Chapter Two

3464 Words
December, 2019. "Mama!" Pag tawag ko kay Mama mula sa labas ng pintuan ng bahay namin. "Ma!" "Diyos ko kang bata ka! Ano ga 'yon at para kang kinakatay na biik dyan?" Nagmamadaling lumabas si Mama galing sa kusina. May hawak pa siyang sandok dahil kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinagkainan namin ng agahan. " 'Yung bike ko po, flat na naman." Pag padyak ko habang nakasimangot. Ilang ulit na kasi itong nasisira. Nahihiya naman akong papalitan na ito kay Papa dahil alam kong marami pa kaming bayarin sa bahay. "Ano? 'Di ga at kapapalit laang nyan?" Nagtataka rin na tanong ni Mama habang sinisipat ang gulong nito. "Flat na naman nga po." "Siya ika'y mamasahe na at wala akong panahon mag pagawa nyan sa bayan. Hintayin mo na laang dumating ang Papa mo bukas." Lalo akong sumimangot dahil sa sinabi niya. Ewan ko pero madalas na ang pag simangot ko ngayon. Madalas na rin kasi ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay ko. "Hi, Tita. Good morning." Speaking of kamalasan. "Good morning, ate Ella." Nasa labas ito ng gate at ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. "Magandang umaga naman, Gabb. Papasok ka na ga?" "Opo." "Pwede gang isabay mo muna 'tong si Ella..." Nanlaki ang mga mata ko saka sinita si Mama. "Mama!" "O-Opo, sige po." Ngiting-ngiti pa rin na sagot ni Gabb. Mukhang excited pa talaga siya. "Ayoko po. Maghihintay na laang po ako ng tricycle." Pagmamatigas ko. Hindi na ulit ako sasakay sa bike niya dahil noong huling sumakay ako dito ay kamalasan laang ang inabot ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. It was the first day of October. Sinabi niya sa akin ang nararamdaman pati na rin ang pag i-insist niya na ligawan ako. Noong araw na 'yon, nag simula ang kalbaryo sa buhay ko dahil simula noong araw na 'yon ay hindi na niya ako tinantanan. Daig pa niya si Mike Enriquez. Bwisit! "Alam mong ko-konti laang ang tricycle na dumadaan dito. Sumabay ka na kay Gabb para hindi ka ma-late." Pilit ni Mama na ilang ulit kong ikina-padyak. Alam kong wala akong magagawa dahil hindi ko naman pwedeng suwayin si Mama. Siguradong makakatikim ako ng palo sa pwet kahit na dalaga na ako. "Don't worry, ate." Nakasimangot akong tumingin kay Gabb. "Iingatan na kita este, m-mag iingat ako." Sabay kamot sa kilay niya. Padabog ko silang tinalikuran kaya nakatanggap ako ng sermon kay Mama. "Aba't! Tamo 'tong batang 'to. Ella Mae, hindi kita pinalaki ng gan..." Pahablot kong kinuha ang bag at Chemistry book sa ibabaw ng sofa. "Heto na nga po." Tamad na tamad kong sagot. Binuksan ko ang gate at deretsong naupo sa angkasan ng bike niya. "Tara na." "K-Kumapit ka baka..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Padabog akong humawak sa balikat niya habang hawak sa isang kamay ang Chemistry book. Nakasabit naman sa likod ko ang bag ko na kulay sky blue, my favorite color. "Okay na?" Sarcastic kong tanong. Ilang ulit siyang tumango saka nag pedal. Nag pagewang-gewang pa ito ng ilang segundo bago niya nakontrol ang pagpapatakbo. "How was your sleep, ate?" Tanong niya. Marami na kaming mga kasabay na estudyante at ang iba sa kanila ay bumabati sa akin. Sinusuklian ko naman sila ng tipid na ngiti kahit na tamad na tamad akong ngumiti ngayong umaga. "Okay naman." Patamad kong sagot. "Ako, hindi masyadong nakatulog." Hindi ko itinatanong! Gusto ko sanang isagot pero nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang paligid. "Iniisip ko kung ano kayang pwede kong i-regalo sayo sa Christmas." Malapit na nga pala ang Christmas. Sa katunayan ay isang linggo na laang at holiday vacation na namin. "Ano bang gusto mong gift, ate?" Ang tigilan mo ako! Sigaw ng utak ko. "Wala. Hindi naman mahalaga sa akin ang regalo." Totoo na hindi ako materialistic na tao. Lahat ng bagay ay naaappreciate ko, maliit man o malaki. "Presence ko lang ba sapat na?" Natatawang tanong niya kaya nakatanggap siya ng palo sa balikat niya. "Ouch!" "Dami mong alam." Sagot ko. Napapansin ko na mas nagiging open na siya sa nararamdaman niya. Kahit mahiyain ay nagagawa na niyang mag biro ng ganito ngayon. Hindi katulad ng mga nakaraang buwan na halos mautal-utal siya sa'twing kakausapin ako. "Ang ganda ng sunrise." Napatingin ako sa sunrise dahil sa sinabi niya. Kaagad akong napangiti. Tama siya, ang ganda nga nito. "Pwede ba tayong huminto kahit saglit?" Tanong niya habang bumabagal ang pag pedal. Tumingin ako sa wrist watch na suot. Hindi pa naman kami late. "Ikaw ang bahala." Tumigil siya sa pag pedal. Bumaba ako at tumayo sa gilid ng daan kung saan kaharap ko ang malawak na palayan at ang sunrise. "For you." Napatingin ako sa iniaabot niya. It's a sunflower with a card. Again. Sinadya niya sigurong hindi 'to iabot kanina dahil kaharap namin si Mama. Tinanggap ko ito pero hindi nag pasalamat. Oo, appreciative ako pero ayoko laang isipin niya na nagugustuhan ko ang ginagawa niya because I don't. "Did you know why I keep giving you a good morning cards everyday?" Tanong niya habang nakatanaw na rin sa sunrise. Nakapagitan sa pagkakatayo namin ang bike niya na naka stand. "It's because for me, good morning means hello. It's another day, meaning, another blessing and another chance to see a blessing like you." Sagot niya habang nakangiti. Sa pwesto ko ay malaya kong nakikita ang nag mamayabang niyang matangos na ilong at ang mahabang mga pilik-mata na natatakipan ng makapal na salamin. Hanggang balikat ang itim niyang buhok with a bangs. Morena siya at hanggang balikat ko laang ang height niya. "Sunrise is a future to look forward to. It's like He's giving us a chance to do better, to be better. So, we need to thank Him every day when we wake up for being given this chance to do better than we had in the past." Bumaling siya sa direksyon ko habang nakangiti. Napaka expressive ng kulay tsokolate niyang mga mata. Napaka dali na hulaan ang nararamdaman niya dahil nag re-reflect ito sa mga mata niya. And right now, I can say that she's happy. She's happy while staring at me. "I didn't know na ang deep mo rin palang bata." Nag iwas ako ng tingin at bumalik sa haring araw na ngayon ay nagmamayabang na ang liwanag sa aming lahat. "Hindi na ako bata. Nirereg...Ouch!" Lumapit ako sa kanya at pinalo ko siya na ikina-tawa niya ng malakas. Naramdaman ko ang malakas na pag t***k ng puso ko. Palakas ng palakas at sumasabay ito sa pag tawa niya. "Tara na nga!" Tinalikuran ko siya at humarap sa bike niya. "Baka ma-late pa ako, kasalanan mo." Naiinis kong sabi. Ewan ko kung bakit bigla na laang akong naiinis. Siguro dahil nakakainis pakinggan ang pag tawa niya. Nag simula ulit siyang mag bike habang angkas niya ako. Nag simula rin akong mag reminisce sa unang pagkikita naming dalawa. I remember that it was a month of August. Kakalipat laang nila sa katapat naming bahay. Ka-close namin ang dating may ari nito. Madalas doon ako naglalaro dahil mabait si Lola Celina sa akin pati na 'yung apo niya, si ate Isang. Nalungkot ako ng malaman kong aalis na sila sa bahay na 'yon. Pero ilang buwan ay may lumipat na rin sa bahay nila. Sila ang bagong may ari ng bahay, kaya laang ay umalis din sila kaagad. Hanggang sa isang araw, nabalitaan ko na may bago na ulit itong may ari. At teenager ang isa sa titira rito. Natuwa ako dahil mahilig talaga akong makipag kaibigan. Naniniwala ako na mas masaya kapag marami tayong kaibigan. Una kong nakita si Gabb noong bumaba siya sa kotse na sinasakyan niya. I found it weird noong makita ang suot niya. All black ito na hindi normal sa isang teenager. Nag mukha tuloy siyang member ng isang kulto, lalo pa at nakatakip ng hoody ang ulo niya. Nag tama ang paningin namin noong lumingon siya sa balcony ng kwarto ko. Naka eye glasses siya pero napansin ko pa rin kung gaano kaganda ang mga mata niya. Bilogan ito na parang sa isang anime character na napapanood ko. Ngunit may mali sa mga ito, unlike sa mga anime characters, wala itong buhay. Malungkot ang mga mata niya. Kinabukasan ay nag try ako na i-approach siya. Nakita ko siyang nag tatanim sa garden nila. Mukhang mahilig siya sa mga bulaklak. Nakangiti akong sumilip sa gate nila at binati siya. Tiningnan laang niya ako ng ilang segundo saka pumasok sa loob ng bahay nila. Inaamin kong nainis talaga ako that time dahil sa pang i-snob niya pero hindi pa rin ako tumigil na makipag lapit sa kanya. Kagaya ng mga naunang araw ay hindi pa rin niya ako pinapansin. She seems so distant na ipinagtataka ko. Kahit sa school ay wala man laang siyang kaibigan. Binu-bully pa siya dahil sa nerdy look niya at dahil na rin sa transferee siya. Sampung salita ang nag patigil sa akin na makipag close sa kanya. 'I don't want to make friends, so please get lost.' Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang iyon na naging dahilan ng pagkapahiya ko sa sarili. Simula noon ay hindi ko na siya kinulit pa. Palagi ko siyang nakikita na hatid-sundo ng kotse nila. Minsan pa ay pinapasabay ako ng Tita niya pero ilang ulit din akong tumanggi. Hindi ko yata kaya na makasama sa sasakyan ang isang rude na katulad niya. Akala ko doon na matatapos ang kwento namin ni Gabb pero nagkamali ako. It was a month of September noong bigla na laang siyang sumabay sa akin sa pag pasok gamit ang bike niya. It's unusual, hindi ko pa siya nakita na ngumiti ng gay'on. I assumed na baka na-realized niya na wala naman masama na makipag kaibigan sa akin. O baka naboring na siya na mag isa. Araw-araw niya akong sinasabayan sa pag pasok gamit ang bike niya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na siya sumasakay sa kotse nila para pumasok at umuwi. Noon ko rin nalaman na madaldal pala siya. Marami siyang kwento lalo na tungkol sa mga bulaklak. Halos alam niya ang lahat ng scientific names ng mga bulaklak. Genius! Akala ko doon na mag uumpisa ang pagkakaibigan naming dalawa pero nagkamali na naman ako. It was the first day of October noong naki-angkas ako sa bike niya dahil flat ang gulong ng bike ko. Masaya kaming nag kwe-kwentuhan habang patuloy siya sa pag ba-bike. Pero kaagad din nawala ang pagkakangiti ko ng bigla niyang aminin na gusto niya ako at plano niya akong ligawan. Sa sobrang pagkataranta ko ay napadiin ang hawak ko sa balikat niya na naging dahilan ng pagkawala niya ng kontrol sa manibela. Pareho kaming nahulog sa bike at nasugatan. Simula noon ay ipinangako ko na hinding-hindi na ako sasakay ulit sa bike niya. Hinding-hindi na! "Ate Ella? Hey?" Bumalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ko ang pag tapik niya sa kamay ko na nasa balikat niya. "Huh?" "You're spacing out." Narinig ko pa ang pag tawa niya. Pinagtatawanan niya ako! Bwisit! "Nasaan na ga tayo?" Lutang kong tanong saka luminga sa paligid. Shems! Nandito na pala kami! Kaagad akong bumaba sa bike niya. "We're already here at the parking." Saka laang niya nai-park ang bike niya ng makababa ako. "Ba!" Nilingon ko si Ba sa pag tawag niya sa akin. Kaagad akong napangiti ng makita siya. "Good morning, Baba!" Humalik siya sa pisngi ko na palagi naman niyang ginagawa. "Hi, Gabrielle." Nakangiti rin niyang bati kay Gabb. "Morning." Nahihiyang sagot ni Gabb. "Sira na naman ga ang bike mo?" Tanong ni Gia ng mapansin na hindi ako sakay sa bike ko. "Oo, eh." Nakasimangot akong tumango. "Mukhang sa junk shop na talaga ang bagsak n'on." Sabi niya kaya lalo ko siyang sinimangutan. "Joke!" She pinch my cheeks at pinanggigilan ito. Binitiwan laang niya ako ng dumaing na ako sa sakit. "Salamat, Gabb." Bahagya akong bumaling kay Gabb na seryosong nakatingin sa amin ni Gia. Problema niya? "Mauna na kami." "Hatid na kita sa room niyo?" Prisinta niya na kaagad kong kinontra. "Kaya ko na." "Pero baka mahirapan ka sa dala mo." Pangungulit na naman niya. "Isang libro laang ang dala ko, Gabb." Sarcastic kong sagot na tinawanan ni Ba. Nabigyan ko tuloy siya ng nakamamatay na tingin. "Sorry!" Sagot ni Ba sabay peace sign. Ang saya niya eh 'no? Bumaling siya kay Gabb ng mapigil na niya ang pag tawa. "Kung gusto mo Gabrielle, ako na laang ang ihatid mo?" "Ba?!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sinusubokan niya talaga ako! "What?" Nangingiting tanong niya saka bumaling ulit kay Gabb. "So?" "S-Sige." Nahihiyang sagot ni Gabb. "Great! Let's go!" Masayang sagot ni Gia saka ako inakbayan. "Ouch!" At siniko ko naman siya pambawi sa ginawa niya. .. December 24, huling araw ng simbang gabi. "Sa may bahay ang aming bati, Merry Christmas ng malualhati. Ang pag ibig ang siyang nag hari. Araw-araw ay magiging pasko..." "Tawad!" Rinig kong sigaw ni Frances sa mga bata na nangangaroling. Halos araw-araw na rin sila sa pangangaroling dito. "Ella! Bakit ga ang kupad mong bata ka? Mahuhuli na tayo sa misa!" "Nandyan na po!" Dali-dali akong nag suklay sa hanggang balikat kong buhok saka bumaba mula sa kwarto ko. "Napaka ganda naman ng Unica hija ko." Nakangiting sabi ni Papa ng makita niya ako habang bumababa ng hagdan. I'm wearing a plain navy blue dress na binili pa namin ni Mama sa bayan. "Si Papa talaga, nambola pa." Niyakap ko si Papa dahil nami-miss ko siya. Isang beses sa isang linggo laang siyang nakakauwi dito dahil sa trabaho sa Maynila. "Tito, how 'bout me?" Sabay kaming lumingon ni Papa kay Frances. She's wearing a printed yellow dress na bumagay sa kanya. Frances is my cousin. Dito siya mag No-nochebuena dahil kinailangan umuwi ni nanay Melba sa kamag-anak niya ngayong Christmas. Naiwan si sa amin si Frances dahil parehong nasa mission ang parents niya. Nasa military ang parents niya kaya kung saan-saan sila na-assign. Pareho kaming only child kaya madali kaming nagkasundo. She's a first year student at nag aaral sa isang private school sa bayan. "Of course, you're pretty like your ate Ella." Bahagyang hinaplos ni Papa ang maikli nitong buhok. "Yey! Did you heard that, ate?" Tuwang-tuwa itong lumapit sa akin. "Oo naman, pretty ka naman talaga. Halika na. H'wag kang hihiwalay sa amin,huh? Maraming tao d'un." Paalala ko at mag kahawak-kamay kaming lumabas ng bahay. "Opo, ate." "Magandang Gabi, Lena, Allan." Bati ni Tita Clara kay na Mama. Kami naman ni Frances ay pumasok na sa loob ng van. "Magandang gabi rin sayo, Clara. Mag si-simba rin kayo?" Tanong ni Mama. Naririnig namin sila dahil nakabukas ang pinto ng van namin. "Oo, hinihintay ko lang 'tong si Gabb. Gabb! Hurry!" Pag tawag nito kay Gabb. "Bakit hindi na laang kayo sumabay sa amin? Heto na laang van ang gamitin natin. Kasya naman tayo dito." Suggestion ni Papa na ikina-laki ng mga mata ko. No, Papa please! "Naku, hindi ba nakakahiya?" "Sus! Ayos laang 'yon, Clara. Sumabay na kayo sa amin." Sang-ayon naman ni Mama. "Gabrielle, hurry up! May naghihintay sa atin!" Pag tawag nito kay Gabb na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng bahay nila. H'wag na sana siyang lumabas! "S-Sorry, Tita." Nagmamadali siyang lumabas ng bahay. She's wearing a jumper skirt at mukhang hiyang-hiya siya sa suot niya. "M-Magandang gabi po." Magalang niyang bati kay na Papa. "Magandang gabi rin, bata." Natawa ako ng mapansin ko ang pasekreto niyang pag simangot. Ayaw niya talaga na tinatawag siyang bata. Tumingin siya sa direksyon ko kaya binelatan ko siya. Kasalukuyan kaming nakatayo dito sa simbahan at kinakanta ang Ama Namin. Katabi ko sa kaliwa si Frances at sa kanan si Gabb. Oo, hindi niya talaga ako tinantanan mula sa van hanggang dito sa simbahan. Nagpatuloy ang misa hanggang sa mag announce ang priest na magbigayan kami ng kapayapaan. "Kiss be with you." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Gabb. "A-Ano?" Utal-utal kong tanong. "Huh? Ang sabi ko, peace be with you, ate." Inosente niyang sagot. Tinitigan ko pa siya para basahin ang sincerity niya. Madumi laang talaga ang utak mo, Ella! Nasa simbahan ka pa naman! Epal ng utak ko. Nakalabas na kami ng simbahan ng ma-received ko ang text ni Ba. Nandito rin sila ng family niya kaya nakipag kita ako sa kanya kasama si Frances. Sila Mama naman ay namimili ng mga kakanin para sa Noche Buena. "Ba, ano gang masarap dito sa dalawa?" Tanong ko kay Ba sabay turo sa dalawang magkaibang kakanin na nasa stall. "Ito, masarap 'to, Ba." Turo niya sa kakanin na kulay violet. "No, I think this one is more delicious than that." Turo naman ni Frances sa katabi nitong kakanin, it's color brown. "Why you think so? Natikman mo na ga 'yan?" Tanong ni Gia kay Frances. "No." Maikli naman na sagot nitong isa. "Oh hindi naman pala." Simangot na sabi ni Gia saka muling ngumiti ng bumaling sa akin. "Mas masarap 'to, Ba ang cute pa ng itsura." "Hindi porque maganda ang appearance, eh okay na." Sabay kaming bumaling ni Gia kay Frances dahil sa sinabi nito. "Mas maganda pa rin na maganda ang appearance para mas presentable na tingnan." Sagot din ni Gia. Hindi talaga siya magpapatalo kahit sa bata. "We are talking about the food here. Hindi naman nakakain ang appearance, right?" Bwelta ni Frances. Napabuntong-hininga na laang ako. Hays! Mag sisimula na naman sila. "Kahit na, dapat..." "No, your argument..." "STOP!" Pag a-awat ko sa kanila. Napatingin ang tindera dahil sa pag taas ng boses ko. Paskong-pasko nai-stress ako sa kanila! "Hanggang dito ga naman magtatalo pa rin kayo? Ayoko na! Hindi na ako bibili!" Tinalikuran ko sila pero kaagad akong pinigilan ni Ba. "Wait, Ba!" Lumingon ako at nakasimangot na nag salita. "Bantayan mo 'yang si Frances. Baka mawala na naman 'yan." Napansin ko pa ang pag i-irapan nilang dalawa bago ko sila iniwan doon. Kailan kaya sila ulit magkakasundo? Pag puti pa siguro ng uwak. .. "5, 4, 3, 2, 1! Happy New year, everyone!" Masaya kong niyakap si Mama at Papa pati na rin si Frances. Maingay ang paligid dahil sa mga paputok, torotot at kung anu-ano pang pampaingay na pwedeng makapagtaboy ng malas. "Happy new year din mga anak." Isa-isa kaming hinalikan ni Papa sa noo. "Happy New year sayo, mahal." Bumaling siya kay Mama at mabilis itong hinalikan. "Ayieeee!" Kantyaw namin ni Frances sa kanila saka hinipan ang mga hawak namin na torotot. Thirty minutes matapos ang count down ay tumaas muna ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Binasa ko kaagad ang message ni Ba sa akin. 'Happy New Year, Baba! I love you!' Napangiti ako dahil ang sweet talaga nitong best friend ko. 'Happy New year, Ba. Love you, too.' Reply ko sa kanya. Siguradong mag re-reklamo na naman siya sa 'love you' ko na palagi raw na walang 'I'. May pagkaisip bata rin kasi 'yung best friend ko. Kaya nga hindi sila mag kasundo ni Frances. Isang bata at isang isip bata. Lol. Sunod kong binasa ang message ni Gabb. As expected, jejemon na naman ang format ng text niya. 'H4pp¥ N3w ¥34π, 4+3 3774! +h4nk ¥()u f()π b3in6 p4π+ ()f m¥ 2019. 7()()kin6 f()πw4πd f()π m()π3 ¥34π$ wi+h ¥()u.' Sa loob ng tatlong buwan, sa unang pagkakataon ay mag re-reply ako sa text message niya. 'Happy New year, Gabb.' Matapos i-send ay narinig ko ang pag tawag ni Mama mula sa ibaba. "Ella! Bumaba ka dito! Nandito sila Gabb!" Napa face palm ako at muling tiningnan ang cellphone na hawak ko. Balak kong bawiin ang text message ko sa kanya pero tuluyan na itong na-isend. Sa unang pagkakataon din ay kinabahan akong humarap kay Gabb. Bwisit! Bakit ga ako kinakabahan? It was just a simple text message, Ella! Pangungumbinse ko sa sarili habang pababa ng hagdan. "Happy New Year, Ella." Bati sa akin ni Tita Clara kaya kahit kinakabahan ay ngumiti pa rin ako ng tipid at binati ito. "Happy new year din po, Tita." Ayaw ko man tingnan si Gabb ay kusa siyang hinanap ng mga mata ko. Katabi niya si Frances sa sofa. Lumapit ako para sitahin ang pag ngiti niya. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Mahina ngunit madiin kong sita sa kanya. "I'm just happy." Sagot niya saka sumulyap sa cellphone na hawak niya. "It's indeed a happy new year to me." A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD