Chapter One - Arrival

1737 Words
Paano kung magtapat sayo ang bestfriend mo ng tunay na nararamdaman niya para sa iyo, ngunit sa hindi magandang pagkakataon, anong gagawin mo? Lalayo ka ba sa kanya, itutulak mo ba siya palayo sa iyo at puputulin ang ugnayan niyo? Paano kung late mo lang narealize na mahal mo din siya? Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong huli na ang lahat para sa inyo? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo o susuko ka na lang? _________ Jin's Pov             I am on my way back to the Philippines now, after ng 3 weeks na bakasyon sa Los Angeles kasama ng aking mga magulang. Una, ayoko naman talaga pumunta sa LA dahil wala naman talaga ako gagawin dun, mas lalo na't hindi ako yung tipo ng tao na mahilig lumabas ng bahay. Pangalawa, isinama lang ako ng parents ko doon upang ipakilala sa mga business partners nila doon. Kung pwede lang talaga, hindi ako sasama, kaso wala talaga akong magagawa dahil hindi ko kayang kontrahin ang mga desisyon ng parents ko. Kahit papaano ay hindi sila nagkukulang sa akin. Kahit na busy sila sa works nila ay they always make sure na may time sila para sa akin.             Ako nga pala si Jin Angelo Santiago 15 years old, magpofourth year high school sa darating na pasukan. Sabi nila gwapo daw ako, maputi at matangkad. Pwes wala naman ako pakialam sa appearance ko, as long as wag mo lang ako gagambalain o guguluhin ok tayo. Hindi ako ang tipo ng tao na magsisimula ng conversation. Hindi rin ako gaanong nakikipag-usap sa mga tao dahil iniiwasan kong makatagpo ng mga taong manggagamit at plastik. Ayon sa iba, natural na akong suplado at cold. I do not participate group projects, I always insist sa mga teachers ko na gagawin ko ang mga dapat gawin ng ako lang mag-isa dahil ang kalalabasan din lang naman ay ako rin ang gagawa kung may kagroup ako.             Nasa NAIA na kami ngayon at papasakay sa aming service, masyado akong napagod sa byahe namin kaya nakatulog ako sa sasakyan. I don't know how I long I've been asleep but after ko imulat ang aking mga mata, nasa byahe pa rin kami. It was 12:30 PM nung umalis kami sa airport, 30-45 minutes lang ang layo ng subdivision na kinatitirikan ng bahay namin mula sa airport, kaya nagtataka ako dahil 5 PM na ay nasa byahe pa rin kami.             "Mom? Dad? Where are we going?" taong ko sa mga parents ko ng medyo mahina ang tono.             "Ahh, your grandfather wants to see you darling, kaya pupunta tayo sa Pangasinan ngayon." sabi sa akin ni Dad.             "Ok" yun na lang ang nasabi ko, wala lang naman sa akin kung pupunta kami doon, miss ko rin naman kasi ang lolo kong makulit. Ang ayaw ko lang doon ay para akong isang alien kapag nagpupunta kami sa mga lugar lugar doon, lagi kasi akong pinagtititigan na para bang may mali sa akin, ayun ang pinaka-ayoko sa lahat eh, yung nakakakuha ako ng atensyon, mas gusto ko kasi yung isolated ako, yung walang nakakapansin dahil mas gusto ko ang tahimik na buhay.             Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay ng lolo ko sa Pangasinan, tiga Lingayen siya, malapit sa dagat ang malaki niyang bahay. Dalawa lang ang anak ni lolo, si Papa at yung nawawala kong tito. Balita namin ay may anak itong babae ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita kung nasaan sila, nagkaroon kasi ng trahedya dati, hindi nagustuhan ni lolo yung napangasawa ni tito kaya itinakwil niya ito. Ngayon ay nagsisisi na si lolo kaya hanggang ngayon ay hinahanap niya ito. Well, dahil ako pa lang ang nandito na apo niya, ang focus niya ay nasa akin, spoiled brat ako, mas lalo na sa lolo ko, lahat ng gusto ko ay agad niyang binibigay, marami rin kasi siyang hawak ng mga companies, he just chose to live here in the province dahil dito nakatira ang lola ko. At ang lola ko naman na isa pang napakakwela, kahit matanda na ang lakas lakas pa rin parang si lolo. Masayahin ang mga grandparents ko, mahal na mahal ko sila, hindi ako yung tipo ng tao na hate na hate ang mga grandparents nila dahil nahihirapan sila mamuhay kasama sila, if you know what traditional grandparents' traits are, ultimate istrikto. But me, ibahin nila ang grandparents ko, for me they're one of the best.             Pagbaba ko ng kotse ay agad kong tinungo ang loob ng bahay upang mameet ang lolo't lola ko.               "Lolo!!! Lola!!" sigaw ko sa bahay.             "Oh iho!! nandito na pala ang napakagwapo naming apo!!" bati sa akin ng lola ko habang ako ay sinasalubong. Niyakap ako nito ng mahigpit, ibang iba talaga ang pakiramdam kapag grandparents ko ang kayakap ko.             "Jaime!! tara na dito!! nandito ni si Jin!! hindi ba'y kanina ka pa naghihintay!!" sigaw ni lola.             "Oo nandyan na!!" sagot ni lolo na sa tingin ko ay nasa garden ngayon.             At dumating na nga siya.             "IHO!!" sigaw nito sa akin sabay yakap.             "Lolo!!" sigaw ko rin pabalik at niyakap din siya.             Well, what do you expect from me? I really miss them kaya naman ganyan ang tagpo, sabihin niya nang para akong bata pero ganyan talaga ako umasta sa harap nila, parang bata.             "Ang laki laki na ng apo ko ah, at ang gwapo gwapo pa!!" sabi ni lolo sa akin habang hawak hawak ang aking mga balikat.             "Syempre naman lolo, mana ako sa inyo eh!!" sagot ko naman.             "Papa!" pagtawag ng dad ko kay lolo.             "Oh buti at napadalaw kayo." sabi ni lolo kay dad.             "Yun nga po papa eh, may gusto kasi ako sabihin sa inyo." sabi ni dad kay lolo.             "Jin anak, can you go to your room muna, magpahinga ka muna." sabi sa akin ni Dad.             "Ok dad." sagot ko na lang. Humalik muna ako sa pisngi ng lolo at lola ko bago ako pumunta sa kwarto ko. Nasa third floor ang kwarto ko, tulad nga ng sabi ko, spoiled brat ako kaya lahat ng layaw ko ay meron ako, so kung pupuntahan mo ang room ko, dun mo makikita lahat ng mga pinabili ko sa lolo ko. Hindi naman ako ganoon na maluho, may sarili lang naman akong refrigerator sa room ko where I put my chocolate especially snickers. I have a windows desktop and a mac computer. I have my laptop at and macbook pro, iba kasi ang working environment nilang dalawa kaya naman nagpabili ako ng magkahiwalay ng units. Nandun din ang mga collection kong action figures na like zoids. Kumpleto ko rin ang 12 golden keys sa fairytail, ang guardian rings ng vongola, at mga action figures ng mga character ng mga ito.             I opened my desktop computer, ilang updates din kasi ng mga anime na pinapanuod ko ang hindi ko napanuod during our stay sa LA, ang dami kasi namin ginawa doon kahit bakasyon, wala halos araw na nasa bahay lang kami dahil ang dami naming tour na pinupuntahan.             Inuna ko ang Naruto updates, sunod yung Fairy Tail updates, then Sword Art Online. It took a lot of time bago ko natapos ang mga iyon hanggang hindi ko na napansin na madilim na pala sa labas. Nakarinig na lang ako ng pagtawag sa labas ng kwarto.             "Senyorito!! Pinapatawag na po kayo ng lolo mo! kakain na daw po!!" sabi ni yaya.             Ayos!! gutom na rin kasi ako and for sure, ang ulam namin ay ang paborito kong tinolang manok!! lagi kasi yung inihahanda nila kapag first night ko dito. Ganun nila ako kamahal. Pagbaba ko ay nandun na silang lahat sa hapag kainan, nagtatawanan si Mommy at si Lola na tila ba may magandang pinagkukwentuhan.             Pagkaupo ko ay nagsimula na kaming kumain.             "Oh iho, kamusta naman ang studies mo?" bungad na tanong sa akin ni Lolo.             "Ayos naman po ako, rank 1 pa rin!" pagmamalaki kong sabi sa kanila.             "Wow!! kaya hanga ako sa apo kong ito eh!!" sabi naman ni Lolo.             Nagpatuloy lang kami sa pagkain, ang dami nilang kinukwento sa akin about sa mga pangyayari sa kanila dito sa Pangasinan, nagtatanong tanong din sila sa mga nangyayari sa akin sa Manila. Actually, wala naman talaga ako maikukwento masyado, knowing na zero ang social life ko at taong bahay lang ako.             "Ah son, I think you should know this" pabungad naman ni Dad.             "Ano po yun dad?" tanong ko, parang hindi maganda to ah, nasesense ko lang.             "Ah eh, we need to work abroad na eh, then we can't bring you with us, kaya napag-isipan namin na dito ka na lang muna kila lolo mo titira." sabi ni Dad sa akin na tila ba nag-aalangan na sabihin ito sa akin.             "What?! as in dito talaga?! are you kidding me?" medyo sarkastiko kong reaksyon.             "What apo, ayaw mo ba dito sa amin?" medyo nagtatampong tanong ni lola sa akin.             Medyo napangiti ako, nagloloko lang kasi ako, syempre gustung gusto ko magstay kasama ng lolo at lola ko.             "HAHAHA Joke!! Syempre gustung gusto ko magstay dito!!" pambawi ko sa kanila. Kita sa mga labi ng lolo't lola ko ang saya dahil sa desisyon ko.             "Ok sige, ieenroll na kita bukas sa isang paaralan dito." sabi naman ni Lolo.             "Sa Saint Columban po ba?" tanong naman ni Mommy sa kanya.             "No, we decided na sa public school siya ienroll" sagot naman ni Lola.             "What?!!" sabay na reaksyon ni Mom and Dad.             "You hear me right! Mas maganda kung sa public school siya mag-aaral."             "Eh san naman po?" tanong ko na lang sa kanila, it doesn't matter to me kung saan ako mag-aaral, basta ba wag lang akong  makakaagaw ng atensyon sa school na pupuntahan ko.             "PNHS apo, doon kasi ako grumaduate noon, kaya dun kita gusto mag-aral." sabi sa akin ng lola ko.             "Ahh, ok po" sagot ko na lang.             First time ko itong mag-aaral sa isang public school, ano kaya ang mayroon doon? wala naman sanang mga taong parang fangirls ang dating, or stalker tulad ng mga napapanuod sa mga anime. Ayoko kasi yung may mga bumubuntot sa akin.             Then everthing was settled, next week na ang pasukan so si Lola na daw bahala sa pag-eenroll sa akin dahil isa siya sa mga nagdodonate sa school na yun tuwing may mga kailangang gawing building doon.             Umakyat na ako at nag-ayos ng sarili, naghilamos, nagtoothbrush at nagpalit ng pangtulog at humiga sa kama. Pagod talaga ako ngayon, now it's official, bye Manila, hello Pangasinan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa akin dito, first time kong makikipagsapalaran ng ganito, as a transfer student, ano kaya mga dadanasin ko. Wala lang sana ang magtry na mambully sa akin dahil mahahanap nila ang gusto nilang mahanap.             Pinikit ko na ang aking mga mata at maya maya ay ako'y nakatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD