January, 2020.
"Ma, kanino po 'yung bike na nasa harapan?" Tanong ko kay Mama habang nagluluto siya ng almusal namin.
"Christmas gift raw sayo ni Gabb sabi ni Clara." Sagot niya na ikina-tigil ko sa pag inom ng hot chocolate.
Lumapit ako kay Mama dahil para akong nabingi sa sinabi niya. "P-Po?"
Nilingon niya ako mula sa tabi niya saka nag salita, "Kaya ikaw, h'wag mo ng sinusungitan 'yung bata. Gusto laang makipag kaibigan eh kaarte-arte mo naman."
"Ma naman!" Nag pout ako dahil ang harsh ni Mama sa akin. Hindi naman niya alam kung bakit ako gay'on sa makulit na 'yon.
"Hala sige, ikaw eh mag pasalamat at sabi ni Clara eh pinag iponan pa 'yun ni Gabb." Pahabol pa niyang sermon sa akin. "Magaling pa ang batang 'yon, marunong mag ipon samantalang..." Umalis ako sa tabi niya ng maubos ang hot choco na iniinom ko. Lumabas ako dahil ayokong mag almusal ng sermon mula kay Mama. Nilapitan ko ang bike na naka stand sa labas ng gate namin. Halos mag ningning ang mga mata ko ng matitigan ito. Grabe! Ang ganda! Kinuha ko ang card na nakalagay sa basket na nasa unahan ng bike.
If someone makes you happy, make them happier.
Your star, Orion.
Kusa akong napangiti dahil sa nabasa. Isinuksok ko ito sa bulsa ng shorts ko saka hinawakan ang bike na nasa harapan ko.
"Good morning, ate Ella." Napapitlag ako at bumitaw sa bike dahil kay Gabb.
"Morning." Tipid akong ngumiti. Sakay siya sa bike niya at mukhang kakauwi laang. Saan naman kaya siya nanggaling?
"Did you like it?" Nakangiti niyang tanong saka sumulyap sa bike na ibinigay niya.
"Hindi ka na sana nag regalo." Nahihiya kong sagot. Oo, may gusto siya sa akin pero hindi naman ako katulad ng iba na ita-take advantage 'yung nararamdaman niya para sa sarili kong interes. "Siguradong mahal ang..."
"I'm asking you, if you like it?" She asked me again.
"O-Oo naman. Maganda." Ngumiti ako kahit na nahihiya pa rin. Tinitigan ko siya at sincere na nagpasalamat. "Salamat."
"I'm glad you liked it." Nakangiti pa rin niyang sagot saka bumaba sa bike niya at ini-stand ito. "Here, for you." Iniabot niya ang isang stem ng sunflower. Tinanggap ko 'to at nag pasalamat.
"Saan ka pala nanggaling? Bakit parang pagod na pagod ka?" Iniba ko ang usapan dahil bigla akong nakaramdam ng awkwardness.
Kumamot siya sa kilay niya, "W-Wala pa kasing tubo 'yung sunflower na tanim ko kaya pumunta ako sa bayan para bumili nyan." Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Parang ayoko ng tanggapin ang regalo niya. Kaya laang ay ipipilit niya 'to sa akin. Baka mapagalitan pa ako ni Mama dahil dito.
"Hindi mo na dapat..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lumabas ng bahay ang Tita niya.
"Gabb, nabili mo na ba 'yung kailangan mo sa school?" Mabilis kong naitago ang bulaklak sa likuran ko.
Lumingon si Gabb sa kanya saka sumagot, "Yes po." Nag sinungaling pa talaga siya para makapunta laang sa bayan.
"Sige, pumasok ka muna at gusto kang makausap ng Momy mo." Sagot nito matapos akong ngitian. Tumango ako at nahihiyang ngumiti bilang sagot.
"Ahm, sige ate. Papasok na muna ako." Pag papaalam ni Gabb habang nakaalalay sa bike niya. Kasabay nito ang pag pasok ng Tita niya sa loob ng bahay nila.
Tumango ako saka laang siya nag lakad paalis.
"G-Gabb." Hindi ko napigilan na tawagin siya. Sobrang naaappreciate ko ang ginawa niya kaya gusto ko sanang maramdaman niya na thankful ako sa mga 'to. I'm not good with words pero sana ay maramdaman niya ang sincerity ko.
Kunot-noong lumingon siya sa akin. "Ate?"
"Salamat ulit. I am happy." Sincere akong ngumiti na nagpawala ng pag kunot ng noo niya.
Napalitan ito ng isang malapad na ngiti. "I'm happy knowing that you're happy, so you're welcome." Her smile were warm and sweet katulad ng hot chocolate na iniinom ko kanina. Para bang niyayakap ako ng mga ngiting 'yon. Like a blanket and it makes me feel at home. It's also the first time I smile because of her smile.
Nasundan ko na laang siya ng tingin ng tumalikod na siya at deretsong pumasok sa gate nila. Napailing ako ng may maisip. Bakit parang mas maganda na ngayon ang mga ngiti niya kaysa kay Ba?
..
Recess. Nagkakantyawan ang mga classmates ko sa kung anuman ang nakita nila sa labas. Nanatili akong nakaupo at hindi na nakiusyoso. Si Ba naman ay nasa canteen para bumili ng pagkain namin. She insisted na siya na ang bibili sa canteen dahil may tinatapos pa akong activity.
"Ella, may naghahanap sayo." Sabi ni Kyla kaya nangunot ang noo ko at napatingin sa pinto ng classroom namin. Tumayo ako para tingnan kung sino ito.
"T-Tyron?" Si Tyron ang captain ball ng basketball team dito sa school.
"Good morning, Ell. Para sayo." Nakangiti niyang pagbati saka iniabot ang mga dala niya.
"S-Salamat pero bakit?" Naguguluhan man ay tinanggap ko ito. It's a bouquet of red roses and a chocolate. "I mean, bakit mo ako binigyan nito?" Nag aalangan kong tanong.
"Ang slow mo talaga, Ba. Syempre, manliligaw." Pag sulpot ni Ba mula sa labas ng classroom. Hawak-hawak niya ang binili niyang pagkain.
"P-Pwede ga?" Nahihiya niyang tanong. Napansin ko ang pag hawak niya sa batok at pamumula ng mag kabila niyang tainga.
"Syempre... " Sumagot si Ba at tinapik ng isang kamay ang balikat ni Tyron. "Hindi pwede. Hindi nagpapaligaw 'yang best friend ko." Saka nag grin na ikina-singkit na naman ng mga mata niya.
"Ba!" Sita ko sa kanya. "Pumasok ka nga muna."
Inalis niya ang kamay sa balikat ni Tyron saka lumapit at bumulong sa akin. "Remember your golden rule." Namula ako dahil sa ginawa niya.
Nakapasok na sa classroom si Ba kaya humarap ulit ako kay Tyron. "Pasensya ka na kay Gia."
"I understand her." Ngumiti siya na nag palabas ng dimple niya sa kaliwang pisngi. Ang gwapo! "She's just concern but I mean no harm naman." Nagpacute pa siya sa akin na effective naman. Shems! Kinikilig ako!
Napatingin ako sa nakasimangot na si Gia na nakaupo sa 'di kalayuan. Bumaling ulit ako kay Tyron at nahihiyang nag salita, "Alam ko pero..."
"Oops! Parang hindi ko pa kayang ma-basted sa ngayon. Pwede gang hayaan mo muna akong manligaw?" Pag pigil niya sa mga sasabihin ko. "Then in a few weeks or months, I will let you decide and I'll respect your decision." Nakikiusap ang mga mata niya habang nakatitig ang mga ito sa akin.
Bumuntong-hininga ako saka sumagot, "Okay."
"Okay as in okay?" Nabuhayan siya ng loob dahil sa isinagot ko. Makikita sa gwapo niyang mukha na sobrang saya niya dahil sa pag payag ko.
"Okay nga." Nakangiti kong sagot. Ang cute niyang tingnan habang nagtatatalon sa tuwa.
"Yes! Thanks, Ell!" Nag paalam laang siya noong mag bell, sign na tapos na ang recess. Hindi na pala ako nakakain. "See you later."
Naupo ako sa tabi ni Ba. Patapos na siyang kumain habang ako ay mag sisimula pa laang. Hindi man laang ako hinintay. Takaw!
" 'Hindi muna ako magpapaligaw, Ba. Priority ko muna ang pag aaral ko'." She quoted. "Oh nasaan na 'yung Ella Mae Amat na 'yan ngayon?" Nakasimangot pa rin niyang sabi saka kumagat sa hamburger na hawak niya.
"Ba naman." Binuksan ko naman ang yakult na binili niya para sa akin.
"Ba naman." Pag uulit niya. "Kutosan kita dyan, eh." Hindi pa rin nawawala ang pag simangot niya. "Alam mo gang play boy 'yon?"
"How can you say that?" Isinuksok ko sa bag ang chocolate na bigay ni Tyron at ibinaba ang bouquet. Baka kasi dumating na si Teacher Cristy at makita ito.
"Play boy 'yon, maniwala ka. Paiiyakin ka laang no'n."
"Paiiyakin kaagad, hindi ko pa nga sinasagot."
"Sus! Alam na alam ko 'yang ngiti na 'yan. 'Wag ako!" Turo niya sa mukha ko kaya lalo akong napangiti.
Hinarap ko siya at pinanggigilan ang cheeks niya. "Ang cute-cute mo talaga, Baba."
"Tse!" Tapik niya sa kamay ko. "Basta kapag nakipag date ka sa kanya dapat na kasama ako." Sabi pa niya matapos kong alisin ang mag kabila kong kamay sa cheeks niya.
"Ano ka chaperon?" Pinagtuonan ko ng pansin ang yakult ko at straight itong ininom. "Saka bakit wala ka naman ganyan na comment kay Gabb? Well, bukod sa nerd siya, wala na." Tanong ko matapos maubos ang laman ng yakult.
"Alam ko namang walang pag asa sayo si Gabrielle." Sagot niya na ikina-baling ko sa kanya. Gay'on ga talaga ka-obvious na ayaw ko kay Gabb? I mean, I like her naman as a person but not romantically. Kung friendship sana ang i-offer niya sa akin, hindi na siya kailangan pang mangulit dahil kusa ko 'yong ibibigay sa kanya.
"At si Tyron, meron?" Tanong ko. Oo, crush ko si Tyron pero hindi naman dahilan 'yon para sagotin ko siya. Mas gusto kong kinikilala muna ang tao bago ako pumasok sa isang sitwasyon na pwede kong pagsisihan sa huli. Bata pa ako para masabi na si Tyron na nga ang prince charming na pinapangarap ko. Hindi rin ako naniniwala na instant na laang itong darating sa harapan ko katulad mga fairytale movies na napapanood ko.
"Kung si Tyron laang din naman, eh d'un ka na kay Gabrielle. May trustworthy than him." Napatitig ako sa kanya at malungkot na ngumiti.
Paano kung wala sa kanila ang gusto ko? I mumbled. Tumingin siya sa akin. Siguro ay narinig niya ang pag bulong ko pero hindi niya 'to naintindihan. Ngumiti na laang ako at sumagot, "Oo na."
Naglalakad ako papunta sa parking ng mga bisikleta ng mapansin ko si Gabb na nakatayo sa tabi ng bisikleta ko.
"Ate Ella!" Nakangiti siyang kumaway sa akin. "Kamusta ang araw mo?" Tanong niya ng tuluyan akong makalapit.
"Okay naman." Sagot ko saka inilagay ang bouquet ng bulaklak sa basket na nasa unahan ng bike ko.
"Mukha nga." Nakasimangot niyang bulong.
"Anong sabi mo?" Tanong ko matapos alisin ang pagkaka stand ng bike ko.
"W-Wala. Si Tyron ba ang nag bigay nyan?" Tanong niya na sinagot ko laang ng pag tango. Siguro ay kumalat na sa school na nililigawan ako ni Tyron. "You let him court you?" Dugtong niya.
"Oo, masama?" Kunot-noong tanong ko saka sumakay sa bike at unti-unting nag pedal.
"M-Masama..." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. "D-Dahil nag seselos ako." Nilingon ko siya. Nakatayo pa rin siya at panay ang pahid ng mga luha sa mga mata niya. Ugh! Iyakin!
Ini-stand ko ang bike saka lumapit sa kanya. "Huy! H'wag ka ngang umiyak."
"A-Alam ko naman na wala akong laban sa kanya." Patuloy laang siya sa pag pupunas ng mga luha niya. Tumunghay siya sa akin at nag tama ang mga paningin namin. "P-Pero ayaw kitang suko-an. Hindi kita susuko-an." Nakaramdam ako ng kaba. Hindi maipaliwanag na kaba.
"G-Gabb..."
"Please, kung sasabihin mo na naman na tigilan na kita, sorry, hindi ko gagawin." Seryoso niyang sabi, "Kung siya binigyan mo ng chance na manligaw sayo, bakit ako hindi? Deserve ko rin naman siguro 'yon, 'di ba?" Muling siyang umiyak kaya nataranta ako. Pinagtitinginan na rin kami ng mga schoolmates ko.
"Oo na! Basta h'wag ka ng umiyak." Pag padyak ko dahil sa kakulitan niya.
"T-Totoo?" Parang may sariling utak ang mga luha niya dahil bigla na laang ang mga itong huminto dahil sa sinabi ko.
Nakasimangot akong tumango saka siya tinalikuran.
"Yes! Yes! Yes!" Hindi ko na siya tiningnan. Alam kong katulad ni Tyron ay nagtatatalon din siya sa tuwa.
..
February, 2020.
Valentine's day. Halos lahat ng tao na nakikita ko ay nakangiti. Ang iba ay may kasama pang jowa at kilig na kilig sa regalo na bigay ng mga 'to. Mapapa sana all ka na laang talaga.
Tumigil si Gia sa pag kain ng may mag approach sa kanya at may iniabot. It's a bouquet of flowers and a chocolate. Nakangiti naman niya itong tinanggap at nag pasalamat sa lalaki. Sa totoo laang ay halos mapuno na ang back seat ng kotse nila dahil sa dami ng mga gifts na natatanggap namin. Dinaig pa nito ang Pasko. Doon ko rin muna inilagay ang mga gifts na ibinigay sa akin dahil hindi ko dinala ang bike ko ngayon at hindi rin naman magkakasya dito ang mga gifts na meron ako. Lalo na ang human size na teddy bear na ibinigay kanina ni Tyron.
"To Shaina Ocampo..." Nag hiyawan ang mga estudyante na nag o-occupied ng table na katabi namin dito sa canteen. Mukhang isa sa kanila si Shaina.
"Una pa lang kitang nakita eh crush na kita..." Nanggaling ang boses sa 'love booth' na pakana ng mga juniors. Ang love booth ay isang booth kung saan pwede kang mag sulat ng messages sa taong nagugustuhan mo. Ipapadala mo ito sa booth at babasahin ito ng nag arranged ng booth. As in maririnig ng buong school ang kung anuman ang sasabihin mo sa nagugustuhan mo. Pwede mo itong lagyan ng totoong pangalan mo kung may kapal ka ng mukha. Pwede rin naman na maging anonymous ka at forever ng maging secret admirer sa crush mo. Bente pesos ang bayad dito. "Ngayon, palagay ko, gusto na kita. From your secret admirer." Lalong nag kantyawan ang mga ito. Hula ko ay sophomores pa laang sila.
"Ang baduy n'on." Natatawang comment ni Gia.
"Shh! Ang sama mo!" Saway ko sa kanya.
"To Guinevere Vega Muse..." Nangunot ang noo niya at hindi natapos ang pag inom sa orange juice na hawak.
"Teka, sa akin na naman?" Nag re-reklamo niyang tanong. Kanina pa kasi kami nakakarinig ng mga messages para sa aming dalawa at galing ito sa iba't-ibang tao. Katulad ko ay walang kahit isa ang kumuha sa interes niya.
"Ang haba ng hair mo, eh." Kantyaw ko saka isinubo ang fries na ni-order ko.
"I really love your smiles because every time you smile, you had magic in your eyes that even the stars like you, envied. I want you to know that you're the brightest star in my sky." Nalunok ko kaagad ang fries dahil sa narinig. "From, The Night." Bumaling ako kay Gia kaya napatingin din siya sa akin.
"S-Sino 'yon?" Curious niyang tanong.
"Sana alam ko, 'di ga?" Sarcastic kong tanong. Ibinalik ko ang paningin sa pagkain na nasa harapan ko.
"Puntahan natin, bilis!" Pahablot niyang kinuha ang kamay ko. Dali-dali ko naman kinuha ang bag ko.
"Sandali! Atat laang?" Reklamo ko. Ni hindi man laang niya ako pinatapos sa pag kain ko.
"Bakit ka ga curious kung sino 'yon?" Tanong ko habang hawak pa rin niya ang kamay ko.
Tumigil siya at bumaling sa akin, "Kung sino man siya, I can feel the sincerity." Nakangiti niyang sagot na parang kinikilig pa siya. "Bilis, Ba. Baka hindi natin maabotan." Saka niya ulit hinila ang kamay ko papunta sa love booth.
Nakarating kami sa booth pero wala roon ang hinahanap niya. Hindi rin magbigay ng information ang mga tao sa booth dahil nasa rules nila ito.
Tinatamad siyang naupo sa isang bench. "Sayang."
"Hayaan mo na. Malay mo, magpakilala din naman sayo." Tumabi ako sa kanya.
"I hope so. Dyan ka muna, bibili laang ako." Tumayo siya na nasundan ko na laang ng tingin habang nangingiti.
"Hi, Ella." Bumaling ako sa nag approach sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay mga seniors sila.
"Hi." Nakangiti kong sagot.
"Pasensya na pero napag utosan laang kami." Nangunot ang noo ko sa sinabi nilang tatlo.
"A-Ano?" Hindi kaagad ako nakapag react ng nilagyan nila ako ng posas. "Sandali! Sino gang nag utos sa inyo?" Pag piglas ko. Napansin ko pa ang mga barkada ni Tyron na masaya kaming pinapanood.
"Sumama ka na laang, Ella." Sagot ng isa sa kanila saka ako nilagyan ng blindfold.
Wala na akong nagawa kundi sumama. At may idea na ako kung anong booth ang meron sila. It's a marriage booth!
"Ano ba! Let go of me!" Naririnig ko ang pamilyar na boses na iyon kaya kinabahan ako.
"Pasensya na kayong dalawa. Napag utosan laang kami. Alisin niyo na ang blindfolds nila." Utos ng isa sa mga ito. Mukhang nasa marriage booth na nga ako. Shems! Hindi pa ako ready na mag pakasal! Tungaks! Kunwari laang 'yan! Epal ng kabilang bahagi utak ko.
Naramdaman kong inaalis na nila ang blindfold ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tao na balak nilang i-kasal sa akin.
"Gabb / Ate Ella?!" Mag kasabay naming tanong.
"S-Sandali, nagkakamali..." Nataranta ako dahil hindi siya ang ine-expect kong makita dito.
"Simulan na natin ang seremonya." Pumunta sa harapan namin ang fake priest.
"A-Ano?! M-Magpapakasal kami?" Gulat na tanong ni Gabb. Kunwari pa siya na hindi niya 'to pakana! Bwisit siya!
"Kunwari laang, Skribikin. Pwera na laang kung gusto niyong totohanin." Nagtawanan sila sa sinabi ng kunwaring priest na nasa harapan.
Gabb! Lagot ka talaga sa akin! Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. "Gabb! Pakana mo ga 'to?!"
"Ate, hindi ako." Umiling-iling siya. "Basta na lang nila akong hinila dito tapos..."
"Tumahimik ang lahat." Pag putol ng priest sa anumang i-dadahilan ni Gabb. Humanda ka talaga sa akin mamaya!
Nag simulang mag basa ang priest sa kunwaring seremonya. Hindi ako nakikinig dahil hindi naman ako interesado sa lahat ng mga sinasabi niya. Itong katabi ko naman ay ngiting-ngiti habang nakikinig. Ugh! Bwisit! May ibinigay sa amin na papel. Nag sign ako at hindi na ito binasa pa. Gustong-gusto ko ng makaalis dito!
"Pahingi akong dalawang singsing." Sabi ng priest sa kasamahan nito.
"Ubos na pala ang singsing natin." Kumamot ito sa ulo.
"Kahit na ano na laang. May singsing ga kayo dyan? Pahiram muna." Tanong nito sa amin ni Gabb. Nag panggap akong walang naririnig samantalang sumagot ng 'wala po' si Gabb.
"Sige, kahit 'yang ribbon na laang sa buhok mo, Ella."
"Ano?" Napabaling ako sa priest dahil sa sinabi niya.
"Sige na, makisama na laang kayo para matapos na 'to." Naiinis na rin na sagot nito. Pabalang kong hinila ang sky blue ribbon na nakatali sa buhok ko. Nakatulala pa sa akin ang priest ng iabot ko ito sa kanya. Sinuklay ko naman ang nagulong buhok gamit ang mga kamay ko.
Nakita kong ginupit nila ito sa dalawa at ibinigay ang tig isa sa amin ni Gabb.
"To Gabrielle Orion Skribikin, will you have Ella to be your wife, to live with her, to respect her, and..."
"Yes! Of course!" Nag tawanan ang mga nandito except sa akin dahil hindi man laang niya pinatapos ang sinasabi ng priest. Hindi naman obvious na gustong-gusto niya 'to!
"To Ella Mae Amat, will you have Gabrielle to be your wife, to live with her, to respect her and love her in God intends with the promise of faithfulness, tenderness, and helpfulness as long as you both shall live?" Hindi ako sumagot kaya kumamot sa ulo ang priest.
"Bawal mag 'no', Ella." Paalala niya.
Napabuntong-hininga na laang ako saka napipilitan na sumagot, "Oo na."
Nag utos ito na isuot na namin ang ribbon sa daliri ng isa't-isa. Si Gabb ang nauna na magtali ng ribbon sa daliri ko. May vow pa talaga siyang sinasabi habang ginagawa ito.
"Aray, ate." Daing niya ng turn ko ng magtali ng ribbon sa daliri niya.
"Ang likot mo kasi!" Reklamo ko.
"S-Sorry." Kumamot siya sa kilay na palagi niyang ginagawa sa'twing nahihiya.
"By virtue of the authority vested in me as a fake priest, I now pronounce you, married. You may seal your marriage with a kiss."
"Ano?!" Tumaas ang boses ko dahil sa narinig. Nakakainis na talaga sila!
"Sa cheeks laang, pwede na 'yon." Sagot pa ng isa sa kanila kaya kahit hindi ko ugaling mag sungit ay sinungitan ko sila.
"Ayoko!" Padabog akong humalikipkip at ipinakita na hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan nila.
"Kailangan mag bayad kung ayaw niyong gawin ang kiss the bride." Sagot ng priest.
Dahil hindi ko dala ang bag ko ay bumaling ako kay Gabb, "Gabb, bayaran mo."
"P-Pero..." Kumamot siya sa kilay niya na nagpalaki sa mga mata ko.
"Don't tell me..." Hindi siya magbabayad para makahalik sa akin?! "I can't believe you!" Bulyaw ko sa kanya na may kasama pang pag padyak. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya!
"Kung wala kayong pambayad, kiss na para matapos na 'to." Nakangiting sabi ng priest na para gang nangaasar pa talaga siya.
"Ugh! Bwisit!" Ba! Where are you? Help me! Wala akong nagawa kundi pumayag. Padabog akong humarap kay Gabb at hinintay na matapos ang halik niya. Never na ako ang hahalik sa kanya. Never in her wildest dreams!
Kinabahan ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin. Jusko po! Nag antanda ako sa isip. Mukhang dininig naman ni Bro ang dasal ko.
"Itigil ang kasal!" Galit na sabi ng isa sa limang lalaki na kadarating laang.
"Huli na kayo. Kasal na sila."
"Ano?! Ang ta-tanga niyo! Hindi 'yan ang sinasabi ko sa inyo!"
"Huh? Sino?" Tanong ng priest.
"Si Tyron, mga ulol!" Sabi ko na nga,eh!
"Pero siya ang itinuro mo sa amin." Turo ng kasamahan ng priest kay Gabb.
"Tanga! Bakit ko naman ituturo ang nerd na 'yan?!" Dinuro nito si Gabb na ikina-taas ng kilay ko. Si Gabb naman ay mukhang iiyak na sa kinatatayuan niya.
"Ikaw ang tanga! Mali-mali ang itinuturo mo!"
"Aba't..."
"Tama na!" Sigaw ko. "Aalis na ako kung tapos na ang kalokohan na 'to!" Saka ako nag walk out. Maganda na sana ang araw ko kundi dahil sa bwisit na marriage booth na 'yon!
"Ate Ella! Ate Ella, sandali!" Narinig ko ang pag tawag ni Gabb kaya banas ko siyang hinarap.
"Ano na naman, Gabb?!" Hindi ko na talaga maitago ang inis ko.
"H-Here. Your copy of our marriage contract." Iniabot niya ang papel na pinirmahan namin kanina. Pahablot ko itong kinuha at ginusot saka itinapon.
"T-Teka, bakit mo..."
"Dahil hindi 'to totoo! Kalokohan lahat ng 'to!" Bulyaw ko saka siya tinalikuran.
"P-Pero..."
"Dyan ka laang!" Nagtitimpi akong muling humarap. Para gang anytime ay sasabog na ang matinding inis na nararamdaman ko. "H'wag mo akong susundan!" Mukhang natakot naman siya dahil hindi na siya ulit sumunod.
"Ba!" Pag tawag ni Gia. "Saan ka nanggaling? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo." Tanong niya ng makalapit sa akin. "Iniwan mo pa 'tong bag..."
"Ahhh! Nakakainis!" Isinigaw ko lahat ng frustrations ko. Wala akong pakialam kung pag tinginan man nila ako. Hindi ko na talaga kaya!
"Hoy! Napaano ka?" Concern na tanong ni Ba.
"Doon ako nanggaling sa wedding booth." Para akong bata na nagsusumbong sa kanya.
"Don't tell me... sino?" Nagulat siya sa sinabi ko.
Napaupo ako at napahilamos sa sariling mukha saka sumagot sa itinatanong ni Ba. "Si G-Gabb na dapat pala na si Tyron!"
Malakas na pag tawa ang naririnig ko mula sa kanya. "'Yan ang tinatawag na expectations versus reality." Pang aasar pa niya sa akin kaya tumunghay ako at sinamaan siya ng tingin.
"Ewan ko sayo!" Tumayo ako at pahablot na kinuha sa kamay niya ang bag ko. "Dyan ka na nga!" Saka siya tinalikuran.
Patamad akong pumasok sa gate ng makaalis ang kotse na naghatid sa akin. Hinatid ako nila Gia at kuya Juan dahil marami akong dala na gifts.
"Oh bakit ganyan ang hilatsa ng mukha mo? Saka ano 'yang mga dala mo?" Napansin ni Mama ang nakasimangot kong mukha pag pasok ko pa laang ng bahay. Inisa-isa kong ibaba ang mga dala ko sa sofa namin.
"Valentine's ngayon, Ma remember?" Sagot ko sa kanya. Makakalimutin na yata siya. Kanina laang ay binati ko siya at binigyan ng gift, eh.
"Sinasabi mo ga na bigay 'yan ng manliligaw mo? Naku, Ella huh! Ayokong magpapaligaw ka kung saan-saan." Sabi ko na nga. Sermon na naman ang aabotin ko. "Noong kabataan namin..."
"Oo na nga po. Galing laang po 'to sa mga kaibigan ko." Pag putol ko sa pag re-reminisce niya sa nakaraan. "Aakyat na po ako." Pag papaalam ko sa kanya saka umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.
"Sandali." Tumigil laang ako ng may iniabot si Mama sa akin. Isa itong may kalakihan na box. Sky blue ang kulay nito at may ribbon na pink. "May nag iwan nyan sa labas ng gate."
"Kanino po nanggaling?" Kunot-noong tanong ko.
"Aba eh malay ko. Baka isa sa mga kaibigan mo." Sarcastic niyang sagot na ikina-simangot ko. Si Mama talaga. Napapailing na laang ako hanggang makarating sa kwarto ko.
Excited kong binuksan ang gift sa akin ni Gia matapos kong mag palit ng damit. Isa itong scrapbook na naglalaman ng mga pictures namin together. Niyakap ko ito dahil sa saya. Super sweet talaga ni Ba!
Napansin ko sa study table ang sky blue na box na iniabot kanina sa akin ni Mama.
Kinuha ko ito para buksan. Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan ko itong mabuksan. Mga gamit ito sa pag pai-painting at hindi biro ang halaga ng mga ito. Nagagamit ko laang ang ganitong materials kapag ilalaban ako ng school namin sa mga contests.
Kanino kaya 'to nanggaling? Kaagad kong hinanap kung may card ga ito na kasama, at hindi ako nagkamali. Binuksan ko ang card na nakuha ko sa loob ng box. Mukhang sinadya itong ilagay sa loob para ako laang ang makapag basa.
Happy Valentine's day, ate Ella. My simple gifts for you. I hope you will like it. Just like a plain canvas, thank you for bringing colors into my life. Again, I like you and I'm willing to prove it everyday.
Your star, Orion.
..
A.❤