Chapter Five

2900 Words
June, 2020. Ella being tamad. Checked! Ella being lutang. Checked! Ella being pasmado. Checked! Tatlo na ang nagawa ko sa mga lists na isinulat namin ni Ba. Ito ay mga lists kung paano matuturn-off sa akin si Gabb. Dalawa ang naging plans namin ni Ba. Plan A, kung saan gagawa ako ng mga nakakaturn-off na bagay ng hindi ko sinasagot si Gabb. At Plan B, kung saan sasagotin ko siya saka gagawin ang nasa lists. Ito ay kung sakali na hindi umepekto kay Gabb ang Plan A. I decided na simulan ang plan A. Ang unang nasa lists, Ella being tamad. Ipinakita ko sa kanya na tamad ako sa mga household choirs. Pinagalitan pa ako ni Mama dahil alam niya na hindi naman ako gay'on katamad sa bahay. Mission failed dahil sa halip na maturn-off si Gabb ay nag prisinta pa siya kay Mama na tulongan ako. Mag hapon tuloy siyang nasa bahay. Ella being lutang, though hindi na 'to bago sa akin ay ginawa ko pa rin. Sa haba ng sinabi niya, tanging 'huh?' laang ang isinagot ko na para gang wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Tinawanan niya ako dahil ang cute ko raw matulala. So, it was also a mission failed! Ella being pasmado, hindi ako touchy na tao pero kahapon ay sinadya kong hawakan ang kamay ni Gabb at ipinaramdam sa kanya na 'pasmado' ako. And yes, it was another mission failed dahil natuwa pa siya sa ginawa ko. First time raw kasi niya na mahawakan ang kamay ko. "Bilisan mong kumain dyan at mag linis ka ng kwarto mo." Utos ni Mama na ikina-simangot ko. "Mamaya na laang po, Ma." Sagot ko sabay subo sa pagkain na nasa harapan ko. "Alam na alam ko na 'yang mamaya mo, Ella Mae." Sagot niya. Tumahimik na laang ako dahil siguradong pag nangatwiran ako ay sermon ang magiging tanghalian ko. "Saka hindi ka ga nahihiya? Matutulog dito si Gabb tapos ang dumi ng kwarto mo." Napanganga ako sa sinabi ni Mama. Mukhang tumigil ang pag function ng utak ko. Ano raw? "P-Po?" "Marami tayong cotton buds dyan, mag linis ka ng tainga mo." Nag pout ako dahil ang harsh talaga sa akin ni Mama. Minsan, naiisip ko na baka ampon laang nila ako ni Papa. Lol. "Mag s-sleep over po dito si Gabb?" Pag uulit ko sa pag asa na nagkamali laang ako ng dinig sa sinabi ni Mama. "Oo, pinapipinturahan ni Clara ang bahay nila ngayon. Ipinakiusap muna niya sa akin si Gabb dahil nga may asthma. Bawal siyang maka-amoy ng pintura." "Bakit naman po sa kwarto ko pa po?" Nakasimangot kong tanong. Doon na nga laang sa kwarto natatahimik ang buhay ko, tapos makikisleep-over pa siya. Bwisit! Ano gang nagawa kong masama? Bakit feeling ko ang malas-malas ng bakasyon ko. Mali! Ang malas ng buong taon ko. 2020, bakit napakalupit mo sa akin?! "At saan mo gustong patulogin si Gabb? Sa sofa? Oh siya sige, d'un ka matulog sa sofa at si Gabb sa kwarto mo." Suggestion ni Mama na ikina-haba ng nguso ko. Sino ga sa amin ni Gabb ang totoong anak niya? .. Gabi. Nakapag linis na ako ng katawan at nag hahanda na sa pag tulog. At katulad ng napag usapan nila, dito matutulog si Gabb ngayong gabi. Narinig ko ang mga katok sa pinto ng kwarto ko. "Ate Ella? Papasok na ako,huh?" Pag papaalam niya. Mabilis akong nag takip ng kumot at nag kunwaring natutulog. Naramdaman ko ang pag akyat niya sa kama. Nasa right side siya at ako naman sa left side. Sa gitna ay may tatlong malalaking unan na nakapagitan. Katahimikan. Nabasag laang ang katahimikan ng marinig ko ang mahina niyang pag iyak. Pinakinggan ko pa itong mabuti dahil baka nga kailangan ko ng mag linis ng tainga kagaya ng sinabi ni Mama kanina. Suminghot-singhot siya kaya nasigurado ko na umiiyak nga siya. Bumaling ako sa direksyon niya. Kitang-kita ko kung gaano niya kabilis pinunasan ang mga luha niya. Nakaupo laang pala siya sa kama at nakasandal sa headboard. "Bakit ka umiiyak?" Hindi ko napigilan na itanong. Wala siyang salamin kaya mapapansin ang pamumugto ng mga mata niya. "W-Wala, ate. M-Matulog ka na." Nag iwas siya ng tingin kaya muli ko na laang siyang tinalikuran. Ilang minuto laang ay narinig ko na naman ang mahina niyang pag iyak. Parang ingat na ingat siya na hindi ko marinig ang pag iyak niya. "Wala ka gang tiwala sa akin?" Tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. "Paano mo na sabi na gusto mo ako kung wala ka palang tiwala sa akin?" Hindi pa rin talaga siya nagsasalita na ikina-lungkot ko. Bakit nga ga ako nalulungkot? Kung ayaw niyang sabihin, eh 'di wag! Pumikit ako at nag pasya na matutulog na. Bigla naman siyang nag salita na kumuha sa atensyon ko. "I feel so alone, ate." Nanatili akong nakapikit pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Ayaw sa akin ng step father ko, at si Momy, hinayaan laang niya na ipatapon ako rito. Okay laang sa kanya na hindi niya ako kasama. Akala ko lahat ng nanay, mahal ang anak nila? Pero bakit mas pinili pa niya ang asawa niya kaysa sa akin?" Garalgal ang boses niya kaya alam kong umiiyak na naman siya. Nag mulat ako at bumaling sa kanya. Nakatungo siya at nakayakap sa dalawa niyang tuhod. "Nasaan ang Papa mo?" Nagawa kong itanong kasabay ng pag bangon at pag upo sa kama. Umiling siya habang nakatungo pa rin. "Hindi ko siya nakilala. Sabi ni Momy, baby pa ako ng iwan niya kami. Sumama siya sa ibang babae." Lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa nalaman ko tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na ganito kalungkot ang buhay niya. Kung gaano ka-perpekto ang buhay at pamilya ko ay kabaligtaran naman ito ng sa kanya. "Siguro gay'on talaga, ate. W-Walang gustong pumili sa akin. Hindi siguro ako deserving na m-mahalin." Humagulhol siya ng iyak. Naramdaman ko ang pag tulo ng mga luha ko kaya kaagad ko itong pinunasan. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Natagpuan ko na laang ang sarili na lumalapit sa kanya. Kinabig ko ang ulo niya palapit sa akin. Mas lalo siyang humagulhol ng iyak ng maramdaman niya ang pag yakap ko. "Shh. Tahan na. Balang-araw, makikilala mo rin 'yung tao na pipili sayo." I'm sorry kung hindi ako 'yung taong 'yun, Gabb. Gusto kong idugtong pero iba ang sinabi ko, "Isa ako sa magiging masaya kapag nakita mo na siya." .. July, 2020. Pabalik na ako sa bahay galing sa tindahan ng mapansin ko si Gabb na nakaupo sa labas ng gate nila. Kung dati ay pilit kong iniiwasan siya, ngayon ay kusang nag lakad ang mga paa ko sa direksyon niya. This past few weeks ay mas lalo siyang naging open sa akin, at dahil dito ay mas nakilala ko siya. Aaminin kong gusto ko talaga siyang maging kaibigan. Nakakalungkot laang na hindi laang pagkakaibigan ang gusto niya mula sa akin. "Hi, ate." Ngumiti siya kaagad ng makita niya ang pag lapit ko. "Gusto mo?" Alok ko sa yakult at tinapay na binili ko. "S-Salamat." Nahihiya niyang inabot ang ibinibigay ko sa kanya. "Bakit nandito ka sa labas?" Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo. "May problema na naman ga?" Tanong ko. Umiling siya, "Wala ate. Mas okay na ako ngayon kasi nandyan ka na." Naramdaman ko na naman ang kung anong malamig na bagay na humaplos sa puso ko. Kagaya ng mga nauna, binalewala ko ito. Napabuntong-hininga ako sa isipin na wala talaga siyang balak tumigil. Kung ipipilit pa rin niya sa akin ang sarili niya ay mapipilitan na akong gawin ang Plan B. "Anyway, kilala mo ga 'yung dating owner ng bahay namin?" Tanong niya. "Oo, bakit?" Kunot-noong tanong ko. "Pumunta siya rito kaninang umaga. Binisita 'yung bahay. Nami-miss na raw niya." "Talaga?" Sayang at 'di man laang kami nakapag kwentuhan ni Ate Isang. "Oo, she's nice. Mahilig din pala siya sa mga bulaklak." Nakangiting sagot niya bago uminom sa yakult na hawak niya. "Oo, silang dalawa ni Lala Celina." Na-miss ko tuloy ang dati naming kapit-bahay. "Binigyan niya ako ng advice sa pagtatanim at sa..." Tumigil siya at kumamot sa kilay niya. "Sa l-love." Dugtong niya saka nag iwas ng tingin sa akin. "Anong advice niya? Na masyado pa tayong bata?" Natatawa kong tanong. Umiling ulit siya saka humarap sa akin at tumitig. Napansin ko ang kulay ng mga mata niya kahit nakasuot siya ng eyeglasses. Her eyes were brown. Books always go on about how blue eyes are pretty, but for me, brown eyes are beautiful. I felt like I was falling into a pool of deep chocolate while staring at those brown eyes. " 'Habolin mo siya, hangga't kaya mo pa. Hanggang sa mapagod ka', that exactly she was said to me." Napansin ko kung gaano ka-determined ang mga mata niya habang nakatitig ang mga ito sa akin. Ako naman ang nag iwas ng tingin. Mukhang wala talaga siyang balak na tumigil, walang balak na mapagod. Sinasabi 'yon sa akin ng mga mata niya. "Gabb?" Muli akong bumaling sa kanya. Desidido na ako. No turning back, Ella. "Yes, ate?" "It's a y-yes. S-Sinasagot na kita." Nanlaki ang mga mata niya at napatulala ng ilang segundo dahil sa sinabi ko. "W-What? Y-You mean..." Utal-utal niyang tanong. "Ikaw at ako, gay'on?" Pinagdikit pa niya 'yung dalawa niyang hintuturo kaya natawa ako. "Oo nga. T-Tayo na." "YES! YES! YES!" Tumayo siya at nagtatalon dahil sa tuwa. "Hoy, Gabb!" Sita ko sa kanya ng pumunta siya sa gitna ng daan at doon nag tatalon. Mabuti na laang at gabi na kaya wala ng masyadong dumadaan na sasakyan. "THANK YOU, BRO! YOU'RE THE BEST!" Masayang sigaw pa niya. Hays! Sana tama ang naging desisyon ko. .. Walang nagbago after kong sagotin si Gabb. Kung may nagbago man, ito ay ang pagiging mas malapit niya sa akin. Sabi ni Ba ay samantalahin ko raw ito at gumawa ng mga nakakaturn-off na bagay. Ngayon ay niyaya ko si Gabb na pumunta sa kabilang barrio. Fiesta roon ngayon at meron din na carnaval. Pumayag siya at sigurado akong mamaya laang ay nandito na siya. "Tao po?" See? Lumabas ako ng bahay matapos mag paalam kay Mama. Nag bilin pa siya na mag iingat kami at h'wag kong pababayaan si Gabb. "Hi!" Nakangiti siyang kumaway mula sa labas ng gate namin. "Para sayo." Iniabot niya sa akin ang stem ng sunflower ng makalapit ako. Mabilis ko naman itong inilagay sa basket ng bike ko dahil baka makita pa ito ni Mama. "Aalis na ga tayo?" Nakangiting tanong niya. "Oo, para hindi tayo gabihin." Sagot ko saka pumedal. Sumunod naman siya gamit ang bike niya. Masaya siyang nag kwe-kwento kung gaano siya ka-excited sa pupuntahan namin. First time raw kasi niya na makakapunta sa carnaval. Naisip ko tuloy ang best friend ko. Nami-miss ko na siya. Sa kalagitnaan ng pag ba-bike namin ay may naisip akong kalokohan para maturn-off si Gabb. Ella being malakas tumawa. Tinawanan ko ang mga sinasabi niya na para akong baliw na nakatakas sa mental. Halos pag tinginan kami ng mga nadadaanan namin dahil sa sobrang lakas ng pag tawa ko. Nang malapit na kami ay bumaba kami sa bike at inalalayan na laang ito. Nakaisip na naman ako ng kalokohan. Nangulangot ako at sinigurado ko na makikita niya ito. "Bakit ganyan ka tumingin? Nandidiri ka?" Tanong ko ng makita na titig na titig siya sa akin. Please, sabihin mong oo. Umiling siya kasabay ng pag sagot, "I'm not. I'm just happy dahil nagiging komportable ka na sa akin." Dahil sa sinabi niya ay kaagad kong inalis ang hinliliit na daliri na nasa ilong ko. Mission failed! Bwisit! .. Palihim kong binasa ng tubig ang kamay ko saka hinawakan ang kamay ni Gabb. "Doon tayo, bilis!" Hinila ko siya sa direksyon ng color game na nakita ko sa 'di kalayuan. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko sa halip na bitawan niya ito dahil 'pasmado'. "Marunong ka gang maglaro nito?" Tanong ko ng makarating kami sa pwesto ng color game. Nag babakasali ako na matuturn-off siya sa akin kapag nalaman niyang marunong akong mag sugal. Jusko ka, Ella! 'Yan nga laang ang alam mong sugal. "Hindi pa pero matagal ko ng gustong subokan 'yan. I'm glad that I would experience it with you." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Ella being sugalera, failed! "Bili tayo ng cotton candy?" Pagyaya niya sa akin sa stall ng cotton candy, matapos naming manalo ng thirty pesos sa color game. Tumango ako bilang sagot. Bumili kami ng dalawa. Blue sa akin at pink ang sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya ng iabot ko na ito. Daig pa niya si Frances kung ma-excite. Sumubok din kami ng iba't-ibang rides. Halos sumakit ang tyan ko sa katatawa dahil super lakas palang tumili nitong si Gabb lalo na n'ung sumakay na kami sa ferris wheel. "Dun naman tayo?" Turo ko sa roller coaster. Natawa na naman ako sa expression niya. Mukha siyang naiihi na ewan. Sumunod pa rin siya sakin at mag katabi kaming sumakay sa roller coaster. Mahigpit siyang napahawak sa kamay ko ng mag simula na itong umandar. "Ahhhhhhhh! A-Ayoko naaaaaa!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pag sigaw niya. Kung pwede laang na kuhanan ko siya ng picture para makita niya kung gaano ka-epic ang mukha niya. "Hey, okay ka laang?" Tanong ko matapos naming sumakay sa roller coaster. Naupo siya sa malapit na bench saka hinilot ang temple niya, "Nahihilo ako." "Wait, dyan ka muna. Ibibili kita ng tubig." Sagot ko saka siya iniwan para mag hanap ng tindahan. Tumigil laang ako ng may maisip. Don't tell me marupok ka na kay Gabb? Umiling-iling ako. I'm just being nice! Kontra ko sa isip saka nag patuloy sa paglalakad. Kaagad akong nakabili at pabalik na sana sa pwesto ni Gabb nang hinarang ako ni Tyron. "Hi, Ella. I'm glad to see you here. Sinong kasama mo?" Tanong niya ng mapansin ang plastic bag na hawak ko. May laman itong two bottled water. "K-Kaibigan." Maikling sagot ko saka siya nilampasan. "Kaibigan o boyfriend?" Napatigil ako sa sinabi niya. "Kaya siguro pinahinto mo akong manligaw dahil may boyfriend ka na." Sarcastic pa niyang dugtong. "Alam mo ang dahilan kung bakit kita pinahinto." "Ang sabihin mo, paasa ka. Pakipot!" Ngumisi siya at bahagyang lumapit sa akin kaya napa-atras ako. "Sayang, panalo na sana ako sa pustahan namin nila Benjie kung hindi laang ako isinumbong sayo ng nerd na 'yon!" Si Benjie ay isa sa mga barkada niya. And what did he just said? Pustahan? Isa akong pustahan sa kanila? Kaya siguro gay'on na laang ang galit ni Gabb sa kanya. Ang kapal ng mukha niya! At wala akong natatandaan na may sinabi sa akin si Gabb about sa kanya. "For your information, walang sinabi sa akin si Gabb about sayo. Pinahinto kita sa panliligaw dahil wala kang respeto sa mga babae." Ngumiti ako ng nakakaloko saka nag patuloy sa pagsasalita, "Oo gwapo ka pero hindi katulad mo ang panghihinayangan naming mga babae." "Anong sinabi mo?!" Tumaas ang boses niya at mukhang napikon sa mga sinabi ko. "What's happening here?" Pareho kaming napalingon ni Tyron sa kadarating pa laang na si Gabb. Mukhang nainip na siya sa paghihintay sa akin. "Are you with her?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tyron. "So, hindi pala boyfriend kundi girlfriend." Sinabayan pa niya ito ng pag tawa. "You're a lesbian!" Paratang pa niya sa akin. "You don't have the rights to say that!" Matapang na sagot ni Gabb. Nakita ko na naman ang galit sa mga mata niya. "H'wag kang makialam, nerd!" "Stop it, Tyron!" Naiinis kong sita ng dinuro niya si Gabb. "Bakit siya pa ang pinatulan mo?! Hindi ka ga nandidiri? Mas nasasarap..." Isang malakas na suntok mula kay Gabb ang nag nagpahinto sa pambabastos nito sa akin. Hindi kaagad ako nakapag react dahil hindi ko ine-expect na magagawa 'yun ni Gabb. Naramdaman ko na laang na hinila na niya ako palayo. Nabitawan ko na rin ang popcorn na hawak dahil sa pagmamadali namin na makatakas kay Tyron. Siguradong kapag naabutan kami nito ay gagantihan niya kami. Malayo na kami ng bitawan ni Gabb ang kamay ko. Pareho kaming hinihingal habang hawak ang mag kabila naming tuhod. "Araaaay!" Daing ni Gabb habang hawak-hawak na ang kanan niyang kamay. "B-Bakit? A-Anong nangyari?" Natakot ako dahil baka dito pa siya atakihin ng asthma niya. Ang layo pa naman ng tinakbo namin. "Ang tigas pala ng mukha ni Tyron. Sumakit tuloy ang kamay ko." Sa sinabi niya ay napatawa ako. Naupo ako sa gilid ng daan habang patuloy na tumatawa. "For sure, may baon siyang black-eye pag uwi." Tumingin siya sa akin at sabay kaming napatawa. Mukhang pareho naming naiimagine ang may black-eyed na si Tyron. Tumigil laang ako sa pag tawa ng maramdaman ko ang malakas na pag t***k ng puso ko dahil sa naririnig kong pag tawa niya. Her laughter was sweet and soft like the sound of tingling bell. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil parang ako yata ang hihikain. Shems! What's happening to me?! A.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD