Chapter Seven (Part II)

2531 Words
Seprember, 2020 (Part II) May isang taon na kaming mag kapit-bahay nila Gabb pero ngayon laang ang unang beses na makakarating ako sa kwarto niya. Matapos naming tumambay sa park ay nag request siya sa akin na turuan ko siyang mag paint. Dinala ko sa kanila ang mga gamit ko sa pag pai-paint at ngayon nga ay nandito na ako sa harapan ng kwarto niya. Una kong napansin ang color ng wall ng room niya. It's color white combined with a black color. She have a bed in the middle of the room, which takes up quiet a bit of space. Nabanggit sa akin ni Gabb na malikot siyang matulog kaya siguro medyo may kalakihan ang bed niya. Black ang side table niya at doon nakapatong ang ilang makakapal na libro katabi ang isang picture frame, kung saan kasama niya roon si Tita Clara at ang Momy niya. Puti naman ang closet niya. Sa tabi nito ay isang malaking stuff-toyed na unicorn. May nakasabit na painting ng unicorn sa itaas ng headboard ng kama niya. Napansin ko rin ang gitara na nakasabit malapit sa bintana. Hindi ko pa siya naririnig na tumugtog. Siguro ay one of these days ay kukulitin ko siya about dito. Pinuri ko ang malinis at mabango niyang bedroom na ipinagpasalamat naman niya. Nag umpisa kaming mag assemble ng mga gagamitin namin sa pag pai-painting. "Oh mag merienda muna kayo." Boses ni Tita Clara ang ikina-tigil namin ni Gabb sa painting na pinagtutulongan namin, kalahating oras na ang nakakalipas. "Thanks, Tita." Nakangiting sagot ni Gabb. "Thank you po." Bahagya pa akong tumango dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kay Tita Clara. "Ano ga 'yang pinagkakaabalahan niyo?" Tanong nito matapos maibaba sa side table ang inihanda nitong merienda. "Aki..." Pinanlakihan ko ng mata si Gabb bago pa man niya ako matawag sa eanderment niya. "Tinuturuan po ako ni ate Ella na mag paint." Kamot sa kilay niyang sagot. "Baka naman umatake ang asthma mo n'yan." Nag aalalang tanong ni Tita Clara. "Don't worry Tita, safe po na gamitin 'tong mga materials namin." Nakangiti kong assurance. "Oh siya sige, maiwan ko muna kayo." Pag papaalam nito bago lumabas ng pintuan. "Tama ga 'to, akin?" Bumaling ako sa tinutukoy ni Gabb. "Gabb, dapat color red." Naiiling kong sagot ng kulayan niya ng ibang kulay ang ginagawa namin. "Hindi mo naman sinabi, eh." Kumamot ulit siya sa kilay niya kaya nagkaroon ng konting pintura ang pisngi niya. "Dapat mong matutunan kung anong mga colors ang nag co-compliment sa isa't-isa." Paliwanag ko saka gumawa ng paraan para maayos ang kalat niya. "Ugh! It's hard!" Tumayo siya saka humiga sa kama. "Hey! H'wag kang humiga dyan, lagot ka kay Tita." Sita ko sa kanya dahil baka malagyan ng pintura ang beddings niya. "But I'm tired, akin." Reklamo niya. "You can do it, Gabb. Bilis na!" Lumapit ako sa kanya at humarap sa kama kung saan siya nakahiga. "Tumayo ka na dyan." Tinapik ko ang paa niya pero nanatili laang siyang nakahiga habang nakapikit. "Ugh! Nakakainis ka naman, eh." Kinuha ko ang dalawang kamay niya at pilit siyang pinapabangon. "Bata ka pa tala..." Sa bigat niya ay nahila ako pabagsak sa kinahihigaan niya at nag landing ang lips ko sa lips niya. Pareho kaming nanlaki ang mga mata sa pagkabigla. Pakiramdam ko'y may nagkakarera na kabayo sa dibdib ko. At dahil nakapatong ako sa kanya ay nararamdaman ko rin ang malakas na pag t***k ng puso niya. Wait! Teka! Nakapatong nga pala ako sa kanya! Kaagad akong bumangon ng ma-realized ang nangyari. Shems! We accidentally kissed! Napahawak ako sa lips ko at pilit na inaalis sa isip ang nangyari. "A-Akin, h-hindi ko sinasadya." Bumangon siya at nag aalalang tumingin sa akin. "Y-You kissed me." Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang first kiss ko! Huhu! "No, akin. You k-kissed me." At talagang mangangatwiran pa siya! "Bakit mo kasi ako hinila?!" Naiiyak kong bulyaw sa kanya. Nakakainis! Nakakainis! "Hindi ko naman alam na ano, eh." Tumungo siya at napansin ko na hinawakan niya ang lips niya. "B-But I'm glad that you are my first kiss." Kinikilig niyang sagot na ikina-pula ng mag kabilang pisngi ko. Sa halip na sumagot ay nagtatakbo ako palabas. Ano na namang katangahan 'to, Ella?! .. "Finished!" Nakangiti kong pinagmasdan ang painting na pinaghirapan kong taposin ngayong araw. Napangiti ako dahil naiimagine ko na ang mukha ni Gabb kapag ibinigay ko ito sa kanya. Siguradong magtatatalon siya sa tuwa. Siguro ay bukas ko na laang ito ibibigay sa kanya dahil pinag iisipan ko pa ang title para sa artwork na 'to. Nawala laang ang atensyon ko sa pagtitig sa painting ng narinig kong may bumusina. Sinilip ko ito sa balcony ng kwarto ko at nakita si Gia na pababa ng kotse. Nangunot ang noo ko dahil anong gagawin niya dito ng seven 'o clock ng gabi? Mabilis akong bumaba para pag buksan siya ng gate. "Ba, what are you doing here?" Nakangiti kong tanong habang binubuksan ang gate namin. "I just missed you." Sagot niya sabay halik sa kaliwang pisngi ko. "Pasok kayo." Pumasok si Ba pero nag pa iwan si kuya Juan sa sasakyan. "Where's Tita?" Tanong ni Gia ng makapasok kami ng bahay. "Lumabas, may possible business partner kasi sila na imee-meet ngayon." Sagot ko. "Nice. Sana matuloy na 'yung pastry shop ni Tito." Nakangiting sagot niya sabay naupo sa sofa. "I hope so. Drinks?" Alok ko na ikina-iling niya. "No thanks. Here, heto talaga 'yung ipinunta ko rito." Iniabot niya ang isang card. I guess, it's an invitation. Kinuha ko ito at binuksan. "It's ate Sydney and kuya Adrian's wedding? Wow!" Masaya kong sabi habang tinitingnan ito. Si ate Sydney ay cousin ni Baba na close rin sa akin. "Be there, okay?" "Syempre naman. Ako kaya ang number one fan ng love team nila." Nakangiti kong ibinalik sa ayos ang card at ipinatong sa glass table. Mauupo na sana ako katabi ni Ba ng tumunog ang notification ko. Dinukot ko sa bulsa ang cellphone at ni-tsek ito. Natawa ako dahil sa ni-sent na memes ni Gabb sa messenger ko. "Si Gabrielle ga 'yan?" Tanong ni Gia kaya bumaling ulit ako sa kanya. "Ah oo. Nag sent laang siya ng memes. Baliw talaga 'yun." Natatawa kong sagot saka naupo sa tabi niya. "Mukhang ang saya mo sa mga plans mo for her, ah." Sabi niya na dinugtongan niya ng, "Or you're happy because you already like her." "Baba!" Kinakabahan ko siyang sinita. "A-Ano ga 'yang sinasabi mo? Parang sira 'to!" Pinilit kong tumawa at umiwas sa mapanuri niyang tingin sa akin. "You like her, don't you?" Seryoso niyang pag u-ulit. Tumayo ako,"I-I told you many times na h-hindi." Nakagat ko ang lower lip ko dahil hindi ko talaga alam ang dapat isagot. Ayokong tanggapin ang posibilad sa sinasabi ni Gia. Ayoko nitong nararamdaman ko! Hindi pwede 'to! "But Ella...." "She's just a nerdy girl na walang ginawa kundi sirain ang araw ko. So, tell me? How can I possibly like her?" Natatawa kong sagot habang kuyom ang dalawang kamao. "It's like... y-yuck!" Sa sinabi ko ay naramdaman ko na para gang may malaking kamao na sumuntok sa dibdib ko. "I pity you, Ella." Naiiling na sagot ni Gia habang seryoso siyang nakatingin sa akin. "Why? Is it because hindi pa rin umeepekto 'yung mga plans ko to get rid of her? Just wait, okay? May tatlo pang natitira sa mga lis..." "G-Gabrielle." Sa pangalan na binanggit ni Gia ay napatigil ako at tumingin sa direksyon na tinitingnan niya. Nanlaki ang mga mata ko at para gang hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ng makita si Gabb sa may pintuan. Nakatitig laang siya sa akin habang umiiyak. "G-Gabb." Nagawa kong mag salita at mag lakad papunta sa kanya. "Gabb!" Tumakbo siya palabas ng bahay kaya kaagad ko siyang hinabol. "Gabb! Wait!" Huminto siya sa tapat ng nakabukas na gate. "So, this is all your wonderful plan?" Hindi niya ako nilingon pero ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. "Gabb, listen to me." Mas lumapit ako sa kanya pero kaagad din na napahinto ng humarap siya sa akin. "Don't you really like me that much, na kahit 'yung good image mo i-tataya mo just to get rid of me?" Malungkot siyang nakangiti habang patuloy na umiiyak. "G-Gabb, please..." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Kung saan ako mag sisimula na mag paliwanag? "Anong pakiramdam, Ella? Are you happy now for hurting me?" Peke siyang tumawa saka nag dugtong ng mga salitang nag pabagsak sa mga luha ko, "Sabagay, sino nga ga naman ako? I'm just a nerdy girl who still loves you, even though you gave me a hundred reasons not to." "I-I'm sorry." Napahagulhol ako ng iyak sa kaalaman na sobrang nasasaktan ko siya ngayon. "Sorry? Alam mo ga ang ginawa mo, huh Ella?!" Tumaas ang boses niya na mahahalatang puno ng hinanakit at galit. "Pinaniwala mo ako! You made me believe that true love does exist! That we can have our own happy-ending!" Sigaw niya kasabay ng paghagulhol ng iyak. "P-Please, Gabb, try to listen to me. Please!" Lumapit ako sa kanya pero umurong laang siya para iwasan ako. "You know that I'm always trying, Ella. Tried to get your attention, tried to make you happy, tried to be the best for you, tried to make you fall in love with me. I tried everything, Ella!" Nag taas-baba ang balikat niya sa pag pipigil na umiyak. "But I'm now tired of trying dahil nakakapagod ka palang mahalin." Napatulala ako sa sinabi niya. Para gang may mga patalim na unti-unting bumabaon sa puso ko. Sobrang sakit! Tumalikod siya sa akin kaya nakaramdam ako ng takot. Isang hindi maipaliwanag na takot. Takot na takot ako. "G-Gabb, no! D-Dont!" Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag hablot ko sa kanan niyang kamay. "I-m so s-sorry." "I know now why you never held my hand tight." Bumaling siya at tiningnan ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kamay niya. "Mahirap nga pala na hawakan ang bagay na alam mong bibitawan mo lang din." Saka niya pwersang kinalas ang kamay ko na para gang ayaw ng bumitaw sa kamay niya. "I'm letting you go, Ella." Seryoso niyang sabi na halos dumurog sa puso ko. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito kasakit na pakiramdam. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit! "You are now free to choose someone who you truly love." Ngumiti siya at tumingin sa direksyon ng pintuan namin saka muling bumaling sa akin. Nag tama ang paningin namin at nakita ko sa mga mata niya ang matinding sakit at ang pagsuko. "But thank you for making me realized that happy endings only happen in fairytales." Wala na siya sa harapan ko pero nanatili akong nakatayo. Ito naman ang gusto ko, 'di ga? Ang tigilan na niya ako pero bakit ganito kasakit? Hindi dapat ganito kasakit! Naramdaman ko na laang ang mahigpit na yakap ni Gia habang patuloy ako sa pag iyak. .. October 1, 2020. Hapon. Hindi pa ako kumakain, o kahit maligo man laang. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Kahit ang paulit-ulit na pag tawag ni Gia ay hindi ko masagot. Bumangon ako sa kama at natulala na naman ng maisip ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Gabb sa bahay nila. Siguradong galit pa rin siya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ako mag e-explain sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinupuntahan. Gusto ko rin na makapag isip dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko. O mas tamang sabihin na hindi ko matanggap ang nararamdaman ko. Alam ko naman kung ano 'to, at kung saan 'to papunta. Naramdaman ko na 'to noon, pero bakit mas malala yata ngayon? Iyon ang hindi ko matanggap. Ang malaking epekto ni Gabb sa puso ko. Akala ko isa laang siyang patpatin at iyakin na bata na walang kayang gawin kundi gulohin ang araw ko. 'Yon laang dapat siya, eh. Pero bakit iba na ngayon? Para akong namatayan sa pag iisip na galit siya sa akin at hindi na niya ako mapapatawad. Paano nga kung hindi na niya ako mapatawad? Kung hindi na niya ako pansinin at tuluyan na niya akong iwasan? Sa isiping iyon ay para gang may kamay na bakal na sumasakal sa leeg ko. Nahihirapan akong huminga. Muli akong humagulhol ng iyak kahit kagabi pa akong walang tigil sa pag iyak. Namumugto na rin ang mga mata ko kaya hindi ako lumalabas dahil baka mahalata ito ni Mama. Napatitig ako sa painting na ibibigay ko sana sa kanya ngayong araw. Regalo ko dapat ito sa kanya noong second monthsary namin pero hindi ko ito kaagad natapos. Sa pagtitig ko sa painting ay may na-realized ako. Hindi ko kaya! Hindi ko na kayang mawala si Gabb! Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at nag decide na puntahan si Gabb sa kanila. Okay laang kung hindi pa niya ako kausapin. Basta gagawin ko ang lahat para mapatawad niya laang ako. "Aba't himala at lumabas ka na." Bungad sa akin ni Mama. Papasok siya ng bahay habang palabas naman ako. "P-Pupuntahan ko laang po si Gabb." Nag iwas ako ng tingin para hindi niya mapansin ang pamumugto ng mga mata ko. "Hindi ga siya nag paalam sayo? Akala ko naman kaya ka nagmumukmok ay dahil alam mong ngayon ang alis niya." Sa sinabi ni Mama ay parang tinambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. "P-Po? A-Aalis siya?" "Oo, sa ibang bansa na siya mag a-aral kasama ng Papa niya. Sa katunayan ay ipinapaabot niya 'to sayo. Tingnan mo nga ang batang 'yon, hindi ka nakalimutan bigyan ng remembrance." Nakita ko ang iniaabot ni Mama at nanginginig ang kamay ko na kinuha ito. This is the pendelum necklace na iniregalo ko sa kanya noon. Napahagulhol ako ng iyak at tumakbo palabas para habolin siya. Hindi ko na inintindi ang pag tawag ni Mama. Kaagad akong sumakay ng bike sa pag asang maaabotan ko pa siya. Hindi ako nagkamali dahil nakita ko ang sasakyan ng Papa niya ilang metro ang layo sa akin. Nakatigil ito pero kaagad din na umandar. "Gabb!" Pag tawag ko habang patuloy sa pag pedal. "Gabb!" Sigaw ko sa pangalan niya kahit malabo niya akong marinig dahil nakasarado ang bintana ng sasakyan nila. "GABB!" Kahit sumasakit na ang tuhod at binti sa pag pedal, at nag blu-blurred na rin ang paningin ko sa walang tigil na pag iyak ay hindi ako tumigil hanggang sa tuluyang lumayo ang pagitan ng sinasakyan niya mula sa akin. "GABRIELLE!" Huminto ako at habol ang paghinga dahil sa matinding pagod. Naramdaman ko ang unti-unting pag patak ng ulan na para gang nakikiramay ito sa lungkot na nararamdaman ko ngayon. Magkahalong patak ng ulan at mga luha ang naglalandas sa pisngi ko habang unti-unting lumiliit ang sasakyan nila sa paningin ko. Habang tinatanaw si Gabb palayo sa akin. A.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD