August, 2024 (Part IV)
August, 31, Saturday evening.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Lalong nag ingay ang paligid nang lumabas sila Frances mula sa kitchen na may dalang cake for me.
Kasalukuyan kaming nasa living room at nag ce-celebrate ng 18th birthday ko. Kasama ko dito ang mga kaibigan. Si Tita ay nasa kusina at nag hahanda ng pagkain for us. Nag insist kasi sila ni Tito na dito na ako mag celebrate ng birthday ko at h'wag ng lumabas pa. Kanina pang lasing si Tito at marahil ay mahimbing na ang tulog nito sa kwarto nila. Naiwan naman kaming mag ka-kaibigan sa living room kasama si Frances at Ella, pero hindi sila umiinom just like Abby.
"Happy birthday, ate Gabb!" Nakangiting pag bati ni Frances saka inilagay sa table ang cake na marahil sila Tita ang nag bake dahil may sarili na silang pastry shop ngayon. Isa kasing magaling na pastry chef si Tito.
"Thanks, guys! Especially to Tita Lena and Tito Alan. And of course, to Frances and Ella." Excited kong hinipan ang candle na nasa gitna nito matapos mag wish para sa sarili.
"Cheers for Gaboby!" Iniangat ni Dana ang wine glass para makipag toast sa lahat. Kanya-kanya naming dinampot ang wine glass at iniangat sa ere. Bukod kay Frances, Ella at Abby na baso lang ng orange juice ang iniangat. "Cheers!"
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Kantyaw ni Ecka na sinegundahan ng mga nandito.
Ngumiti ako saka nag salita, "Sorry, Ecka but I'm not my old self anymore." Natahimik sila sa sinabi ko. Napansin ko ang pagkawala ng ngiti ni Ella at Gia. Maging ni Frances na alanganin din ang pagkakangiti. Did I say something wrong? I'm just stating the fact here.
"Cheers for the happy life of Gabo!" Si Abby ang bumasag sa katahimikan kasabay ng pag taas nito ng baso ng orange juice niya.
"Cheers!" Muling umingay ang paligid. Lasing na si Dana at Ecka pati na rin si Gia kaya medyo maiingay na sila at puro kalokohan.
Ngumiti ako kay Gia nang mag tama ang paningin naming dalawa. I did'nt expect na nasa i-isang circle of friends kami. But yeah, I don't feel awkward naman towards her. Itinaas ko ang wine glass na hawak at niyaya siya ng toast. Ngumiti siya sa akin saka nag salita, "Cheers for the friendship!"
"Ate Gabb, I think you have a visitors pa." Inform ni Frances ng mapansin niya ang pag hinto ng magarang sasakyan sa labas ng bahay.
"Oh Gad! It's that Engr. Oinuma?" Tanong ni Abby ng silipin niya ito mula sa bintana.
"Excuse me, guys." Napangiti ako at excited na tumayo.
Narinig ko pa ang isinagot ni Dana sa itinatanong ni Abby. "Yes, she's Gabo's sister."
"What?!" Hindi makapaniwalang sagot ni Abby. Nag sabay pa talaga sila ni Ecka.
"Budy!" Excited akong lumabas ng gate at niyakap ang kapatid ko. Ilang buwan na rin noong huli kaming magkita.
"Otanjōbi omedetō gozaimasu, budy (Happy birthday, budy)." Naramdaman ko ang mahigpit niyang pag yakap na nagsasabi na na-miss niya ako. My sister, Ori is a woman of a few words. Mas ipinaparamdam niya sa amin ang pagmamahal niya through actions.
"Arigatōgozaimashita, budy!
(Thank you, budy!)." Nakangiti pa rin ako ng kumalas ng yakap sa kanya.
"Look who's with me." Nasundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang makita ang babaeng lumabas ng sasakyan ni budy.
"Ate Isang?!" Mabilis akong nag lakad papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm so happy to see you here!" Para akong bata na nag lambitin sa balikat niya dahil masyado siyang matangkad.
Matapos ng mahigpit na yakap ay binigyan niya ako ng halik sa kaliwang pisngi. She's really sweet. No wonder kung bakit siya mahal ni budy. A beautiful, kind, witty, sweet, caring, brave and a faithful woman. Yes, she has it all.
"Happy birthday, Gabby! Kamusta naman ang baby namin?" Nakangiti niyang tanong matapos i-pinched ang mag kabilang pisngi ko.
"Ate Isaaaang, I am not a baby." Simangot kong sagot na ikina-tawa niya sa ako muling hinalikan sa pisngi.
"Let's go inside. Ipapakilala ko kayo sa mga new friends ko." Pagyaya ko sa kanila kasama si Kuya Juanito, budy's driver-bodyguard. Dala-dala nito ang ilang mga birthday gifts for me.
"Guys! Meet my sister Ori and her fiancé Jillian." Pag i-introduce ko nang makapasok kami sa bahay.
Tumayo si Ecka at kunot-noong tiningnan ang mga bisita ko. Oh no! Is this trouble?
"Isi?" Nakatitig siya kay ate Isang na para itong new target niya.
"Kang, is that really you?" Sagot ni ate. Nahimigan ko ang excitement sa boses niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Na-miss kita!" Nagtatakbo ito papunta kay Ecka at nag yakap sila ng mahigpit. It's obvious that they know each other.
Sinulyapan ko si budy na nasa tabi ko. Palipat-lipat ang tingin niya kay Dana, Abby at Gia. Don't tell me, kilala rin niya ang mga ito? What a small world.
..
Pansamantala kaming umalis sa living room at umakyat ng kwarto para makapag usap ng maayos. Masyado kasing maingay sa ibaba at pinaingay pa ito ng pagdating ni ate Isang.
Nabanggit ni budy na pamilyar sa kanya si Dana dahil bumili raw ito ng tinapay sa bakery noon nila ate Isang. Si Abby naman ay nakita nila ni ate sa church. Si Gia ay na pag tanongan niya noon about sa tamang direksyon papunta sa bahay nila ate Isang. Si Ecka ay kakilala naman ni ate Isang na pinag selosan niya noon. Lahat ng iyon ay nangyari almost four years ago. Ang nakakatuwa pa ay si ate Isang din 'yung dating may ari ng bahay namin sa Batangas na siyang favourite kapit-bahay nila Ella. What a small world, indeed.
"Anyway, how are you?" Tanong ni budy matapos bahagyang mag kwento tungkol kung paano niya nakilala ang mga kaibigan ko.
"I'm doing fine, budy. They're all kind to me. So, don't you worry, okay?" Nakangiti kong sagot. Nakausap na rin niya si Tita kanina kaya alam ko na kahit paano ay mapapanatag na ang loob niya.
"I can't help it. Why don't you just stay in my condo?" Tumabi ako sa pagkakaupo niya.
"Papa will definitely find me there. I'm noth ready to talk to him, budy. I hope you understand." Sagot ko saka bumuntong-hininga nang maisip ko na naman ang issues na tinatakasan ko.
"Alright, but if you need anything, just give me a ring, okay?" Ngumiti siya na nagpasingkit sa singkit na niyang mga mata. Tumango ako at itinaas ang Chuckie na hawak ko. Itinaas niya rin ang hawak niya saka kami nag toast at nag sip sa inuming pambata na pareho naming paborito.
"And oh, before I forgot..." Tumingin ulit siya sa akin after mag sip sa Chuckie na hawak niya. "You are not allowed to miss our wedding because you are our ring bearer."
"What?!"
..
"Gagawin niyo pa talaga akong driver. Magaling!" Reklamo ni Abby habang inaalalayan ang lasing na si Ecka. Samantalang ako ay nakaalalay naman kay Dana.
"Dude, merry Christmas and happy new year to you." Natawa ako sa sinabi ni Ecka habang halos hindi na siya makapaglakad sa kalasingan.
"G*ga! Lasing ka na,pumasok ka na nga sa loob!" Bulyaw ni Abby saka pinilit i-pasok sa hummer ni Dana si Ecka. Isa lang ang ginamit nilang sasakyan dahil alam nilang malalasing sila ngayong gabi. Except kay Abby na hindi umiinom ng alak.
"Gaboby, see you tomorrow, okay?" Sabi ni Dana matapos naming makarating sa nakaparada niyang hummer na nasa labas ng bahay.
Sila budy naman ay kanina pa nakauwi dahil marami pa raw silang aasikasuhin tomorrow morning.
"Yeah, see you and thank you, Nanababe." Nakangiti kong sagot.
"Ella...bye." Lumingon ako sa likuran ko dahil sa sinabi ni Dana at nakita na lumabas din pala si Ella. Akala ko ay siya ang nag aasikaso sa best friend niya na lasing na lasing din ngayon.
"Mag i-ingat kayo." Nakangiti niyang sabi na ikina-tango ni Dana.
"Boss, hurry! U-uwi pa ako!" Sigaw ni Abby na ngayon ay nasa driver's seat.
"Sleep over at my house?" Tanong ni Dana bago sumakay sa shot gun seat.
"I can't. Aquila is waiting for me. Hindi siya nakakatulog kapag hindi ako ang katabi." Binuhay ni Abby ang makina ng sasakyan saka muling kumaway sa amin para mag paalam. "Bye, guys!"
"Please, take care." Pahabol kong pag papaalala. Sumaludo naman sa akin si Abby bilang sagot.
Ilang segundong namayani ang katahimikan nang makaalis ang mga kaibigan ko.
"Who's Aquila?" Pag basag ni Ella sa katahimikan.
"Abby's son." Sagot ko saka humarap sa kanya.
"Really? I mean...nevermind."
"Let's go inside." Pagyaya ko sa kanya dahil baka nag aaway na naman si Frances at Gia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga sila nagkakasundong dalawa.
"G-Gabb, wait..." Pag pigil ni Ella kaya muli akong bumaling sa kanya.
"Yes? Do you need something?" Kunot-noong tanong ko.
"C-Can we...can we talk?" May pag aalangan niyang tanong. Tumango ako at nag hanap ng pwedeng maupoan.
Naupo ako sa may patio. "So?" Habang hinihintay ang sasabihin niya.
Bumuntong-hininga muna siya saka naupo rin ngunit may malaking distansya mula sa akin. "Ahm, I just want to greet you a happy birthday."
Ngumiti ako at nag pasalamat.
"Thanks."
Muling dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Inabala ko na lang ang sarili sa pag tingin sa nakangiting buwan at sa mga bituin sa paligid nito. Napakaganda ng gabi.
"How are you, Gabb?" Bumaling ako kay Ella dahil sa itinanong niya.
"What do you mean by that?"
"I mean, how was your life in Japan?" Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa buwan na kasalukuyang nagmamayabang sa ganda nito.
"Well, I struggled a bit during my two years there. But little by little I become more comfortable with the people and the places." Sagot ko habang pinagmamasdan na ulit ang buwan.
"How 'bout Dana? Paano kayo naging mag kaibigan?"
Napangiti ako sa itinanong niya. Naaalala ko kasi kung paano kami nagkakilala ni Dana. "It started when Papa arranged a welcome party for me. Many of the business tycoons went to that party. Dana's father also went there with her. She approached me and then we clicked." Hindi naging madali ang pag a-adjust ko noon sa Japan. At isa si Dana sa ilang mga tao na malaki ang naitulong sa akin.
"M-Masaya ako para sayo." Nangunot ang noo ko saka bumaling sa kanya.
"Then why are you crying?" Tanong ko ng masigurado ko na umiiyak nga siya.
"Huh?" Kaagad niyang hinaplos ang mag kabila niyang pisngi. Hindi niya siguro namamalayan na umiiyak na siya. Pero bakit? "Sorry. Tears of joy." Her face smiled but her eyes did'nt.
"Silly." Naiiling kong sagot saka inalis ang tingin sa kanya. "How 'bout you? Kamusta ka dito?" Muli akong bumaling sa nakangiting buwan.
"Okay naman. After kong mag graduate ng high school, sumama ako kay Ba dito sa Manila para mag college. Isang taon akong nag tiis na hindi palaging nakakasama sila Mama. Then n'ung second year college na ako, nag decide sila na dito i-patayo 'yung pastry shop na business plan nila noon pa lang. After n'un, naging okay naman. Nabawasan 'yung lungkot kasi kasama ko na sila ulit." Mahabang sagot niya. Ang huli niyang sinabi ang kumuha sa atensyon ko.
"Nabawasan? Hindi nawala?" Tanong ko kasabay ng pag sulyap ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya at nag lilikot ang mga ito. "Oh sorry for asking that. It's okay if you don't want to..."
"Simula noong umalis ka..." Naputol ang iba ko pang sasabihin ng mag salita siya. "Walang araw yata na hindi ako nalulungkot." Tinitigan ko siya habang nakatingin lang siya sa harapan niya na para bang may mga alaala na binabalikan.
"Gusto kong magalit sayo pero wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili. But Gabb, why did you leave me without even saying goodbye?" Nakita ko ang unti-unting pag patak ng mga luha niya. "Why didn't you let me explain? Bakit hindi mo ako hinayaan na i-tama ang lahat?" Bumaling siya sa akin habang patuloy sa pag iyak.
"I think you already know the answers to those questions." Sagot ko saka nag iwas ng tingin sa kanya.
"Alam kong nasaktan kita. But Gabb, I was only fifteen then. Wala ba akong karapatan na magulohan? Hindi ko ba pwedeng kwestyonin muna 'yung sarili ko? Kung bakit bigla ko na lang nagustuhan
'yung batang iyakin at walang ginawa kundi gulohin ang araw ko noon? Kung bakit ko nararamdaman 'yung saya sa'twing kasama ko siya? Kung bakit naiinis ako kapag nakikita ko siyang may kasamang..."
"S-Stop." Nakuyom ko ang kamao nang maramdaman ko na para bang may matigas na bagay na nakabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga.
"I'm sorry, Gabb. I'm sorry for hurting you. I'm sorry if I was too late to realised everything. Sorry kung ang tanga-tanga..."
"I said, stop!" Sigaw ko saka pabalang na bumaling sa kanya. Ipinaramdam ko gamit ang mga mata ko na hindi ako natutuwa sa pag re-remininsce niya sa nakaraan.
"G-Gabb?"
"Look, Ella, you are forgiven. But please, don't make me remember the mem'ries that should have been in the past." Madiin kong sagot.
"Why? Are you affected by our mem'ries?" Matapang niyang tanong kasunod ng mga salitang, "Because, I am."
"No, I moved on from them, Ella. I already moved on from you. At ang mga bagay na tapos na, hindi na dapat inaalala especially if it has no value at all." Nakita ko ang dumaan na sakit sa mga mata niya. Pero kumpara sa ipinaramdam niya sa akin noon? Walang-wala ito. Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya. Kung paano ko paulit-ulit na tinanong sa sarili ang halaga ko. Kung paano ako nawalan ng direksyon. Kung paano ako paulit-ulit na pinatay ng katotohanan na niloko ako ng kaisa-isahang tao na pinagkatiwalaan at minahal ko. Wala siyang alam!
"But I still love you." Mahina ngunit nakarating pa rin ang mga salitang iyon sa pandinig ko.
Natawa ako dahil sa sinabi niya, "Still?" Saka siya pinakatitigan. "You want me to remember the past right, Ella?" Sarcastic kong tanong. "As far as I remember, you never told me that nasty words before, not even once." Madiin at seryoso kong sagot sa kanya.
"I know, naging duwag ako. Natakot ako. Pero handa na ako ngayon, Gabb. Mahal kita. Please, kahit 'yun lang ang paniwalaan mo." Humagulhol siya ng iyak pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"I'm sorry but you are too late, Ella. I am no longer the silly child who always wanted to chased you. She's gone, Ella. Matagal na siyang wala."
Tumayo ako upang umalis.
"Handa akong kilalanin 'yung bagong ikaw, Gabb." Pag pigil niya sa pag lakad ko. "Please, hayaan mo akong kilalanin ka ulit." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko para pigilan.
Mabilis ko itong inalis saka bumaling sa kanya. "You'll only get hurt." Kagaya nga ng sinabi ko, hindi na ako katulad ng dati. I know now my worth and won't settle for less again.
Muli ko siyang tinalikuran. "I don't care!" At naramdaman ko na lang ang pag yakap niya mula sa likuran ko. She's now back hugging me. "I would rather be hurt than to be a coward again!" Muli siyang humagulhol ng iyak habang mahigpit na nakayakap sa likuran ko. "Let me choose you. Without pause, without doubt, in a heartbeat."
A.❤️