang Kabanata II, abangan sa susunod na Kabanata ang mga mangyayari