Prologue
"Asul na kalangitan, ngayon ay dumidilim,
'Di inaasahang panauhin, muli bang patutuloyin?"
..
"Ella." Pag tawag sa akin ni Pres. Sela ang nag pa tigil sa pag aayos ko ng sariling table.
"Yes Pres?" Nilingon ko siya mula sa kinauupuan ko. Seryoso siyang nakaharap sa laptop niya upang taposin ang mga dapat niyang gawin ngayong araw. She's the student council president kaya mabigat ang responsibilidad niya. Actually, pareho kami dahil ako ang assigned student council vice president. Sa sobrang busy namin dalawa ay naiwan na kami ng mga officers dito sa SSC office.
"Natapos mo na ba 'yung kailangan ni Prof. Harget?" Sinulyapan niya ako kasabay ng pag haplos niya sa kanyang sentido. Sa singkit niyang mga mata ay mababakas ang matindi niyang pagod. Lahat kami ay exhausted sa araw na ito dahil isang linggo na lamang ay mag bubukas na ang klase.
"Yes Pres. Dinala ko na kanina sa office niya." Sagot ko na ikina-tango niya.
"Good. You can go home now." Sa sinabi niya ay saka ko lamang na-realized na madilim na pala sa labas. I glance at my wrist watch. It's seven o'clock in the evening. Buti na lamang at na-informed ko sila Papa at Mama na gagabihin ako sa pag uwi.
"How 'bout you?" May pag aalalang tanong ko. Kahit alam kong sanay na siyang umuuwi ng gabi dahil sa dami ng dapat taposin ay nag aalala pa rin ako para sa kanya. She's not only the SSC President for me, but a good friend.
"Don't worry, I'll be fine." Muli siyang bumalik sa pag tipa sa laptop niya at walang senyales na mapipilit ko siyang umuwi. Sabagay ay mayroon naman siyang body guard na nag hihintay sa parking bukod sa mga security guards na nag iikot sa buong school.
"Okay, just text me when you get home." Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil kanina ko pa gustong ipahinga ang katawan sa mag hapon na gawain. "Ingat sa pag uwi." Paalala ko kasabay ng pag beso.
"You, too." Maikli niyang sagot bago ako lumabas ng SSC office.
Mabilis akong nakarating sa student parking. Nakita ko roon si kuya Juancho, Sela's driver-body guard. Ngumiti ako and greeted him, good evening.
Pabagsak akong naupo sa driver seat ng kotse ko at ibinaba ang shoulder bag sa shot gun seat. It's a night blue Honda Civic na regalo ni Papa noong debut ko.
Matapos buhayin ang makina ng sasakyan ay nag pa tugtog ako. Kinaugalian ko na mag sound trip habang nag da-drive.
Nakita kita sa isang magasin
Saktong Eraserheads ang banda na kumakanta. I'm an old soul dahil mahilig ako sa mga lumang tugtogin katulad nito.
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green
Bahagya akong napasulyap sa aking cellphone at nakita ang text ni Caleb, na palagi naman niyang ginagawa.
'Hon, can we talk?' I rolled my eyes sa nabasa kong text niya.
'Please.' Napabuntong-hininga ako dahil sa kakulitan niya. Hindi pa rin talaga siya tumitigil to win me back kahit sinabi ko na noon sa kanya na tapos na ang lahat sa amin.
Sa isang tindahan
Sa may Baclaran
Tinapos niya noong lokohin niya ako sa araw pa talaga ng anniversary namin. I caught him cheating with another girl na kakikilala lamang niya sa isang bar.
Napangiti
Natulala
Sayong kagandahan
My ex, Caleb is Sela's cousin. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko siya tuluyang maiwasan at maalis sa buhay ko. I know he's sincere sa pag hingi ng tawad, at pinapatunayan naman niya ito.
Naaalala ko pa n'ung tayo pang dalawa
'Di ko inakala na sisikat ka
I believe in second chance, at hindi ko alam kung bakit hindi ko ito maibigay sa kanya. He's a good catch. Siya ang good example ng isang lalaki na tall, dark and handsome. He's smart and gentlemen. Every woman's dream guy.
Tinawanan pa kita
Tinawag mo akong walanghiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon oh
Ngunit hindi lang ito tungkol sa physical appearance and a good traits. There's something more. Something na maging ako ay hindi rin alam. Maybe deep down to my heart ay umaasa pa rin ako na darating ang totoong prince charming na mula pa noong bata ako ay pinapangarap ko na. Prince charming na sa unang pag kikita ay mag dadala ng kaba at kilig sa puso ko na hindi ko naramdaman noon kay Caleb.
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nag bago nang lahat sayo oh
Siguro ay makakaya ko pa siyang tanggapin as a friend, but not a boyfriend anymore.
Bumaba ako ng sasakyan ng makarating sa bahay. Nangunot ang noo ko ng mapansin na nakabukas pa ang ilaw nito. Marahil gising pa sila Mama pero hindi ko na sila inistorbo dahil may sarili naman akong susi. Kaagad kong nabuksan ang pinto at halos mapatalon sa nag salita.
"Good evening." Napansin ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa. Katapat ng sofa ang pinto kung saan ako napahinto.
Kulay itim ang suot niya mula sa t-shirt na may naka print na word na nirvana hanggang sa fitted pants at boots. Kapansin-pansin ang maikli niyang buhok dahil kulay abo ito. Marami rin siyang piercing sa mag kabilang tainga.
Hindi naman siguro siya magnanakaw dahil napaka gwapo naman niyang magnanakaw kung nagkataon. Look can be deceiving, Ella. Paalala ng utak ko.
"Aren't you happy to see me?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at seryosong nag lakad palapit sa akin.
Sa pagtitig ko sa bilogan niyang mga mata ay naalala ko ang isang batang babae. Isang iyakin ngunit makulit na bata na walang ginawa kundi ang humabol at gulohin ang araw ko noon. She's the girl who believe in the saying that love is like a flowers that you've got to let grow'.
"N-Nice to see you again." Nagawa kong mag salita sa kabila ng matinding kaba sa dibdib ko. I am loss of words while staring at her.
"It's nice to see you too, Ella."
I didn't know why but I felt my heart melted that second. She called my name but this time it was different. Wala na 'yung lambing, 'yung excitement, 'yung sigla na noon ay madalas niyang gawin sa'twing babanggitin niya ang pangalan ko.
Paulit-ulit kong naririnig sa utak ang kantang pinapakinggan ko kanina.
Iba na ang iyong ngiti.
Ang dati niyang maganda at inosenteng pag ngiti ay nag bago na rin. Wala na ang mga ito na noon ay kinagigiliwan ko sa kanya. Mukhang kinalimutan na niya kung paano ngumiti.
Iba na ang iyong tingin
Her eyes are still captivatingly beautiful. Ngunit hindi ito katulad ng mga mata niya noon na masigla. Ngayon ay puno ito ng mga sekreto. Her round anime eyes makes me escape a few heartbeats, give me arrythmia but at the same time bring solace to my soul. Her eyes make me feel nervous and excited
Nagbago ng lahat sayo oh
And yes, tama ang kanta. Nag bago nang lahat sa kanya. The girl in front of me is different from that 'iyakin' girl I used to know.
Muli siyang nag lakad papalapit sa akin kaya na give way ako sa pag aakala na lalabas siya. Ngunit tumigil siya sa harapan ko na ikina-urong ko. Naramdaman ko ang pag tama ng likod ko sa sementadong pader.
"W-What are you d-doing?" Utal kong tanong kasabay ng malakas pa rin na pag t***k ng puso ko. Pigil ko ang pag hinga at napadiin ang hawak ko sa shoulder bag dahil sa sobrang kaba.
Napapikit ako ng ga-dangkal na lamang ang lapit niya sa mukha ko. Naaamoy ko na ang mint breathe niya na naging dahilan ng ilang ulit kong pag lunok.
Ilang segundo akong natahimik at nag hintay sa mga mangyayari.
Ngunit walang nangyari.
Disappointed, Ella? Kantyaw ng utak ko.
"Please, turn off the lights kapag tapos mo ng gamitin." Nag mulat ako ng mga mata dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang paakyat na ng hagdan habang hawak ang itim na jacket. Jacket na kinuha niya pala sa clothes stand na malapit sa akin. Bwisit!
Natulala ako matapos niyang mawala sa paningin ko and realized something.
She's back!
Gabrielle Orion Skribikin is back!
A.❤