September, 2020.
"Iniiwasan mo ga si Gabb? Ano gang ginawa sayo ng bata?" Tanong kaagad ni Mama sa akin ng makapasok ako sa bahay. Kakauwi ko laang galing sa bahay nila Baba. Doon ako nagpalipas ng oras para laang hindi ko makasabay si Gabb sa pag uwi.
"W-Wala po." Sagot ko saka nag bless sa kanya.
"Eh bakit ka nag iinarte dyan? Nag susumbong ang bata sa akin, hindi mo raw siya pinapansin."
"Kakausapin ko na po siya." Pabuntong-hininga kong sagot. Nag aalala ako na napapansin na pala ni Mama ang ginagawa kong pag iwas kay Gabb.
"Ikaw, Ella huh. H'wag kang nasasanay na nakikipag away. Kabait-bait ng bata sayo tapos inaaway mo laang." Napailing na laang ako. As usual, kakampi na naman siya kay Gabb.
"Opo. Aakyat na po ako." Hindi ko na ipinaliwanag ang side ko dahil hindi rin naman niya ako maiintindihan.
Pabagsak akong humiga sa kama matapos ipatong ang bag sa side table. Napatitig ako sa kisame at malalim na nag isip. Ilang araw na ang nakalipas mula ng birthday ni Gabb. Pagkatapos ng birthday niya ay nag desisyon na akong iwasan siya.
Lunes ng umaga. It's Gabb's birthday. Magkasabay kaming nag ba-bike papunta sa school. Dapat ay hindi ako sasabay sa kanya dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa ko noong nakaraang gabi. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yun. Siguro ay may masamang espiritu ang sumanib sa akin nang gabing 'yon.
"Super saya ko kagabi." Naka smile na sabi ni Gabb habang patuloy kami sa pag ba-bike. "Salamat nga pala akin sa...sa...." Nahihiya niyang dugtong. Instead na bumilis ang pag pedal ko ay napahinto ako.
"Akin? Bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong ni Gabb sabay lingon sa akin. Pabuntong-hininga kong dinukot sa bulsa ko ang bagay na kanina ko pa gustong ibigay sa kanya. "Baka ma-late tayo sa..."
"P-Para sayo." Iniabot ko ito sa kanya saka nahihiyang tumungo at pumikit. "H-Happy birthday!" Ramdam ko ang pag iinit ng mag kabilang pisngi ko. Pati ang dalawang kamay ko ay bahagyang nanginginig rin. I'm so nervous! Shems! Bakit ko ga 'to nararamdaman?!
Naramdaman kong inabot niya sa mga kamay ko ang maliit na box na hawak ko kanina. "S-Salamat, akin." Suminghot-singhot siya kaya mabilis din akong tumunghay. Umiiyak siya habang binubuksan ito.
"Then why are you crying?" Tanong ko dahil hindi talaga tumitigil ang mga mata niya sa pag iyak habang pinagmamasdan ang regalo ko para sa kanya.
"Tears of joy." Pinunasan niya ang mga luha habang tumatawa. Itinaas niya ito sa ere at dahil sa tama ng liwanag ng araw ay kuminang ito. "Ang ganda!" Kasabay ng pag kinang nito ay siya ring pagkinang ng mga mata niya. "Maraming salamat, akin! Isusuot ko na." Kaagad niyang isinuot ito sa leeg niya kaya napangiti ako. Bagay sa kanya.
"Uhm, s-sorry, 'yan laang ang afford ko." Nahihiya kong sabi tungkol sa star pendelum necklace na regalo ko sa kanya. Kaya siguro ako nahihiya ay dahil maliit na bagay laang ang ibinigay ko sa kanya compare sa dami at mamahalin na ibinigay niya sa akin.
"Ito na 'yung pinaka the best gift that I've ever received, akin except sa kiss..." Ugh! Ipinapaalala na naman niya!
"T-Tara na nga!" Padabog akong muling nag pedal na ikina-tawa niya.
"Are you blushing?" Natatawa pa rin na tanong niya na ikina-tigil ko sa pag pedal.
"I-I'm not!" Taas-kilay kong sagot lalo na ng mas lalo siyang tumawa. "Anong nakakatawa?" Kunot-noong tanong ko. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. Hindi alam ng iba na sobrang lakas mang-asar nitong si Gabb.
"Let me correct it. It's nakakatuwa, akin." Nag pedal siya kaya nag pedal na rin ako para makasabay sa kanya.
Nagtaka pa ako nang itaas niya ang isang kamay mula sa manibela saka sumigaw, "The famous and sweet girl of Saint Martin Highschool is blushing because of me. Oh my! I'm so lucky!" Lalong nag init ang pisngi ko dahil sa isinigaw niya. Baliw talaga!
"I told you, I'm not! Dyan ka na nga!" Mabilis akong nag pedal saka ko napansin sa side mirror ng bike ko ang malapad kong pag ngiti. I'm smiling like an idiot because of her. Shems! This can't be happening!
"Taho! Taho! Taho!" Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa boses ng sumisigaw sa labas.
"Taho! Taho! Taho!" Napabuntong-hininga na naman ako dahil tatlong araw na rin niyang ginagawa ito. Hindi na kasi umepekto sa akin ang shuttlecock thingy niya. Taho naman ang bait niya sa akin ngayon. Noong unang araw na iwasan ko siya ay napagkamalan ko nga na isa siyang magtataho kaya mabilis akong lumabas ng bahay para sana bumili. Pero noong makita ko na siya ang nasa gate namin ay nagtatakbo ako papasok ng bahay at nag locked ng kwarto ko.
"Ba! Hindi ko na talaga kaya!" Hopeless kong sumbong kay Ba ng tawagan ko siya matapos mapagod ni Gabb sa kasisigaw ng 'taho'.
"I'm having an headache na rin, Ba. Hindi mo ga nare-realize, may isang taon mo ng pino-problema si Gabrielle." Napahinto ako sa pag kilos dahil sa sinabi niya. Ngayon ko laang naisip na isang taon na rin pala kaming magkakilala ni Gabb, at mag iisang taon na rin niya akong kinukulit. Ngayon ko laang na-realized ang matinding pagtya-tyaga at pasensya ni Gabb sa akin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ba." Muli akong napaupo sa kama ko.
"Mukhang hindi talaga effective ang mga plans mo. So much better kung makipag break ka na laang." Sa sinabi niya ay napadiin ang hawak ko sa cellphone ko.
"B-Break?" Pabulong kong tanong sa sarili na narinig pala ni Ba.
"Oo, baka sakaling kapag nasaktan siya, titigilan ka na rin niya."
Oo, baka sakaling kapag nasaktan siya, titigilan ka na rin niya.
Baka sakaling kapag nasaktan siya, titigilan ka na rin niya.
Kapag nasaktan siya, titigilan ka na rin niya.
Titigilan ka na rin niya.
Tapos na kaming mag usap ni Gia pero paulit-ulit na nag e-echo sa isipan ko ang suggestion niya. At ewan ko kung bakit nalulungkot akong isipin ito. Nakakaramdam ako ng munting kirot sa dibdib ko. Maybe deep down to my heart ay alam kong hindi deserve ni Gabb ang masaktan. But I need to do this dahil natatakot ako. Natatakot ako sa kung anuman ang posibleng mangyari kapag hindi ko pa 'to itinigil. I'm sorry, Gabrielle.
..
Kagagaling laang namin ni Ba sa mini garden ng school pero wala roon ang hinahanap namin. Nag decide kaming hanapin siya sa canteen.
"Bukas na laang kaya, Ba?" Nag aalangan kong sabi nang nasa pinto na kami ng canteen.
"We already here saka ka pa aatras. Bilis na!" Sagot ni Ba saka ako hinila papasok sa loob.
"Sandali!" Muli akong huminto dahil kinakabahan talaga ako. Hindi pa yata ako ready.
"Ba, naman! Makikipag break ka laang. Ano gang ikinatatakot mo?" Kunot-noong tanong ni Gia at nag dududa niya akong tinitigan.
"It's n-not what you think, okay?" Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Then prove it to me." Seryoso niyang sagot kaya bumaling ako ulit sa kanya. These past few days ay napansin kong may nag iba kay Baba. Hindi ko laang mafigure-out kung ano.
Hinila niya ulit ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "There she is." Turo niya na nasundan ko ng tingin. "Wait, sino 'yung kasama niya?" Nangunot ang noo ko ng mapansin na may kasama nga siya sa table na ino-occupied nila. It's unusual. Hindi siya basta kumakausap ng mga students dito. Kaya nga siya madalas i-bully dahil introvert siya.
"Maupo muna tayo." Nag iwas ako ng tingin sa table na iyon.
"Hanap ka ng table. Mag o-order laang ako." Sabi ni Ba saka umalis sa tabi ko at pumunta sa counter.
Kaagad naman akong nakakita ng table at kapag sinu-swerte ka nga naman, kitang-kita ko mula rito ang table nila Gabb. Nakatagilid sila sa direksyon ko pero malaya ko pa rin nakikita ang pag tawa nilang dalawa ng kasama niya. Para gang may interesting at nakakatuwa silang pinag uusapan.
Hindi niya ako napapansin dahil may ilan na table na nakapagitan sa amin. Samantalang ako, pansin na pansin ko ang bawat galaw nila maging ang bahagyang pag palo ng kasama niya sa balikat niya habang pareho silang masayang nagtatawanan.
Naramdaman ko na para gang may nakabara sa lalamunan ko kaya kaagad kong kinuha ang tumbler sa bag ko, at ininom ang laman nito. Hindi naman malayo ang nilakad namin ni Gia pero bakit parang uhaw na uhaw ako?
Matapos uminom ay bumalik ulit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Masaya pa rin silang nagtatawanan na para gang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Kaya nga hindi ka napansin, 'di ga? Sarcastic na tanong ng utak ko. Kaya rin siguro hindi siya nagparamdam sayo ng weekends. Napadiin ang hawak ko sa tumbler dahil sa naisip. Paano nga kung may kinukulit na siyang iba? Eh 'di mabuti! Hindi na sasakit ang ulo mo sa kanya, Ella. Napabuntong-hininga ako dahil napapansin ko rin na madalas ko ng kinakausap ang sarili. Nababaliw na yata ako!
"Hey!"
"Huh?" Napatunghay ako at parang natauhan ng tapikin ni Ba ang balikat ko. "Kanina ka pa dyan?" Tanong ko matapos niyang umupo sa katapat na upuan.
"You're spacing out." Naiiling niyang sagot saka inilagay sa harapan ko ang pagkain na binili niya para sa akin.
"Iniisip ko laang 'yung break-up lines na sasabihin ko kay Gabb." Palusot ko dahil baka sabihin na naman niya na lutang ako.
"H'wag kang kabahan. I'm just here, okay?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa tumbler. "Kumain na muna tayo." Nakangiti pa rin niya itong binitawan saka nag umpisang kumain. Napatitig ako sa kanya dahil may kakaiba talaga sa mga ikinikilos niya. Napailing ako at nag simula na rin na kumain. Nag o-over thinking laang siguro ako.
Habang kumakain ay iniwasan kong tumingin sa table nila Gabb pero itong si Gia ang hindi napigilan na pansinin sila. "Ang saya nilang tingnan. Mukhang hindi ka na rin mahihirapan na makipag break sa kanya." Napahinto ako sa pag subo ng pagkain dahil sa sinabi niya.
"Why you think so?" Naibaba ko ang kamay na may hawak na spoon at tinitigan si Gia.
"I think nakahanap na siya ng fallback." Nakangiti siyang bumaling sa akin. "You should be happy." Napadiin ang hawak ko sa spoon and fork. Bigla akong nawalan ng gana. Siguro dahil marami ang nainom kong tubig kanina. "To be fair, bagay sila." Tuluyan ko nang binitawan ang hawak.
"Hey, wait." Pag pigil sa akin ni Baba nang tumayo ako. "Where are you going?" Nagtatakang tanong niya.
"Just stay here, Ba." Sagot ko saka walang paalam na nag lakad papunta sa table nila Gabb.
"Really?" Magiliw na tanong ni Gabb. Naririnig ko na kaagad ang masaya nilang pag uusap.
"Yes, I'm playing a piano since I..."
"Excuse me." Seryoso kong sabi nang makarating ako sa pwesto nila.
Mag kasabay silang tumingin sa akin, "A-Ate Ella?" Nanlaki ang mga mata ni Gabb nang makita niya ako.
"Yes po?" Nagtatakang tanong ng kasama niya. Pareho sila na nakasalamin ni Gabb. Their looked like a nerdy girls. Tama siguro ang kasabihan na, "Birds of a same feather flock together".
"Can I talk to..." Tumigil ako saka tumitig kay Gabb. "...akin?"
"Akin?" Kunot-noong tanong ng kasama niya kaya bumaling ulit ako sa kanya at ngumiti ng matamis.
"Gabb, she's akin." Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata nila pareho. Mabuti na laang at umalis na ang ibang students sa kabilang table.
"Ahm,ate..." Bumaling ako ulit kay Gabb at sinamaan siya ng tingin. How dare she para tawagin akong ate! "A-Akin, b-bakit? M-May kailangan ka ga?" Kumamot siya sa kilay niya at hindi na makatingin ng deretso sa akin.
"Like what I've said, I want to talk to you." Seryoso kong sagot. Naiinis ako! Bakit parang ikinahihiya niya ako sa kasama niya?!
"S-Sige, dito ka na sa upuan..."
"In private." Madiin kong sagot. Nagawa niyang tumingin sa akin kaya ipinarating ko gamit ang mga mata ko na h'wag siyang magkakamali na tumanggi!
Nag iwas siya ng tingin at bumaling sa kasama niya. "Ash?" Tumaas ang kilay ko dahil feeling ko ay nag papaalam pa siya sa babaeng nerd na kasama niya. Baka nakakalimutan niyang ako ang girlfriend niya! Bwisit siya!
"I'll just wait you here." Sagot ng babae. Tumalikod na ako dahil naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang inis ko any minute now.
Kumalma ako ng makarating kami sa mini garden. Naupo ako at tumabi naman siya sa akin. Tell her, Ella! You can do it! Pagpapalakas-loob ko sa sarili. Kahit gaano naman tumagal 'to, in the end ay masasaktan ko pa rin si Gabb dahil hindi ko magawa na i-reciprocate ang nararamdaman niya para sa akin.
"Ahm, akin matatapos na 'yung lunch break." Pag basag niya sa katahimikan kaya bumaling ako sa kanya.
"So?" Taas-kilay kong tanong. Bumabalik na naman ang inis ko dahil sa isipin na parang ayaw naman niya akong makita o makausap. Hindi man laang ga niya ako na-miss sa ilang araw na pag iwas ko sa kanya?
"B-Baka kasi hinihintay pa rin ako ni Ash sa canteen." Kamot sa kilay na sagot niya na lalong nagdala ng inis sa akin. So, Ash pala ang pangalan ng nerd na kasama niya? Hindi bagay!
"Mas importante ang sasabihin ko." Sabay irap ko sa kanya.
"S-Sige." Maikli niyang sagot habang naghihintay ng sasabihin ko.
You can do it, Ella! It's now or never! "G-Gusto kong..." Iniwasan kong tingnan siya. Siguradong kapag tiningnan ko siya ay makakaramdam na naman ako ng awa at hindi ko kailangan na maawa sa pagkakataon na 'to. "Gusto kong..." Pumikit ako at sinabi ang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya, "S-Sabay tayong umuwi mamaya." Napamulat ako at nanlaki ang mga mata ng ma-realized ko ang sinabi ko.
"Sige, pero pwede gang i-hatid muna natin si Ash sa kanila?" Babawiin ko sana ang sinabi ko pero isiningit na naman niya 'yung nerd na si Ash sa usapan. Bwisit!
"Bakit?!" Pabalang kong tanong.
"Nasira 'yung bike niya kaya nag prisinta ako na i-hatid siya sa pag uwi. " Pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Siguro ay dahil hindi ako nakakain ng maayos sa canteen.
"At sasakay siya sa bike mo?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo, akin. Don't worry, Ash is nice. Masaya siyang kasama. For sure, you two can get along." Get along mong mukha mo!
Padabog akong tumayo saka sumagot, "Ayoko ng may ibang kasabay mamaya. Ikaw at ako laang."
"P-Pero akin..."
"Kung ayaw mo, eh 'di d'un ka na sa Ash mo!" Bulyaw ko sa kanya saka nag martsa papalayo.
..
Dumaan ang mga araw at linggo. Bumalik kami ni Gabb sa dati. Mag kasabay kaming pumapasok sa school at mag kasabay din na umuuwi. Madalas din na siya ang kasama ko sa canteen dahil hindi sumasabay sa amin si Ba sa pag kain. Siguro ay nagtatampo pa rin siya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa na makipag break kay Gabb. Kapag naman tinatanong ko siya kung may problema siya, palagi niyang isinasagot na 'wala', na 'okay' laang siya. Hindi ko siya kinukulit dahil gusto kong kusang loob siyang mag open-up sa akin tungkol sa problema niya na palagi niyang itinatanggi na wala.
"Ba, sasama ka ga sa amin ni Gabb tomorrow?" Tanong ko kay Gia na nasa kabilang linya.
"Hindi na, baka makaistrobo laang ako sa date niyo." Sarcastic ang tono ng boses niya pero hindi ko na laang pinansin. Ayokong mag away kami.
"It's not a date, Baba." Sagot ko.
"Monthsary niyo tomorrow, 'di ga?" Tanong niya.
"Uhm, oo. Nagyaya si Gabb na mag church total Sunday naman tomorrow, so it's not a date, okay." Sagot ko naman.
"Akala ko ga makikipag break ka na sa kanya?" Seryoso niyang tanong. Sa totoo laang ay madalas niyang itanong sa akin kung nakipag break na ako kay Gabb. Nagtataka laang ako dahil as far as I remember, she told me na mas gusto niya si Gabb para sa akin kaysa kay Tyron. Bakit all of a sudden ay parang ayaw na rin niya kay Gabb?
"Naghahanap pa ako ng right timing, Ba." Sagot ko at hindi na tinangkang itanong ang laman ng isip ko.
"Walang right timing, Ella." Seryoso pa rin niyang sagot. Hindi ako sanay na ganito siya. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala sa akin ang best friend ko. H'wag naman sana!
"A-Are you jealous to Gabb?" Nag aalangan kong tanong. Wala kasi akong maisip na dahilan kung bakit siya nagkaka ganito ngayon.
"Me? I'm not!" Lumakas ang boses niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Ba, you can tell me naman kung naiinis ka, eh." Malungkot kong sabi.
"Nakakatampo laang na mas madalas mo na siyang nakakasama ngayon kaysa sa akin." Sagot niya na lalong nagpalungkot sa nararamdaman ko.
"Dahil lumalayo ka."
"Hindi ako ang lumalayo, Ella. You know that no matter what happens I will always choose to stay by your side."
"B-Ba..."
"Matutulog na ako. Good night." Ibinaba niya ang tawag at wala akong nagawa kundi mahiga sa kama at isipin kung paano ako makakabawi kay Gia. Kukulitin ko na laang siguro siya sa school.
..
After naming mag church ni Gabb ay niyaya ko siya sa park.
"Try mo na, bilis!" Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakaharap sa stall ng street foods dito sa park. Tumingin siya sa kawali kung saan nakalutang sa mantika ang mga street foods. Nakita ko kung paano siya ngumiwi habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Kwek-kwek laang 'yan, Gabb." Sagot ko. Akala naman niya, mamamatay siya sa pag kain ng street foods.
"But Momy told me that foods are dirty." Napatingin ako kay kuyang tindero dahil sa isinagot ni Gabb. Siniko ko siya kaya kaagad naman siyang nag sorry kay kuya.
"Bahala ka, kapag hindi mo tinikman 'yan..." Nag isip ako ng pwedeng ipang black-mail sa kanya para kumain laang siya ng street foods. "Break na tayo." Bulong ko na ikinalaki ng mga mata niya.
"W-What?" Ipinakita kong seryoso ako sa sinabi ko at mukhang effective naman. "Manong, pahingi po ng stick." Tumusok siya ng kwek-kwek at nag bayad. Bumalik kami sa bench na inuupuan namin kanina at doon nilantakan ang street foods na binili namin.
"So?" Tanong ko ng kumagat siya sa kwek-kwek na hawak niya.
"It's not that bad." Sagot naman niya matapos malunok ang pagkain sa bibig.
"I told you. Isaw naman." Sabay abot ko sa stick ng isaw. Natawa ako ng makita ko ang pag simangot niya. Pero kaagad din niya itong tinikman dahil tinakot ko na naman siya.
"Gabb? Bakit mo ako nagustuhan?" Maya-maya'y tanong ko na ikina-samid niya. Inabotan ko siya ng bottled water na kaagad din niyang tinanggap. "Out of nowhere ga 'yung tanong ko?"
Tumango siya matapos uminom, "Bakit mo naitanong?"
Nag kibit-balikat ako, "I'm just curious. Marami naman tayong mga kapit-bahay at schoolmates, 'di ga? So, bakit ako?"
"Maraming dahilan kung bakit. Baka gumabi na pero hindi pa rin ako matapos." Natatawa niyang sagot saka inayos ang salamin sa mga mata niya.
"Di ga dapat walang reasons? Kasi sabi nila, paano kung mawala 'yung reasons na 'yun, eh 'di wala ka na rin reasons para magustuhan ako?" Curious ko pa rin na tanong.
"My opinion is different from them, akin. Naniniwala ako na mapapatunayan mo laang na gusto o mahal mo ang isang tao kapag nawala na 'yung reasons kung bakit mahal mo siya. So, dapat may reasons talaga kung bakit gusto o mahal mo ang isang tao." I smiled because she makes sense.
"Can you give me at least three reasons why you like me?"
Ngumiti siya saka humarap sa akin. "You're respectful, God-fearing and talented." Sagot niya pero napasimangot ako dahil hindi 'yon ang ine-expect kong sasabihin niya. Or wala sa tatlong iyon ang gusto kong marinig.
"May nakakalimutan ka yata." Naka pout kong sagot na ikina-tawa niya. Siguro ay dahil na-gets niya ang gusto kong marinig mula sa kanya.
"Ayoko sanang sabihin na maganda ka."
"Bakit? Hindi ga ako maganda para sayo?!" Nakakainsulto 'yon, ah!
"Saying that you're beautiful is a lousy and lazy word to describe you. You are more than that, akin." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Napalunok ako dahil nakikita ko sa bilogan niyang mga mata ang sincerity sa mga salitang sinasabi niya. "So, instead of saying that you are beautiful, I would rather say that you are wonderful, Ella." Unti-unting kong natagpuan ang sarili na nakangiti habang nalulunod sa mga titig niya. Ngayon ko laang nalaman na pwede palang maging isang maganda at masayang pakiramdam ang pagkalunod. At kung paano ako muling aahon? Isa iyon sa mga hindi ko napaghandaan.
..
A.❤️
A.❤️