Chapter Four

2329 Words
March, 2020. Friday, Holy week. Taon-taon ay kinaugalian na nila Papa at Mama na umakyat ng bundok sa'twing Good Friday. Mag boyfriend-girlfriend pa laang sila ay panata na raw nila ito. "Ayos ga laang kayo dyan?" Tanong ni Mama, katabi niya dito sa van si Tita Clara. Si Papa naman ay nasa shot gun seat at driver namin si Kuya Juan. "Okay laang po, Tita Momy." Sagot ni Ba, katabi ko siya dito sa pang middle na upuan. Sa likod naman ay mag katabi si Frances at si Gabb. "Ba, gusto mo?" Alok ni Ba sa peppero na kinakain niya, her favorite. Ngumiti ako saka kumuha sa iniaabot niya sa akin. Excited akong aakyat ng bundok ngayon dahil makakasama namin siya. It's her first time samantalang pangatlong beses ko naman 'to. Mabuti na laang at napakiusapan ni Papa si Tito. Kung hindi dahil kay Papa, siguradong hindi na naman papayagan ng Papa niya si Ba. Sinigurado naman ni Papa na hindi nila pababayaan si Ba pero as usual, nag aalala pa rin ang parents niya kaya kasama rin namin si Kuya Juan. Kanina pa rin siya tanong ng tanong kung ano raw ga ang makikita roon? Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ga ako sa kanya? First time siyang payagan ng Papa niya kaya para talaga siyang bata na hindi maitago ang excitement. "Baka hindi pa tayo nakakaakyat, eh ubos na 'yang pagkain mo." Natatawa kong sabi ng maubos ang peppero na nasa bibig ko. "Marami kaya akong baon." Sagot niya saka ipinakita ang may kalakihan niyang bag. Ang unang mapapansin ay ang malaking bottle ng alcohol na nasa side pocket ng bag niya. "Mukhang dinala mo na lahat ng laman ng ref niyo, ah." Pang aasar ko sa kanya. Ewan ko laang kung hindi siya mahirapan sa pag akyat mamaya. "Hindi ga dapat ganito karami?" Kunot-noong tanong niya. I pinch her cheeks dahil ang cute niya talaga. "You're so naive." Frances interrupted kaya lalong nangunot ang noo ni Ba. "What did you say?" Tanong ni Ba sabay lingon sa likuran namin kung saan nakaupo si Frances at Gabb. "Duh! Use your common sense naman. Do you think makakaya mo 'yang dalhin paitaas ng bundok?" Taas-kilay na tanong ni Frances kay Gia. Napapailing na laang ako dahil alam ko na ang kasunod nito. "At bakit naman hindi? I'm not a kid like you." Ngumisi si Ba na lalong nag pataas ng kaliwang kilay ni Frances. "Maybe I'm just a kid pero hindi naman ako kasing lampa mo." "What the..." "Frances, look at this." Pag putol ni Gabb sa tensyon na namamagitan sa dalawa. Nakahinga ako ng maluwag ng bumaling si Frances kay Gabb. "Wow! You are so great, ate Gabb, hindi katulad ng isa dyan." Pahabol pa nito saka inirapan si Gia. Sasagot pa sana si Ba pero tinapik ko ang braso niya at umiling. Kitang-kita ko kung paano siya naiinis sa pinsan ko. Bumuntong-hininga muna siya at pinakalma ang sarili. "Paano mo ga naging pinsan ang maldita na 'yan?" Nakasimangot siyang muling bumalik sa pag kain. "H'wag mo na kasing patulan." Bulong ko dahil kapag narinig kami nila Mama ay siguradong sermon ang matatanggap namin sa kanila. "Nakakapikon, eh." Katwiran niya. Sinubuoan ko na laang siya ng peppero para manahimik na siya sa pag ra-rant kay Frances. Pagkatapos ay sumulyap ako kay Gabb na tahimik na nag ce-cellphone habang pinapanood ni Frances. Nag papasalamat ako dahil mula kanina ay hindi pa niya ako kinukulit. Ang larong M.L laang pala ang magpapatahimik sa kanya. .. April, 2020. "Natatandaan mo pa 'nung nadulas si Frances ng nasa itaas na tayo?" Humagalpak ng tawa si Ba habang inaalala ang mga nangyari noong umakyat kami ng bundok. "Baliw ka! Umiyak nga siya noon dahil sa pang aasar mo." Naiiling kong sagot saka bumaling sa labas ng kotse nila kung saan kami nakasakay. Pauwi na ako sa bahay at hinatid laang nila ako. Nag attend kami ng birthday party ng classmate namin kaya magkasama kami ni Ba ngayon. "Buti nga sa kanya. Napaka maldita niya, iyakin naman." Natatawa pa rin niyang sagot. Speaking of iyakin. Bigla kong naalala si Gabb at ang naging struggles niya sa pag akyat ng bundok. May asthma pa naman siya pero pinilit pa rin niya si Tita Clara para makasama siya sa amin. Sa kalagitnaan ng pag akyat namin ay inatake siya ng asthma niya. Nagkataon pa na malayo na ang pagitan namin kay na Mama. Tumigil kami sa paglalakad at ako ang personal na nag asikaso sa kanya. Alam kong sa ginawa ko ay mas lalong mapapalapit ang loob niya sa akin pero hindi ko naman kaya na hayaan na laang siya. Hindi ko naman maasahan si Ba at si Frances dahil mula pa laang sa van ay nag aaway na sila. May sampung minuto ang hinintay namin bago kami nahanap ni Kuya Juan. Kinarga na laang niya paitaas si Gabb para hindi na ito mapagod. "Si Gabb ga 'yon?" Nakuha ang atensyon ko sa itinuturo ni kuya Juan. Tiningnan kong mabuti ang itinuturo niya. Si Gabb nga ito at kasalukuyan siyang nasa gitna ng basketball court kalaro si Tyron. "Anong ginagawa niya dyan?" Nagtatakang tanong ni Gia. "Kuya, itabi mo muna." Tapik ko sa balikat ni kuya Juan. Ilang minuto ang hinintay namin bago niya nai-park ang sasakyan. "Excuse me, anong meron?" Tanong ni Gia sa ilang mga nakikiusyoso. "Hinamon ng babaeng nakasalamin si Tyron na mag basketball." "Ano?!" Nangunot ang noo ko saka pinagmasdan sila Gabb. Aaminin kong mixed emotions ako ngayon. Naiinis and at the same time ay nag aalala ako para kay Gabb. Nakalimutan ga niya na may asthma siya? Lalo akong nag alala ng mapansin na pagod na pagod na siya habang inaagaw kay Tyron ang bola. Luminga ako sa paligid para hanapin ang mga gamit niya. Alam kong hindi niya nakakalimutan na mag dala ng inhaler. Nakita ko naman kaagad ang naka stand niyang bike at ang nakasabit na bag sa manibela nito. "Ella, wait!" Pag habol sa akin ni Ba habang papunta ako sa bike ni Gabb. Napahinto laang ako ng mag sigawan ang mga nakikiusyoso. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pag bagsak ni Gabb. "GABB!" Dali-dali akong tumakbo sa gitna ng court para lapitan siya. "Gabb? Gabb!" Tinapik ko ang pisngi niya dahil mukhang nawalan yata siya ng malay. "Shocks! Dumudugo 'yung kilay niya." Natataranta na rin na sabi ni Gia. "Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ni Tyron. "Tumama 'yung siko ko sa bandang kilay niya." Sinamaan ko siya ng tingin. I can't believe na pumapatol siya sa bata at sa babae pa. Big turn-off ito para sa akin. "Ba, tawagin mo si Kuya Juan. Dalhin natin si Gabb sa ospital." Nag aalala kong sabi ng bumaling ako kay Ba. Wala man laang tumutulong sa amin dahil karamihan sa nandito ay mga teenagers din katulad namin. "Sige, sandali." Kaagad tumakbo si Gia sa parking para puntahan si Kuya Juan. "Sorry talaga, Ella." Kamot sa ulo na sabi ni Tyron. Sasagot sana ako pero mas inuna kong asikasuhin si Gabb. "Gabb?" Dinukot ko sa bulsa ang panyo ko at ipinahid ito sa dumudugo niyang kilay. "A-Ate Ella?" Nag mulat siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga ay nawalan na siya ng malay. Thanks, Bro! "W-Why are you here?" Naupo siya at nanatili naman akong nakaalalay. "Mamaya ka na mag tanong. Here, itakip mo muna sa kilay mo." Inalalayan ko siyang makatayo matapos niyang abotin ang panyo ko at itakip iyon sa dumudugo niyang kilay. "Gabrielle, pasensya ka na." Sabi ni Tyron. Pabalang naman na inalis ni Gabb ang pag alalay ni Tyron sa kanya. Dumating si Kuya Juan at si Ba kaya si Kuya Juan na ang nag patuloy na umalalay kay Gabb. Palabas na kami ng basketball court ng tumigil siya kaya napahinto rin si Kuya Juan. Bumaling siya sa paalis na rin na si Tyron saka nag salita, "Tyron..." Pag tawag niya sa lalaki na kumuha sa atensyon namin. Tumingin naman ang lalaki sa direksyon namin. "Hindi ko hahayaang mapunta sayo si Ate Ella, tandaan mo 'yan." Seryosong dugtong niya. Sa ilang months na magkakilala kami, ngayon ko laang siya nakita na ganito kaseryoso. Bukod sa seryoso siya ay may nahimigan din akong pagbabanta sa boses niya. "Tara na po." Sabi niya kay Kuya Juan ng hindi sumagot si Tyron. Sumunod kami ni Ba sa kanila habang may mga tanong ako sa isip. Anong dahilan ng nakita kong galit sa mga mata ni Gabb habang nakatingin siya kay Tyron? May kinalaman kaya 'to sa akin? .. May, 2020. Napapangiti ako habang binabasa ang letter na ako mismo ang gumawa. Binigyan ko pa ito ng halik at nag hanap ng mapapag taguan nito. Huminto laang ako sa ginagawa ng may marinig na kaluskos mula sa balcony ng kwarto ko. "Tao po! Paki abot po ng shuttlecock." I rolled my eyes then sighed. It's Gabrielle. Kahit bakasyon na ay hindi pa rin niya pinapatahimik ang buhay ko. "Tao po! Paki abot po ng shuttlecock!" Sigaw niya ulit. Dapat ko na rin siguro na sanayin ang sarili na kahit bakasyon ay hindi ako makakatakas sa kakulitan niya. Mag mula ng bakasyon ay palagi na laang siyang nag tatapon ng shuttlecock dito sa balcony ng kwarto ko. Hindi ako slow para hindi 'to maintindihan. Okay, I will rephrase it. Oo, minsan ay lutang nga ako pero hindi ako gay'on ka-slow para hindi maisip na ginagawa niya ito para makita ako araw-araw. Hindi kasi ako madalas lumalabas ng bahay lalo na sa'twing bakasyon. Mas nag is-spend ako ng mag hapon dito sa kwarto para mag painting o kaya ay manood ng mga fairytale movies sa cellphone ko. "Tao po! Paki abot po ng shuttlecock!" Padabog akong tumayo matapos ilagay sa likod ng picture frame ang letter na ginawa ko. Pumunta ako sa balcony at kaagad nakita ang shuttlecock na nasa sahig. May nakadikit pang card mula rito. Inalis ko ito sa pagkakadikit saka binasa. I just miss you, that's all. Your star, Orion. "Hi, ate Ella!" Napasimangot ako ng makita ko siya sa labas ng gate habang nakatunghay sa akin. Itinataon talaga niya na wala rito si Mama para ako ang lumabas at makita niya. "Pang ilan na shuttlecock mo na ga 'to, Gabb?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang shuttlecock. Siguro ay iniisip na ng mga tao na nakakakita sa kanya na ang weird niya. Ikaw ga naman ang makakita ng nag ba-badminton ng mag isa. Kumamot muna siya sa kilay niya habang hawak sa kaliwang kamay ang raketa ng badminton. "F-Fifty two?" Hindi siguradong sagot niya. Hindi siguro siya nauubosan ng allowance pambili ng panibagong shuttlecock. Madalas na hindi ko ibinabalik ang mga shuttlecock na itinatapon niya rito. Ito ay sa pag asa na kapag ginawa ko ito ay hindi na niya ako gugulohin pa. Pero may factory yata siya ng shuttlecock sa bahay nila. Kainis! "H'wag mo muna akong kulitin, please. Kahit ngayon laang." Ginamitan ko siya ng mahinahon na salita, baka sakaling gumana ito at tigilan na niya ang pagtatapon ng shuttlecock dito sa balcony ko. "P-Pero gusto laang naman kitang makita." Nahihiya siyang tumungo mula sa pagkakatunghay kanina. Palihim akong napangiti dahil sa narinig kong dialect niya. Marunong na siyang mag salita ng dialect namin. Siguro dahil sa pag buntot-buntot niya sa akin. "M-Masaya na ako kapag nakikita kita saglit laang." Napalunok ako ng tumunghay siya at mag tama ang paningin namin. Natigilan ako ng maramdaman ko na para gang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko. "B-Basta, h'wag ngayon. U-Umuwi ka na." Naguguluhan akong tumalikod at saka pumasok sa kwarto ko. Naupo ako sa kama at napatitig sa picture frame na nakapatong sa side table ko. Sa picture ay makikita kami ni Ba nag magkaakbay habang nakangiti. Ano gang nangyayar sa akin? I questioned myself. Ilang ulit akong bumuntong-hininga saka napansin ang shuttlecock na hawak ko pa pala. "Kainis!" Ibinato ko ito kung saan saka humiga sa kama at muling nag isip. Bumangon laang ako ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. Dinampot ko ito sa side table at sinagot. It's from Gia. Madalas siyang tumatawag sa akin at ganoon din ako sa kanya. Hindi kasi siya nakakalabas ng bahay sa'twing bakasyon. "Ba, help me! Hindi ko na talaga alam kung paano ako titigilan ni Gabb!" Helpless kong sabi kay Ba sa kabilang linya. Naikwento ko na sa kanya na hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako ni Gabb. Tumahimik siya sandali na parang nag iisip. "Bakit hindi mo na laang siya sagotin?" "What?!" Is she crazy?! Gay'on ga ang epekto kapag hindi nakakalabas? "Are you nuts?!" Hindi makapaniwala kong tanong. "I mean, sagotin mo siya then gumawa ka ng mga bagay na pwede siyang maturn-off sayo." Napahawak ako sa temple ko. Nai-stress ako sa suggestion ni Ba! "Bakit naman kailangan ko pa siyang sagotin kung pwede naman na gawin ko na laang 'yung sinasabi mo para maturn-off siya?" Simangot kong tanong. Hindi ko nga naiimagine na mag jowa ngayon tapos si Gabb pa? Minsan talaga ang sarap din na kutosan nitong si Gia, eh! "Sa tingin mo ga hindi niya iisipin na ginagawa mo laang na iturn-off siya para tigilan ka na niya? Matalino si Gabb, okay. Sayo laang naman siya natatanga." Sabay tawa niya ng malakas. "Bwisit ka, Ba!" "Joke laang." Sagot niya habang natatawa pa rin. "Seryoso, sagotin mo siya then gumawa ka ng mga bagay na ikakaturn-off niya. Isn't it exciting?" Exciting ang mukha mo! Napabuntong-hininga ako saka sumagot. "Pag iisipan ko." Ibinaba ko ang tawag at muling nag isip. Nag isip kung paano at kailan ako titigilan ni Gabb? Tama ga na sundin ko ang suggestion ni Ba? Tama ga na sagotin ko si Gabb? Pero kapag ginawa ko 'yon, siya ang magiging first ever relationship ko! Ugh! Kainis! Bwisit! A.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD