Chapter Eight

2497 Words
August, 2024 (Part I) Manila, Philippines. What I like about Philippines is how it has become a mixture of old and new. How it was values its sense of history. Though often overshadowed by stories on crime, Philippines charms comes from its people. People here showcase the best of the Filipino identity. Politeness is one of an art form here in the Philippines. Foreigners will be refer to as "Sir" and "Mam", no matter their age. Younger people refer to the women and men a little bit older as "ate's" and "kuya's". Karamihan din sa mga Pinoy ay hindi nakakalimutan ang pagmamano, as a sign of respect to elders. But Philippines has its usual downsides, especially the city of Manila. Poverty is evident, traffic is sickening, searing heat is so unforgiving. Well, Filipinos are used to it. At siguro, kailangan ko na rin masanay ulit dahil mukhang magtatagal akong mag stay sa bansang kinagisnan ko, at halos apat na taon din na iniwan. Bumaling ako sa bintana ng van na sinasakyan ko. I notice the jeepney na katapat ng sinasakyan namin habang stock sa traffic. Jeepneys are a unique form of transportation that many people here use every day. Naaalala ko pa noong unang beses kong sumakay ng jeep. I was eleven and so naive. Itinanong ko kasi noon kay Tita na kung bakit kailangan pang mag ring ng bell bago bumaba. Hindi ko rin alam noon kung para saan 'yung coins na iniabot sa akin ng katabi ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin, inilagay ko na lang ito sa loob ng bulsa ko na naging dahilan kaya pinagtawanan nila ako. Napansin ko rin ang ilang shopping malls na nadadaanan namin. One thing I am sure about is that Filipinos love shopping malls. Countless din ang mga food venues, gyms, grocery stores, banks, nightclubs, health clinics, and churches, of course. Isa rin ito sa mga ugali ng Pinoy. Filipinos are religious. Ngunit ang pinakasasabikan ko rito sa Pinas ay ang mga masasarap na pagkain. The Filipino cuisine embraces all the common elements of Asian cuisine. Sweet, salty, spicy and sour and the most recognizable Filipino dishes is adobo, my favorite. Chicken adobo to be exact. I also missed the street foods here. Fish balls, squid balls, kikiam, betamax, isaw and especially kwek-kwek. Sweet meriendas like turon, banana and kamotecue, sorbetes, halo-halo and taho. Oh Zeus! I can't help but to crave on those foods. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. "Alam mo bang sobrang saya ni Tita Lena mo n'ung malaman niya na uuwi ka ng Pinas?" Tito Alan approach me while driving. "Nag prisinta siya kaagad kay Clara na sa bahay ka muna tumuloy." Nakangiti niyang sabi matapos akong sulyapan sa passenger seat. "Thank you Tito for helping me and Tita Clara about my issues." Nakangiti kong sagot. "Pag usapan natin 'yan sa ibang araw, okay?" Sagot niya na ikina-tango ko. "Why, Tito?" Curious kong tanong ng mapansin ko ang pag sulyap-sulyap ni Tito sa pwesto ko. "Hindi lang ako makapaniwala na ikaw 'yung batang palaging nasa bahay noon." He seems amaze at hindi iyon maitago ng mga mata niya. "You've changed a lot, Hija or Hijo na ba?" Pagbibiro niya na ikina-tawa namin pareho. Napansin ko rin na hindi na siya nagsasalita ng dialect nila. Siguro nasanay na rin sila rito sa Manila. "Are you cool with my s****l preference, Tito or nah?" I ask him na kaagad naman niyang ikina-tango. "Oo naman. Wala sa akin 'yang preference-preference na 'yan. Ang mahalaga ay mabuti ka pa ring bata." Sagot niya habang nakafocus na ulit sa pag da-drive. "I'm not a kid anymore, Tito." Simangot kong sagot na ikina-tawa niya. "Okay, okay. Mabuti ka pa rin na dalaga." Sabi niya at lalo akong inasar. Napangiti ako habang naiiling. Naaalala ko kasi na siya 'yung naging father figure ko noon. Pinangarap ko noon na magkaroon din ako ng tatay na kasing cool niya. My Papa Ouen is strick but yeah, he's somehow cool, too. So feeling ko, HE answered my prayer naman. "Ilang taon ka na nga ba?" "Turning eighteen po this August." "Saan mo pala balak na mag aral? Nabanggit ni Clara na ayaw mo raw sa A.I.S. Alam mo bang sikat na sikat na school 'yun dito?" "Yes, Tito but E.I.S is my chosen school po." Never kong ginusto na mag aral sa A.I.S. It's because my father is the owner of that prestigious school. Doon din nag aral si Ate Ori, my step-sister. She was the ace of diamond, at sigurado akong sa akin ibibigay ang title na iyon kung doon ko pipiliin na mag aral. "E.I.S? Aba't tamang-tama. Doon nag a-aral si Ella." Sa pangalan na nabanggit niya ay napabaling ako kay Tito. "Naaalala mo pa ba ang anak ko?" Nakangiti niya akong sinulyapan. " 'Yung palagi mong kasabay sa pag pasok at pag uwi noon. 'Yung madalas mag sungit sayo pero..." "Of course, I still remember her po." Pag putol ko sa iba pa niyang sasabihin. I don't want to be rude pero ayoko lang talaga na pinag uusapan ang mga bagay na wala ng halaga. "Hayaan mo at sasabihin kong samahan kang mag enrol sa E.I.S." "Salamat po." Pinuri niya ang pag Ta-Tagalog ko. "I have Filipino friends po in Japan, that's why." Sagot ko saka sumulyap sa labas ng sasakyan. .. It's a two-storey house, designed in blue and brown with details in white. It features a raised front porch and a nice front lawn. There is also an attached two-car garage with a paved driveway. The exterior is finished in stone cladding and wood sliding. Gridded windows put the finishing touch to a great design. I can say that their house is simple yet it is cozy and inviting. "Gabb? Ikaw ba talaga 'yan?" Malapad akong napangiti sa babae na sumalubong sa amin matapos naming bumaba sa sasakyan. Ibinaba ko ang hand luggage para lumapit sa kanya. "Of course, Tita. I'm Gabb, one of your favourite persons." Nakangiti kong sagot ng makalapit ako sa kanya. "Ikaw nga! Na-miss kitang bata ka!" Mahigpit niya akong niyakap. Sa mga yakap niya ay na-miss ko bigla si Momy. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakakasama. "I missed you, too Tita Lena. How are you po?" Tanong ko matapos din siyang yakapin ng mahigpit. "I'm doing fi...ay naku! Napapa Ingles tuloy ako." Bahagya niyang pinalo ang braso ko na ikina-tawa ko. Hindi pa rin siya nagbabago. She's still funny! "Don't worry, Tita. I can still speak Tagalog po." "Ay 'yan ang dapat. Unahin ang sariling wika." Niyaya niya akong pumasok sa loob ng bahay nila. Kinuha ko muna ang hand luggage ko saka siya inakbayan kaya napansin niya na mas matangkad na ako sa kanya ngayon. "Mahal, dadalhin ko lang 'tong mga bagahe ni Gabb sa itaas." Sabi ni Tito bago umakyat ng hagdan papunta sa second floor. Nag pasalamat naman ako sa kanya dahil medyo mabigat din ang mga luggage ko. "Halika, Gabb sa hapag. Itinanong ko kay Clara ang mga paborito mo at 'yun ang mga inihanda ko para sayo." Magiliw pa rin na sabi ni Tita matapos kong hubarin ang black jacket at ilagay ito sa clothes stand. "How sweet of you, Tita. Thank you!" Muli ko siyang inakbayan habang papunta kami sa dining. .. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng magiging room ko matapos mag paalam nila Tita. Kumilos lang ako sa kama kung saan ako nakaupo nang maalala ko ang mga luggage ko. Sinimulan kong ayusin ang mga ito at inilagay sa white closet. Hindi pa ako natatapos sa ginagawa ng maramdaman kong pinagpapawisan na ako. Tumigil ako at nilakasan ang ac habang nagpupunas ng pawis. Naninibago ako sa climate dito sa Pinas. Ilang taon din kasi akong nag stay sa Japan with Papa Ouen. I admit that I miss my father. But I need time for myself. I need time to think kung sino ba sa kanila ni Momy ang susundin ko? Dont stress yourself too much, Gabb. Napailing ako saka humarap sa malaking salamin na nasa tabi ng closet. Sa pagtitig ko sa sarili ay naalala ko ang sinabi ni Tito at Tita sa akin kanina. You've changed a lot, Gabb. Ang dating itim na buhok na hanggang balikat ay pixy na ngayon. A pixy ash-blonde hair. Hindi na ako nagsusuot ng eye-glasses. Thanks to contact lenses. I have seven piercing on my ears. Three to my left ear and four to the right. I smirked when I glance at my clothes. I am wearing a black nirvana tee-shirt, combined with a ripped black jeans and a pair of boots. Ibang-iba sa batang babae noon na walang fashion sense. I still remember what Kaycee, my best friend always told me. That if I will not change, I will not grow. But I always waved that thought away. I had no desire to change because I'm scared. It's like I am a day afraid to turn to night. Like a flower refuses to change. Then one day, that thought grow slowly. If I am a day afraid to turn to night, I will miss the enchanting moon. If I am a flower refuses to change, I will never get to bloom. I realised that world is changing every single day that prove that I have nothing to be scared of. Ang nakikita ko sa harapan ng salamin ay malaki ang pagkakaiba sa batang babae noon na walang kumpyansa sa sarili. Isang mahina at pathetic na bata na palaging umiiyak sa'twing hindi nakukuha ang gusto niya. Napalitan ito ng isang babaeng naniniwala na kaya niyang gawin at kunin ang lahat ng gusto niya. I smile while staring at myself in the mirror. I once thought that I was a bush, but because I dare to change, I know now that I'm a flower. Narinig ko ang pag tunog ng notification ng cellphone ko kaya kaagad ko itong dinukot sa bulsa ng ripped jeans na suot. 'Welcome to the Philippines, Gaboby! See you soon.' I smile while reading the message. 'Thanks, Nanababe. See you tomorrow!' Kaagad din siyang nag reply at nag tanong kung bukas ko na kaagad aasikasuhin ang tungkol sa schooling ko. Nag prisinta pa siya na sasamahan niya ako tomorrow sa E.I.S. Such a sweet lady, eventhough it's not obvious because of her being conceited. Well, she's a heiress, that's why. Matapos mag response sa kanya ay naisip kong mag shower before going to sleep. Saka ko lang napansin na hindi ko pala suot ang black jacket ko. Naalala ko na iniwan ko nga pala ito kanina sa clothes stand sa ibaba. I decided na kunin muna ito sa ibaba before ako mag shower. Naka open pa ang lahat ng ilaw ng lumabas ako ng room. I assumed na nasa ibaba pa sila Tita. Hinanap kaagad ng mga mata ko sila Tita nang makababa ako ng hagdan pero mukhang tulog na yata sila. Iginala ko ang paningin sa paligid at saka lamang napagtuonan ng pansin ang picture frames na nakapatong sa brown shelf nila. Nilapitan ko ito at pinagmasdan. Sa unang picture frame ay makikita si Tito at Tita na magka-akbay. Sumunod ay silang tatlo kasama ang isang batang babae na marahil seven years old pa lang. Ang pangatlo ay dalawang teenager na babae na magka piggy back ride. Ang pang apat ay isang whole shot picture ng kaisa-isahang anak nila Tito. Nandu'n ako ng kinuhanan ang picture na 'to. She was fifteen then. Ang pang lima ay picture na naman niya in her graduation dress. Naka smile siya sa picture. 'Yung smile na kilalang-kilala ko pero matagal ko nang kinalimutan. Pinakiramdaman ko ang sarili at nang wala akong maramdaman ay napangiti ako. A smile of victory. Kaycee is wrong. The girl in a 5th picture frame is not my unfinished business. Matagal ko na siyang inalis sa sistema ko. Kumilos ako sa pagkakatayo at pansamantalang naupo sa sofa. Muli kong pinagmasdan ang paligid at in-appreciate kung gaano kaganda ang interior designs nito. Mukhang malayo na rin ang narating ng pamilya nila, and I'm so glad about it. Nahinto lang ako sa pagmamasid sa paligid ng may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Naalala ko kanina ang sinabi ni Tita na mala-late siya ng uwi. She's here. Are you ready, Gabb? Of course, I am always ready! I smirk at hinintay ang pag pasok niya sa pinto. "Good evening." Nagulat siya sa sinabi ko at deretsong napatingin sa direksyon ko. Nangunot ang noo niya at mukhang hindi niya ako na-recognize. I can say that she's still beautiful. No, she's more beautiful now. She has grown to a very fine lady. She have a long and wavy brown hair. She's tall and petite. Has a silky white skin. To sum it all up, I can compare her to a flower. A rose to be exact. Seems delicate and fragile yet... thorny. "Aren't you happy to see me?" Tumayo ako at nag lakad papunta sa direksyon niya. Napansin ko ang pagkabigla sa mga mata niya. So, she already recognize me, huh. "It's nice to see you again." I know she's not comfortable. Nararamdaman ko na un-easy siya sa presence ko. Tumigil ako ilang metro ang layo sa kanya at nag salita. "It's nice to see you too, Ella." Nakipagtitigan siya sa akin at natulala ako not because of her beauty but because of her eyes. Her eyes told a story. Sa pagtitig ko sa mga matang iyon ay ipinapaalala nito ang nakaraan. Silly talks, long walks, bicycle rides together and a happy-ending. Pero nakikita ko rin ang sariling repleksyon sa mga mata niya. In my eyes I told a tale of heartbreak, rejections, and lose. No! I am not sad anymore. I am numb. And I don't know what is worse? Being sad or being a numb. Well, it doesn't matter anyway. Muli akong nag lakad sa direksyon niya. Gusto kong may patunayan sa sarili. Gusto kong patunayan ang palagi kong sinasabi kay Kaycee. That I already moved on. "What are you doing?" Nanlaki ang mga mata niya nang nag lean forward ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang mga mata niya. She has an angel eyes, but a little bit of devil. I also smelled her perfume. Vanilla. I smirk ng mapansin ko ang pag pikit niya. Saka ako lumayo at kinuha ang black jacket ko sa clothes stand na nasa malapit. "Please, turn off the lights kapag tapos mo ng gamitin." Tinalikuran ko siya at muling napangiti. Sorry, Kaycee because I'll make sure na matatalo ka sa pustahan. Like what I've always said, I already moved on from Ella. She's just an angel in disguise. Pretends to be sweet and innocent... ...but devilish. A.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD