November, 2019.
"Dito tayo, bilis!" Mabilis kong hinila ang kamay ng best friend ko para makatakbo at makapag tago.
"Teka, sino gang (bang) pinagtatago-an natin?" Nagtataka niyang tanong pero nagpatianod pa rin siya sa pag hila ko sa kamay niya.
Tumigil ako saglit at luminga sa paligid upang makahanap ng matatatago-an. Nakita ko ang malaking puno ng mangga na nasa loob pa rin ng school. Kaagad ko siyang hinila papunta roon.
Pabagsak akong naupo sa malaking ugat ng puno habang habol ang pag hinga.
"Siguro naman pwede mo ng sabihin sa akin?" Hinihingal na sagot ni Gia saka kumuha ng panyo sa bulsa niya at ginawang sapin sa uupuan niya. May pag ka neat freak kasi siya. At ako lang ang katangi-tangi na nakakapag pa-upo sa kanya sa ganitong klase ng lugar. Perks of being her best friend.
"Si Gabrielle." Sagot ko saka sumilip para tingnan kung nasundan kami nito.
"What? That nerdy girl?" Tanong niya.
"Ba!" Sita ko sa kanya sa pag tawag niya ng gano'n kay Gabrielle, though nerdy naman talaga ito. Ayoko laang (lang) na nanlalait siya ng tao dahil hindi ako gay'on (ganoon).
"I mean, hindi ka pa rin ga (ba) niya tinitigilan hanggang ngayon?" Tanong niya saka kumuha ng tissue at nag punas ng noo. Inalok pa niya ako na kaagad kong tinanggap.
"H-Hindi." Problemadong sagot ko.
"Ang tibay rin talaga ng batang 'yon. Eh kung kausapin mo kaya ng maayos?" Suggestion niya na ikina-simangot ko.
"Sa tingin mo, hindi ko pa 'yon ginawa?" Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na itong na-basted.
Nakasimangot akong pumasok sa klase ng makita ang sunflower na nasa table ko. Nag kantyawan ang mga classmates ko kabilang si Ba dahil dito. Mas lalo akong sumimangot ng masigurado ko kung kanino ito nanggaling.
Good morning, Ella. This is letting you know that you're in my thoughts always.
Your star, Orion.
"Si Ella, pumapag-ibig!'"
"Akala ko ga eh ayaw mong mag paligaw?"
"Sinong Onion 'yan, Ella?" Nag patuloy sila sa panunukso sa akin samantalang nanatili akong tahimik. Hindi na ako inasar ni Gia dahil alam niyang bad mood na ako.
Ipinatong ko ang bulaklak sa sahig at ginusot ang card saka isinuksok sa bulsa ko para itapon mamaya.
Pakiramdam ko ay napaka haba ng klase. Kating-kati na akong ibalik ito sa kung sino ang nag padala nito. Kaagad akong tumayo ng marinig ko ang pag ring ng bell. It's recess time.
"Ba, where are you going?" Tanong ni Gia ang nag patigil sa akin sa pag labas ng classroom.
"May kakausapin laang ako, Ba. Mauna ka na sa canteen." Sagot ko saka dali-daling lumabas ng classroom habang hawak ang isang stem ng sunflower.
Kaagad kong nahanap ang nag bigay nito. Nasa usual spot siya dito sa garden. Dito siya madalas tumatambay dahil hindi siya mahilig makisalamuha sa iba. May ilang mga estudyante ang nandito na marahil mas pinili na dito kumain kaysa sa maingay na canteen.
Ini-approach ko siya mula sa likuran niya. "Gabrielle, can we talk?"
Napapitlag siya ng marinig ang boses ko. Lumingon siya sa direksyon ko. Kaagad nanlaki ang mga mata niya at namula ang pisngi ng mag tama ang paningin namin. Mukhang natataranta pa siya dahil nahulog ang straw ng Chuckie na hawak niya.
"Gabrielle?" Pag tawag ko ulit sa kanya dahil mukhang na-engkanto na siya sa pagkatulala sa akin.
"Huh? Ah, oo." Inayos niya ang eye glasses sa mga mata saka nag tanong, "Dito na ba?" Hindi pa siya sanay ng dialect namin dahil kakalipat laang nila dito sa Batangas.
Lumingon ako sa paligid. May ilang estudyante na malapit sa pwesto namin. Ayoko naman na marinig nila ang mga sasabihin ko. Oo,hindi ko siya gusto pero hindi naman yata tama na ipahiya ko siya sa ibang tao. Hindi ako gay'on pinalaki ng mga magulang ko.
"Follow me." Sagot ko saka nag lakad sa isang bench na bakante.
Tumigil ako sa bench pero hindi naupo. Ibinaba ko na laang dito ang hawak kong bulaklak. Hinintay ko siyang makalapit. "Umupo ka." Sabi ko na kaagad naman niyang sinunod.
"O-Okay."
"O-Oo nga pala, ipinagbaon kita ng yakult. Favorite mo 'to 'di..." Dumukot siya sa bag niya at inilabas ang tatlong yakult mula rito. Gustong mag ningning ng mga mata ko pero pinigilan ko.
"Tigilan mo na ako, Gabrielle." Pag putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Nakita ko ang lungkot sa kulay tsokolate niyang mga mata. Bumaling ako sa ibang direksyon saka nag patuloy sa pag sasalita, "Wala kang mapapala sa ginagawa mo. You're just wasting your time and..." Napahinto laang ako ng marinig ko ang pag singhot niya. "Hey, why are you crying?" Natataranta kong tanong. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka isipin ng mga nandito na pinapaiyak ko siya. Totoo naman! Epal ng kabilang bahagi ng utak ko.
"G-Gusto ko lang naman na iparamdam sayo kung gaano kita ka-gusto." Nakatungo niyang sagot na ikina-taas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. Cringe!
"Please, stop crying and please, ayokong marinig 'yan." Frustrated kong sabi. Gusto? Paano niya ako magugustuhan samantalang ilang months palang mula ng magkakilala kami.
"P-Pero bakit sila? Okay lang sayo na magustuhan ka nila, tapos... tapos ako hindi." May paghihinakit niyang tanong saka tumunghay sa akin. Nababasa na ng mga luha ang makapal na salamin sa mga mata niya.
"Gabrielle, don't you understand?" Sinubokan kong maging mahinahon. Hindi naman ako ang tipo na pala-sigaw kaya siguro inaakala niya na okay laang sa akin ang mga ginagawa niya.
"Babae ako at babae ka." Though hindi naman 'to issue sa akin dahil hindi naman makitid ang utak ko sa ganitong bagay. "Mas matanda ako sayo at higit sa lahat, hindi ko priority ang mag paligaw sa kahit na kanino." Marami naman na gustong manligaw sa akin. But I am only fifteen years old. Oo, naniniwala ako sa fairytale at sa happy ever after pero sa ngayon, mas gusto ko munang pagtuonan ng panahon ang pag aaral ko, para na rin sa lahat ng sacrifices nila Papa para sa akin.
Lahat ng nag tangkang manligaw sa akin ay kaagad kong pinapahinto at sumusunod naman sila. Pero itong batang 'to? Napakatigas ng ulo!
"P-Pero ikaw ang soulmate ko." Nakipagtitigan siya sa akin at nabasa ko sa mga mata niya na desidido talaga siya sa panliligaw sa akin.
"Hindi ako ang soulmate mo, Gabrielle. Hindi ako." Nag iwas ako ng tingin.
"Alam kong ikaw, Ella. Sigurado ako." Nakaramdam ako ng inis ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
"Hindi nga ako. At kung pwede, ate Ella ang itawag mo sa akin dahil mas matanda ako sayo." Madiin kong sagot. She's just only thirteen years old! Sino namang baliw ang maniniwala sa mga sinasabi niya? She's impossible!
"Tatawagin lang kitang ate kung tatanggapin mo 'to." Muli niyang iniabot ang yakult at ang sunflower na nasa tabi niya kanina.
"Ugh! Bakit ga ang kulit mo?" Nag papadyak ako dahil sa pag pipigil ng inis.
"Dahil gusto kita. Gustong-gusto kita." Nakaramdam na naman ako ng kung anong boltahe ng kuryente sa katawan ko. Siguro dahil hindi ko talaga matanggap ang mga sinasabi niya.
"Sinabi ng ayokong marinig 'yan." Sita ko sa kanya. "Tigilan mo na ako." Seryoso kong utos pero ilang ulit lang siyang umiling.
"Ayoko."
Noong araw na 'yon ay wala akong nagawa kundi mag walk out. Hindi na rin ako nakapag recess dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
"Hayaan mo na laang, titigil din 'yon kapag napagod." Sabi ni Gia saka tumingin sa maliit na salamin na kinuha niya sa bag niya.
"I doubt it. Wala yata sa vocabulary niya ang mga salitang quit, surrender at kung ano pang synonyms ng mga 'yan." Pag hihimutok ko.
"Hay naku! Believe me, titigil din 'yon. Lahat ng tao, napapagod." Tiim akong tumingin sa kanya dahil sa hugot niya. May pinag dadaanan yata siya. Dapat alam ko 'yon dahil ako ang best friend.
"Oops! H'wag mo akong tingnan ng ganyan. I don't have a problem, Ba." Ngumiti siya na nag pasingkit sa mga mata niya. Sa kanya ang pinakamagandang ngiti na nakita ko dahil kapag tumatawa siya, tumatawa rin ang mga mata niya.
"Let's go." Hindi pa ako nakakasagot ng tumayo siya mula sa pinagtatago-an namin. "Ko-konti na yata ang mga tao sa labas. Baka hinahanap na ako ni kuya Juan." Sagot niya saka inalok sa akin ang dalawa niyang kamay para alalayan ako sa pag tayo.
Nakangiti ko itong inabot saka kami mag kahawak-kamay na lumabas ng school.
"Are you sure ayaw mong sumabay, Ba?" Tanong ni Gia ng makarating kami sa school parking.
"Oo, Ba. Mag ba-bike na laang ako. Mag aral ka kasing mag bike para naman... okay." Tumigil ako sa pag sasalita ng mapansin ang dumaan na lungkot sa mga mata niya.
Maraming bagay ang ipinagbabawal ng Papa niya sa kanya, isa na roon ang pag bi-bisikleta. Mayor sa bayan na 'to ang Papa niya at dahil sa pulitika, marami rin itong mga kaaway. Ayaw laang siguro ng Papa niya na mapahamak siya lalo na at nag iisang anak laang siya. Naiintindihan ko si Tito pero minsan, naaawa na rin ako sa best friend ko. Third year high school na kami pero hanggang ngayon ay hatid-sundo pa rin siya ni Kuya Juan, her driver-bodyguard.
"You take care." Pinilit niyang ngumiti.
"I will. Ikaw rin. Kuya Juan, ikaw na ang bahala sa best friend ko." Nakangiti kong paalala kay Kuya Juan. Nag thumbs up naman ito bilang sagot.
Kaagad akong pumunta sa parking lot ng mga bisikleta, at hinanap ang pwesto ng bisikleta ko. Dito sa lugar namin, karamihan sa estudyante ay bike ang ginagamit bilang transportation. Mayayaman lamang na estudyante ang makikita na hatid-sundo ng magagarang sasakyan, at isa na sa mga ito ang best friend ko.
"Hi Ella!" Naririnig kong pag bati sa akin ng mga schoolmates ko.
"Hello." Ngumiti ako sa kanila saka nag simulang patakbo-hin ang ang bisikleta ko.
"Ang ganda mo talaga, Ella." Compliment ng ilang estudyante na nakakasabay ko sa pag ba-bike.
"Salamat." Nakangiti ko pa rin na sagot. Kilala ako sa school dahil marami na rin akong nasalihan na pageants sa school at karamihan sa mga ito ay naipapanalo ko. Ako rin ang pambato ng school namin sa pag pi-pinta.
"Ella!" Bumagal ang pag pedal ko dahil sa narinig.
Hindi ako maaaring magkamali. "Shems! Si Gabrielle!" Hindi ko siya nilingon at nag mamadaling nag pedal ulit.
"Ella, sandali!" Pag tawag pa niya na lalong nag pabilis sa pag pedal ko. Ilang minuto lamang ay tumigil din ako dahil sa pagod.
"Ang bilis mo namang mag bike." Napasimangot ako ng maabotan niya ako. "May hinahabol ka ba?"
"May tinatakasan." Bulong ko sabay punas ng panyo sa noo ko.
"Huh?"
"Wala. Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko matapos isuksok sa bulsa ang panyo.
"P-Para sayo." Kumamot siya sa kilay niya. Isa ito sa mannerism niya kapag nahihiya o kinakabahan. Kung bakit ko alam? Palagi niya itong ginagawa sa'twing kaharap niya ako. "Kanina pa kita hinahanap sa school para ibigay 'yan. Mabuti na lang at nakita ko 'yung kotse nila Gia kaya naisip ko na baka pauwi ka na rin." Hays! Akala ko talaga matatakasan ko na siya ngayong araw. Siguro hindi kasama ang araw na ito sa maswe-swerteng araw ng buhay ko.
"Okay, thanks." Tinanggap ko ang sunflower na ibinibigay niya dahil hindi rin naman siya titigil hangga't hindi ko ito tinatanggap. Inilagay ko ito sa basket na nasa unahan ng bike ko.
"S-Sasabay na rin sana ako sayo sa pag uwi." Muli siyang kumamot sa kilay niya.
"Hindi pa ako uuwi, Gabrielle." Sagot ko saka muling pumedal para makalayo na ng tuluyan sa kanya.
"Gano'n ba? Eh 'di sasamahan muna kita kung saan ka pupunta." Sabi niya habang mag ka pantay na ang mga bisikleta namin. Sa kaliwa ako at sa kanan siya. Sementado ang dinadaanan namin pero sa magkabilang sides nito ay napaka lawak na palayan.
"Malayo ang pupuntahan ko. Baka mapagod ka, may asthma ka pa naman." Nalaman ko ang tungkol dito kay Mama. Madalas na kausap ni Mama ang guardian niya at nabanggit nito kay Mama na may asthma si Gabrielle. Hindi siya pwedeng mapagod pero nag pilit pa rin siyang magpabili ng bike dahil sa akin.
"Uy, concern!" Panunukso niya sa akin kaya seryoso akong bumaling sa kanya.
"M-Minsan na lang ako inaatake ng asthma ko, at siguradong hindi kasama ang araw na ito sa mga 'yon." Nahihiya niyang sagot.
"Ayoko ng may kasama." Seryoso kong sabi upang ipakita ang kawalan ko ng interes sa kanya.
"Pero kailangan mo ng may kasama para maprotektahan ka." I secretly rolled my eyes. How can she protect me? Tama ang mga classmates ko, isa laang siyang patpatin, hikain at iyakin na bata na walang ginawa kundi gulohin ang araw ko.
Ella! Para gang narinig ko ang pag sita sa akin ni Mama dahil sa laman ng utak ko tungkol kay Gabrielle.
Napabuntong-hininga na laang ako kahit na sa mga oras na 'to ay gustong-gusto ko na siyang sungitan.
"Ayoko sinabi ng may kasama." Mahinahon ngunit madiin kong pag uulit.
"P-Pero Ella..."
"Isa pa 'yan." Huminto ako dahil nakakaramdam na talaga ako ng inis sa kanya. "Sinabi ko na noon sayo, ate Ella ang itawag mo sa akin."
"Ayoko." Makulit niyang sagot matapos din na tumigil.
"Ang tigas talag ng ulo mo!" Hindi ako sanay na nag ta-taas ng boses pero kapag ganito ang kausap, sino ga naman ang hindi mababanas (maiinis)?
"Tatawagin lang kitang ate sa isang kondisyon?" Bumaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Really? Seryoso ka?" Sarcastic kong tanong. Wow,huh! Parang ako pa yata ang kailangang mag please sa kanya. "Alright, what's your condition?" Pagsuko ko para matapos na 'tong usapan namin. I want to go home!
"From now on, tatawagin mo na akong Gabb." Ngumiti siya ng ubod-tamis na nag pasingkit sa bilogan niyang mga mata. Napansin ko rin ang maputi at pantay niyang mga ngipin.
"At bakit naman kita susundin?"
"Para hindi ka na mahirapan. Alam kong medyo mahaba rin bigkasin ang pangalan ko, ate." Sabay kamot niya na naman sa kilay niya. Nag isip ako ng ilang segundo. Pabor ito sa akin para hindi na rin isipin ng mga schoolmates ko na nanliligaw pa rin siya sa akin. Kapag nalaman nila na ate na ang tawag niya sa akin, iisipin nila na kapatid na laang ang tingin niya sa akin. Ang bright mo talaga, Ella!
"Deal." Nakangiti kong sagot na ikina-pula na naman ng mag kabilang pisngi niya.
"Talaga? Teka, sandali!" Pag habol niya ulit sa akin ng mag umpisa na akong pumedal.
"Sasamahan kita sa pupuntahan mo!" Dugtong niya habang hinahabol ako gamit ang bisikleta niya.
"I change my mind. Uuwi na laang pala ako." Sagot ko saka binilisan ang pagpapatakbo.
"Eh 'di sabay na rin tayo. Remember, we're neighbors?" Pangungulit pa rin niya ng maabotan niya ako.
Muli akong sumimangot at bumulong sa hangin. Ugh! Bwisit!
A.❤