August, 2020.
"How 'bout honeybunch?" Sinimangutan ko siya dahil sa suggestion niya. "Sweetie pie?" Alanganin niya ulit na tanong.
"Yuck!" Sagot ko saka uminom sa yakult na binili ko.
"D-Darling?"
"Mas lalong yuck!" Reklamo ko.
"Tawagin na laang natin ang isa't-isa sa pangalan." Sabi ko lalo na at nai-issue na kami dito sa school. First day pa laang ay pinag tsismisan na kaagad ako dito dahil kay Tyron. Ipinagkalat niya na lesbian ako at meron kaming relasyon ni Gabb. Mabuti na laang at hindi pa-fame itong si Gabb, kahit ilang beses siyang tanongin about sa amin ay humihindi siya. To the rescue rin sa akin si Ba. Siya naman ang nag pakalat na kaya nagagalit si Tyron sa akin dahil na-basted ko siya. Na bumabawi laang siya sa akin dahil nasaktan ko ang ego niya. Hindi naman makabawi si Tyron kay Gia dahil lagot siya kay Tito kapag ginantihan niya ang unica hija nito. Remember, anak ng mayor ang best friend ko.
Umiling siya sa suggestion ko, "Ayoko. Gusto ko na may call sign tayo." Pamimilit niya sa akin. Kanina pa rin sumasakit ang ulo ko sa pamimilit niya na magkaroon kami ng eanderment. Eanderment? Another yuck!
"B-Babe na laang." Ugh! Hindi talaga siya tumitigil!
"No! Ayoko." Pagmamatigas ko.
"Baby?" Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi na ako bata, Gabb." Walang gana kong sagot. Siya nga 'tong baby, eh. Iyakin!
"M-Mahal?" Kamot sa ulong tanong niya.
"Baduy!" React ko. Though, hindi naman talaga 'to baduy sa akin dahil ito ang tawagan nila Mama. Kaya laang ay hindi naman ito ang nararamdaman ko para sa kanya. So, it's a no talaga!
"O-Okay naman ang mahal, ah. Para alam na ng lahat na nagmamahalan tayo." Napangiwi ako sa naging dahilan niya. Kung alam mo laang, Gabb. Hays!
"Basta, ayoko n'un."
"Oh sige, mine na laang."
"Mine?" Naaalibadbarang-barang...Naaalibadbabarang...Naaalibadbararang.... Ugh! Naaalibadbaran! Hays, at last. Naaalibadbarang-barang kong tanong.
"Oo, sa akin ka at sayo naman ako." Nakangiti niyang sagot. Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya na para gang may naisip siyang good idea.
"Alam ko na!" Pumitik pa talaga siya sa ere. "Akin! Akin ang magiging call sign natin." Tuwang-tuwa na siya sa idea niya samantalang tinagalog laang naman niya 'yung mine. Hays! Bata pa nga talaga. "What do you think?"
"Okay." Maikli kong sagot. Hindi ko na siya kinontra dahil mas lalo laang hahaba ang usapan namin. Nandito pa naman kasi sa canteen, at kagaya ng mga naunang araw, pinagtitinginan pa rin nila kami. Hindi sumama si Ba na mag recess para raw magawa ko ang mga plano ko na gumawa na naman ng kalokohan para maturn-off si Gabb. Wala naman ako sa mood ngayon kaya wala akong nakakadiring bagay na nagawa. Sa ibang araw na laang siguro.
Tumunog ang bell kaya nag kanya-kanya na kami sa pag tayo. Nag suggest pa siya na ihahatid niya ako sa room namin. Tumanggi ako dahil lalo laang kaming pag tsi-tsismisan kapag may nakakita na hinatid pa niya ako.
"Bye, akin! See you later." Nakangiti niyang pag papaalam na ikina-tango ko laang. Tumingin pa ako sa kaliwa at kanan dahil baka may nakarinig sa call sign niya. Mabuti na laang at wala.
Hays! Kailan kaya matatapos 'to?
..
"Ba, sigurado ka ga dito?" Alanganin kong tanong kay Gia matapos namin magpaiwan sa classroom. Uwian na pero heto kaming dalawa, gumagawa pa ng plano kay Gabb.
"Yes, Ba. H'wag kang magulo. Hindi tayo matatapos dito." Sagot niya habang kung may anong ginagawa sa buhok ko.
"H'wag na laang kaya 'to, Ba." Tiningnan ko ang buhok ko mula sa maliit na salamin na hawak. Jusko!Mukha akong witch na nag cursed kay snow white. Huhu.
"Feeling ko effective 'to kay Gabrielle kaya h'wag ka ng mag reklamo dyan."
Sagot pa niya na ikina-simangot ko.
"Feeling ko hindi laang si Gabb ang matuturn-off sa akin, baka after nito wala ng gustong lumapit sa akin." Himutok ko ng makita ang sarili sa salamin. Daig ko pa ang hindi nag suklay ng isang buong taon. Bakit kaya hindi pa niya dinungisan ang mukha ko? Para mag mukhang taong grasa na talaga ako. Note with sarcasm.
"Don't worry, iwasan ka man nila, may isa pa rin na mag s-stay and that's for sure." Sabi niya matapos ang tinatawag niyang masterpiece sa buhok ko.
"At sino naman?" Nakasimangot ko pa rin na tanong saka isinuksok sa bulsa ang maliit na salamin. Hindi ko ma-take na tingnan ang sarili.
"Duh?" She rolled her eyes na ikina-tawa ko.
"Tara na nga." Dinampot ko ang bag at niyaya na si Gia na lumabas ng classroom.
Katulad ng inaasahan ko, maraming mga estudyante ang nakatingin sa akin. Ang iba ay pinagbubulongan pa ako. Para gang nag tatanong ang mga mata nila na kung bakit may nakapasok na baliw dito sa school? No turning back, Ella. Paalala ng utak ko.
Nasa parking lot na kami ni Ba ng mapansin ko kaagad na hinihintay na ako ni Gabb sa tabi ng bisikleta ko.
"Hi, ak..." Huminto siya sa pag sasalita at nangunot ang noo niya ng mapansin ako, o mas tamang sabihin na ang magulo kong buhok na parang buhok ni Sisa. "What happened to you? May nang away ga sayo?" Nag aalalang tanong niya. Mukha naman talaga akong nakipag sabunotan sa totoong baliw dyan sa kanto.
"I'll go home na, Ba. Mag a-aral pa akong mag bike, eh." Pag papaalam ni Gia.
"Ingat ka and good luck." Sagot ko.
"Mas good luck sayo." Nakangising sagot niya. Bwisit!
Bumaling ako kay Gabb ng makalayo si Gia sa pwesto namin. "Ahm, w-wala naman. Ano laang...ano...." Shems! Galingan mong umakting, Ella!
"A-Anong g-gagawin..." Natigilan ako sa pag haplos sa magulo kong buhok ng lumapit siya sa akin at tumingkayad. Sinuklayan niya ang magulo kong buhok at habang ginagawa niya ito ay hindi ko napigilan na pagmasdan siya. Aaminin kong maganda talaga siya. Itinatago laang ito ng makapal na salamin sa mga mata niya.
"There." Bahagya siyang lumayo ng matapos akong suklayan. "Mas dyosa kang tingnan kapag maayos ang buhok mo." Saka ngumiti ng malapad sa akin.
"So, hindi ako mukhang dyosa kapag magulo ang buhok ko?" Binalewala ko 'yung malakas na pagtibok ng puso ko at sumimangot.
"Dyosa pa rin. Mukha kang baliw na dyosa, akin." Nag taas-baba pa ang kilay niya.
"Bwisit ka!" Mahina ko siyang pinalo ng book na hawak ko.
"Kidding!" Tawang-tawa niyang sabi. Humalikipkip ako at ipinakita na pissed-off ako sa sinabi niya. "Hey, it was only a joke." Sabi niya saka pumunta sa bike niya at kinuha ang three stems ng sunflower na nasa basket nito.
"Seriously, you are still beautiful, akin that even sunflowers get jealous of you because their beauty is no match for you." Sabi niya sabay abot ng sunflowers sa akin.
Ella being untidy, failed!
..
Dismissal.
"Maaga pa naman, gusto mo sa bahay muna tayo? Movie marathon." Suggestion ni Baba habang naglalakad kami palabas ng gate..
"Wala ako sa mood, Ba. Pwede, next time na laang?" Napansin ko na nalungkot siya pero kaagad din ngumiti ng humarap sa akin.
"Sige. So, let's see each other on Sunday?" Tanong niya na ikina-tango ko.
"Bye, Baba. Love you." Nag beso ako sa kanya.
"I love you too, Ella." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"Y-You take care." Alanganin kong sagot saka siya tinalikuran.
Katatapos laang namin na mag dinner ng maisipan kong mag online at i-check ang mga social media accounts ko. Matapos i-check ay pinagkaabalahan ko naman na manood sa cellphone ko. Natigil laang ito ng tumunog ang notification ko.
Si Gabb. Online rin siya ngayon.
Hi, akin. VC tayo, please. Pinindot ko ang okay button bilang response.
"Hi." Kumaway siya kaagad sa akin ng mag simula ang video call. Ngumiti ako dahil napansin ko ang onesie pajama na suot niya. It's a unicorn.
"Nandyan na naman ang Papa mo?" Tanong ko. Napansin ko kasi ang magarang sasakyan sa garage nila kanina ng makauwi ako galing school.
Tumango siya at napansin ko na lumungkot ang mukha niya. "Sorry, hindi ako nakasabay sayo kanina sa pag pasok at pag uwi. Hinatid-sundo niya ako." Tumango-tango ako.
"Okay laang. So, okay na kayo?" Tanong ko. Naikwento niya sa akin na madalas pumupunta sa kanila ang Papa niya. Nag simula ito noong last week ng July. Nang una ay nagulat siya na basta na laang may sumulpot sa kanila at nagpakilala na Papa niya.
Hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin siya nito.
"I don't know how I should start, akin." Pabuntong-hiningang sagot niya saka inayos ang salamin sa mga mata niya.
"Open your heart for him. That's the first thing you should do." Advice ko.
"Ang hirap. Ang tagal kong inisip na iniwan niya kami, 'yun pala..." Yumuko siya at nag punas ng mga mata. Umiiyak na naman siya.
"A-Anak ako sa labas." Dugtong niya. Nalaman niya ito noong unang linggo ng August. Nakilala niya ang kapatid niya sa Papa niya and she's a she. Her name is Kaiy Ori. Yes, may lahing Japanese si Gabb dahil half Japanese and half Filipino ang Papa niya.
"B-Bakit kaya kailangan pang mag sinungaling ni Momy sa akin?" Umiiyak pa rin niyang tanong. Sa totoo laang ay naaawa na ako sa kanya pero hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Hindi mo pa rin ga siya kinakausap?" Ilang linggo na rin niyang hindi sinasagot ang tawag ng Momy niya dahil sa sama ng loob. I can't blame her. Pinuno ng Momy niya ang puso niya ng galit para sa Papa niya na hindi naman dapat.
"Galit ako sa kanya. Galit ako sa kanilang lahat." Seryoso niyang sagot saka tuluyang pinunasan ang mga luha sa mga mata niya.
"Gusto mo gang sa personal tayo mag usap?" Heto laang ang magagawa ko sa ngayon, ang makinig sa kanya.
"Ayoko nang idamay ka sa problema ko." Umiling-iling siya. "Pero thank you, akin. Thank you dahil nandyan ka for me. Hindi ko nararamdaman na mag isa ako because of you." Umiwas ako ng tingin sa screen ng cellphone ko. Ayoko talaga ng mga ganitong usapan.
"So, 'wag ka ng umiyak. Mag bi-birthday ka na, iyakin ka pa rin." Pagbibiro ko na laang.
Sumimangot siya saka kumamot sa kilay niya. "May nakalimutan ka." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano nga gang nakalimutan ko? Parang wala naman. Magtatanong pa laang sana ako ng iniangat niya ang coloured paper na hawak niya.
"Happy first monthsary, akin!" Itinapat niya ito sa screen kaya nabasa ko ito ng mabuti. Napangiti ako dahil ang ganda ng calligraphy niya. I wonder kung siya ang gumawa nito. "Bukas ko ibibigay 'yung gift ko for you." Sabi pa niya saka ibinaba ang hawak.
Muli akong nag iwas ng tingin at inayos ang buhok ko kahit hindi naman ito magulo. "S-Salamat. B-Bukas ko na rin ibibigay 'yung gift ko." Napangiwi ako sa naisagot ko. Lagot! Wala naman talaga akong gift.
"Talaga? You have a gift for me?" 'Yung malungkot niyang mga mata kanina ay napalitan ng masayang mga mata na nakikita ko laang kapag kaharap o kausap niya ako.
"O-Oo naman." Lagot na talaga!
..
Umaga. Pagkatapos naming mag plano ni Ba ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.
"Hi, Tita. Nandyan po si Gabb?" Nakangiti kong tanong ng makita si Tita Clara sa may garden nila.
"Nasa loob siya. Pasok ka na lang, huh?" Sagot niya.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila habang hawak sa kamay ko ang gift ko for Gabb. Tingnan ko laang kung hindi pa siya maturn-off sa akin.
"Gabb?" Tawag ko ng makapasok ako sa living room nila. Napansin ko pa ang ilang mga picture frames. Magkakasunod ito, mula sa picture ni Gabb noong baby pa siya until now. Natawa ako ng makita ang pangatlong picture. Hula ko ay apat o limang taon siya dito. Nakasakay siya sa palanggana at naliligo.
"Akin?" Lumingon ako ng mag salita si Gabb. "Bakit nandito ka?" Tanong niya habang pababa na ng hagdan.
"Ah eh...p-para sayo." Pilit akong ngumiti para hindi niya mahalata ang mga plano ko.
"Wow! Thanks!" Lumapit siya sa akin at inabot ang tupperware. "Ito ga 'yung gift mo para sa..." Nawala ang pagkakangiti niya ng mabuksan ang tupperware.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Don't tell me naturn-off na kaagad siya sa itsura pa laang ng niluto ko?
"W-Wala. Salamat dito." Ngumiti ulit siya. "Nasa taas 'yung gift ko sayo, wait kukunin ko laang."
"Gabb..." Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Kaagad din akong napabitaw. "Ahm mamaya mo na laang kunin. Kainin mo na muna 'yan habang mainit pa." Dugtong ko.
"S-Sige." Alanganin siyang ngumiti saka nag lakad sa direksyon ng kusina nila.
"So?" Nag aabang kong tanong. Magkaharap kami ngayon sa pabilog nilang table. Kasalukuyang tinitikman ni Gabb ang pangit na lasa na iniluto ko para maturn-off siya.
"M-Masarap." Nakangiwi niyang sagot. Nagdiwang naman ako deep inside dahil siguradong hindi na ako papalpak dito.
"Nag sisinungaling ka." Kunwaring nagtatampo kong sabi. Paano niya nasabing masarap 'yun? Eh lahat na nga yata ng iodize salt sa bahay ay inilagay ko doon. She's impossible talaga!
"Ah eh, m-medyo maalat p-pero okay laang naman." Sabi niya sabay kamot sa kilay niya.
"Are you sure na okay laang?" Sabihin mong sobrang pangit ng lasa ng iniluto ko! Bilis, Gabb!
"O-Oo." Sagot niya nang may mapansin ako sa mukha niya.
"Gabb? Anong...." Maraming rashes ang mukha niya na kanina naman ay wala. " 'Yung mukha mo...."
"Huh?" Walang idea niyang sagot. Kumamot siya sa mga braso niya dahil maging ang mga iyon ay nag uumpisa ng magkaroon ng mga rashes.
"Gabb?!" Nataranta ako dahil sobrang namumula na 'yung mukha niya. "Gabb! Anong nangyayari sayo?!" Lumapit na ako sa kanya ng makita na nahihirapan na rin siyang huminga. "Gabb?!"
Kaagad akong nagtatakbo palabas para puntahan ang Tita niya. "Tita! Si Gabb po!"
..
"Ba!" Naiiyak akong nagpabalik-balik sa sala namin. Hindi ko alam kung anong dapat gawin.
"Why? What happened?" Nag aalalang tanong ni Gia sa kabilang linya.
"Epic failed na naman 'yung idea mo!"
"Hindi na naman siya naturn-off sa pangit na lasa ng luto mo? Tindi niya, ah." Sagot nito kaya nabulyawan ko siya.
"Bwisit ka, Ba! Nasa ospital ngayon si Gabb dahil sa iniluto ko!" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Aaminin kong nag aalala ako para sa kanya. Oo, gusto kong tigilan na niya ako pero hindi naman sa ganitong paraan na kailangan pa siyang mawala.
"Seryoso? Na ospital siya sa sobrang pangit ng lasa ng ginataan mo? Sabagay, ang pangit talaga ng lasa 'nun, Ba." Nakuha pa talaga niyang mang asar. Bwisit talaga siya!
"Nakakainis ka naman, eh! Seryosohin mo nga muna ako!" Bulyaw ko ulit na may kasama pang pag padyak. Mabuti na laang at wala dito si Mama dahil sinamahan niya si Tita Clara na isugod sa ospital si Gabb.
"Alam mong kahit kailan palagi kitang seseryosohin."
"Ba!" I rolled my eyes dahil puro siya kalokohan.
"Hehe. Seryoso na. Bakit siya naospital?"
"May allergy pala siya sa hipon." Pabagsak akong naupo sa sofa namin matapos punasan ang mga luha ko.
"At hindi mo alam 'yun?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Bakit ko naman a-alamin pa 'yun? Saka bakit kasi kinain pa rin niya?!" Naiinis kong tanong. Kung sinabi niya na may allergy siya sa hipon eh 'di sana hindi ko na ipinilit na kainin niya 'yun. Gusto talaga niya akong mag alala!
"Sus! Sinisi mo pa 'yung tao. Naospital na nga."
"Anong gagawin ko, Ba? Nahihiya ako lalo na kay Tita Clara." Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila. Nag advice si Gia na humingi ako ng sorry kay na Tita lalo na kay Gabb. Gagawin ko na laang 'yun mamaya kapag bumisita ako sa kanya sa ospital.
"Oo nga pala, may naisip akong..."
"Ayoko na! Ako na laang ang mag iisip kung paano ako titigilan ni Gabb." Pag pigil ko sa mga suggestions niya. "Puro palpak naman 'yung mga plans mo." Nakasimangot kong dugtong.
"Ang harsh mo sa akin, Ba. Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Siguradong nanghahaba ang nguso niya ngayon.
"Ipinapahamak, that's the right term."
..
Sunday, a day before Gabb's birthday. Nandito kami sa isang kilalang resort sa Batangas. Dito pinili nila Tita Clara na mag celebrate ng 14th birthday ni Gabb. Marami-rami rin kaming nandito dahil inimbita ni Tita Clara ang ilan naming mga kapit-bahay na naging ka-close na rin niya.
Sinulit ko ang araw na 'to kahit wala si Baba. Bukod sa hindi siya pinayagan ng Papa niya ay hindi rin siya marunong lumangoy. Buong mag hapon na si Gabb ang kasama ko. Well, wala naman akong choice. Hindi rin nakasama si Frances dahil family bonding nila ngayon. Minsan laang kasi umuuwi ang Papa at Mama niya.
"Bakit mo ako niyaya dito, Gabb?" Tanong ko kay Gabb matapos maupo sa shoreline. Nakaharap kami sa malawak na dagat na kanina ay kulay asul na may halo na berde na ngayon ay purong itim na laang. "Baka hanapin nila tayo."
"Hindi 'yan. Saglit laang tayo." Sagot niya habang nakaupo rin sa tabi ko. "Here."
"What's this?" Kunot-noong tanong ko habang inaabot ang paper bag na kanina pa niya hawak.
"Open it." Nakangiti niyang sagot.
Binuksan ko naman ito, "An elephant onesie?" Kunot-noo pa rin na tanong ko. "Bakit elephant?"
"Sounds like sa name mo. Ella, elephant, Ellaphant." Napangiti ako dahil ang taba rin talaga ng utak niya.
"Thank you pero hindi naman ako ang may birthday." Itinabi ko ito saka tumingin sa kanya.
"It's just a simple gift. Meron din ako nyan."
"Elephant din?" Curious kong tanong.
Umiling siya, "A unicorn." Hula ko na unicorn ang favorite niya dahil madalas kong mapansin na marami siyang mga gamit na unicorn ang naka print. So, kung Ellaphant ako, Unigabb naman siya? Ang taba rin ng utak mo, Ella. Kantyaw ng mataba ko ngang utak.
"Wala pa akong gift sayo for tomorrow. Ano gang gusto mong gift?" Tanong ko.
"Your presence is enough, akin." Humalikipkip siya dahil na rin siguro sa lamig ng hangin na pang gabi.
"Kahit na, nakakahiya naman na wala akong gift sayo." Niyakap ko rin ang sarili dahil kahit nakajacket na ako ay nararamdaman ko pa rin ang lamig.
Tumingala ako at nakita ang kalangitan. It's pure black that makes the moon so beautiful, that makes a stage for her to stand upon. It's the pure black of the night that gives the stars their beauty.
"If you insist, sige, I want a gift from you." Muli akong bumaling sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ano 'yun? H'wag mahal,huh. Konti pa laang 'yung ipon ko." Natawa siya sa isinagot ko.
"May foundation week tayo next next month, 'di ga?" Tanong niya na ikina-tango ko.
"And?"
"Doon din gaganapin ang grad ball niyo." Muli akong tumango. Gay'on talaga sa school namin. First month ng pasokan ay ginaganap ang grad ball at isinasabay ito sa huling araw ng foundation week.
"And?"
"For sure, maraming gustong makipag sayaw sayo 'dun. Hindi naman ako pwedeng umattend dahil sophomore laang ako." Kumamot siya sa kilay niya na mannerism niya.
"Please be direct to the point, Gabb." Naiinip kong sabi.
"P-Pwede gang maisayaw kita?" Nahihiya niyang tanong. Napansin kong nilalaro niya ang dalawang hintuturo dahil siguro sa hiya sa akin.
"As in ngayon? Dito?" Tanong ko. Lumingon pa ako sa paligid. May iilan pang mga tao sa 'di kalayuan.
"Uhm, oo? Wala naman masyadong tao, eh." Kumamot ulit siya sa kilay niya.
"But we don't have a music." Pag dadahilan ko para hindi mangyari ang gusto niya.
"Akong bahala." Ngumiti siya sa akin at sinalubong ang paningin ko. "So, may I dance with you, akin?" Tumayo siya at iniabot ang palad niya. "Please?"
Bumuntong-hininga ako. Wala naman mawawala, Ella. Makabawi ka man laang sa goodness na ipinapakita sayo ni Gabb. Bulong ng konsensya ko.
Humawak ako sa kamay niya at inalalayan niya akong tumayo. Nakaharap na kami sa isa't-isa at parehong hindi alam kung anong dapat gawin.
Nag tanong siya na kung pwede niyang hawakan ang bewang ko. Tumango ako bilang pag payag. Humawak din ako sa mag kabila niyang balikat kasabay ng pag kanta niya.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Hindi ko maintindihan pero sa halip na mag iwas ako ng tingin ay mas lalo ko pa siyang tinitigan.
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Ngumiti siya at nag patuloy sa pag kanta kasabay ito ng pag galaw namin para mag sway ng katawan.
Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning,
mistulan kang tala
Bahagyang sumusunod ang katawan namin sa kinakanta niya. Kasabay din nito ang pag hampas ng hangin sa katawan namin.
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Una kong napansin ang height niya. Kung dati ay hanggang balikat ko laang siya, ngayon ay hanggang temple ko na. Unfair! Bakit ang bilis naman yata niyang tumangkad?
Pag ikaw ang kasabay,
puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay
Napansin ko rin kung gaano kaganda ang mga mata niya at kung gaano ka-expressive ang mga ito.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
I can compare her eyes to a star dahil katulad ng mga stars sa kalawakan, kasalukuyan din na nagniningning ang mga mata niya.
Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Nahawi ang bangs niya dahil sa malakas na hangin na dumaan. Nakita ko tuloy ang cut sa kilay niya. Hindi na ito gumaling mula sa pagkakasiko ni Tyron sa kanya noon.
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Gusto kong yakapin ang sarili dahil mas lalo kong nararamdaman ang lamig habang pinapakinggan ang pag kanta niya. Ngayon ko laang nalaman na marunong pala siyang kumanta, or should I say, magaling siyang kumanta.
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik
Nag iwas ako ng tingin dahil heto na naman 'yung malamig na bagay na unti-unting humahaplos sa puso ko. Until now I can't figure out what is this?
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Napadiin ang hawak ko sa mag kabila niyang balikat dahil nararamdaman ko naman ngayon ang pabilis ng pabilis na pag t***k ng puso ko. Kailangan ko na sigurong mag pa check up.
Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Tapos na ang pag kanta niya pero hindi pa rin niya binibitawan ang bewang ko. Tumingin ulit ako sa kanya para sabihing maupo na kami.
Muli, nag tama ang mga paningin naming dalawa.
Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko narinig na mag salita siya. "Thank you, akin, for making me happy." Lalo kong naramdaman ang malakas na pag t***k ng puso ko habang nakatitig sa kulay chocolate niyang mga mata. "Ito na 'yung pinaka masayang birthday ko dahil kasama kita. Salamat dahil sayo naramdaman ko kung anong pakiramdam ng may pumipili sa akin. Ganito pala 'yung pakiramdam. It's so overwhelming." Ngumiti siya saka humawak sa tapat ng dibdib niya. Kasabay nito ay ang pag alis ko ng dalawang kamay sa balikat niya.
"I maybe a kid but I know this feeling I have for you is real. I love you, Ella." Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Sa sinabi niya ay parang lahat ng nasa paligid ko ay nag fade. Wala akong naririnig kundi ang malakas na pag t***k ng puso ko.
"W-Why?" Nabibigla at nagtatakang tanong niya ng bigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Hindi ko siya sinagot dahil maging ako ay hindi rin alam kung bakit ko ginagawa 'to.
Siguro dahil sa sobrang saya niya ay naipapasa niya ang happiness na 'yon sa akin. Kumalas ako ng yakap at mabilis siyang binigyan ng halik sa pisngi.
"Happy birthday, Orion." Dali-dali akong tumalikod sa kanya at hindi na hinintay ang reaksyon niya. Nagtatakbo ako ng maramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Shems! Bakit mo ginawa 'yun, Ella?!
"Akin!" Narinig ko pa ang pag tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko kaya! Kung pwede laang na kainin na ako ng buhangin ngayon din!
"AKIN!" Pag tawag niya ulit.
Bahala ka dyan!
A.❤️