Chapter Two - The Silent, The Rowdy, The Princess

1662 Words
Jin's POV                 Ginising ako ng maaga ng lola ko, she asked me kung gusto kong sumama sa school kung saan niya ako ieenroll, para na rin daw maitour niya ako sa school na papasukan ko. So ito nga, naligo ng maaga, pumorma, simple lang ang sinuot ko, dark blue na v-neck shirt na medyo fitted sa akin, maong shorts at sandals. I also brought my mp3 player para hindi ako mabore.                 Malapit lang yung school sa amin, actually, walking distance lang ito kung hindi ka tatamarin, pero sapat na ang isang sakay sa tricycle para maratint ito. Maaga kaming nakarating sa school, 9 am pa lang ata eh nakarating na kami. Kilala ang lola ko dito since isa nga sya sa mga mahilig magdonate dito. Agad naming tinungo ang guidance office, dun daw muna kasi dadaan yung mga gustong magtransfer dahil may mga briefing pang gagawin at oath taking, yeah oath taking, para kasing manunumpa pa ako na susundin ko ang mga rules and regulations ng school na papasukan ko.                 Natapos namin ang dapat gawin ngunit si lola ay nakipaghuntangan pa sa mga tao sa guidance office, wala na akong nagawa kundi maiwan sa labas ng office at pagmasdan ang ibang mga estudyante na naglalakad lakad sa school. Maya maya ang nakaramdam ako ng gutom, buti na lang ay halos tapat lang ng guidance office ang isang canteen, kaya naman tinungo ko na ito.                 Pagpasok ko ay medyo maraming mga nakatambay sa loob, puro estudyante, siguro mga nagpaenroll din dito. Ang napansin ko lang ay lahat sila halos ay tinitignan ako ng tingin, ano ba yan, ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh, yung nakakaagaw ako ng atensyon. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papunta sa counter. Parang serve yourself ang dating, kasi kukunin mo yung food na gusto mo tyaka mo babayaran.                 Ayun!! may Choco Knots!! nag-iisa na lang yun!! Agad agad akong lumapit dito at nung kukunin ko na, malapit na ang kamay ko nang may biglang humablot nito.                 "Oh ito yung favorite mo oh." sabi nung lalaki habang inaabot yung Choco Knots sa isang babae.                 Hindi niya ba nakita na kukunin ko na yun? Ang lapit na ng kamay ko, at halata namang ako ang nauna dun pero bakit bigla na lang niya hinablot. Tinignan ko yung lalaki, halos magkaysing tangkad lang kami. Tinignan din ako nito, ang pinagkaiba ay medyo masama ang tingin nito sa akin.                 "Bakit? May problema ka?" tanong nito sa akin na parang sisiga siga.                 Ginantihan ko na lang siya ng matalas na tingin, nainis talaga ako sa ginawa niya, ako ang nauna doon eh, inagaw niya pa. Napansin ko rin na pinagtitinginan na kami sa canteen, kaya wala na akong nagawa ang napabuntong hininga at pinabayaan na lang, inalis ko na lang yung tingin ko sa lalaki at umalis na, nawalan na ako ng gana kumain, ang bastos kasi.                 "Wala ka naman palang iuubra eh!!" sabi nung lalaki sa akin.                 Binigyan ko na lang siya ng isang malutong na dirty finger habang naglalakad ako palayo sa kanila, hindi ko na sila hinarap at bumalik na lang ako sa guidance kung nasaan ang lola ko. Nabadtrip na ako dahil sa ginawa ng asungot na yun, walang modo, walang breeding!! Sieghart's POV                 Enrollment ngayon araw, kaya naman maaga akong gumising, susunduin ko pa kasi si Alexa dahil sabay kaming magpapaenroll. Ako nga pala si Sieghart Rosario, kilala ako sa school dahil sa angkin kong kakisigan, matangkad, maputi, matalino at mahilig din ako sa sports. Mayroon akong kababata, pangalan niya ay Alexa, patay na ang tunay niyang mga magulang, pinalaki lang siya ng isang matandang dalagang guro sa aming school. Magkapit bahay lang kami, lagi kaming sabay pumapasok at umuuwi, lagi nga kaming napagkakamalang magjowa eh, pero hindi, hanggang friends lang daw kami pero sa totoo lang, type ko talaga siya.                 Tumungo na ako sa bahay nila para sunduin siya, simpleng white shirt at maong pants lang ang suot ko, nakatsinelas lang din ako kasi hindi naman uso ang pumorma sa school namin. Paglabas ko ng gate ay nakita ko siya sa tapat ng gate nila, nakasimpleng dress lang sya at simpleng footware. Ang ganda niya talaga kahit ano ang isuot niya,  lahat na lang ata ay bagay sa kanya.                 Lumapit na ako sa kanya upang yayain na siyang umalis.                 "Oy Alexa!! Ano ready ka na ba?" tanong ko sa kanya.                 "Oo, tara!!" pagyaya niya sa akin sabay kapit sa braso ko.                 Ganyan talaga kami, lagi siyang kumakapit sa akin, feeling daw niya kasi ay safe siya sa mga bisig ko. Wala pa namang maangas na naghamon sa akin sa school ng away, halos lahat ay takot, sabihin na lang din kasi natin na medyo nasa dugo ko na ang pagiging basagulero kaya wala pang nangahas na hamunin ako.                 Maya maya pa ay narating na namin ang school, walking distance lang ito sa amin, tipid na tipid sa pamasahe. Tumungo kami agad sa North Gabaldon Building kung saan nagaganap ang enrollment ng mga Senior students, ibinigay lang namin ang card namin at yun, tapos na agad ang enrollment, ganun lang talaga kapag regular student ka, yung section mo babatay sa average mo. Pero yung kay Alexa iba, kasi sa special section siya kabilang. Hindi kami magkaklase, kasi mas mataas ang section na kinabibilangan niya, ako naman, ito lang, nasa first section ng regular class.                 After naming ibigay ang card namin ay napagdesisyunan naming pumunta sa canteen para bumili ng makakain, hindi kasi kami kumain ng agahan.                 "Uy, gutom na ako, tara punta tayong canteen, sana may choco knots sila." pagyaya sa akin ni Alexa, favorite na favorite niya talaga yung choco knots, buti hindi siya tumataba dahil chocolate yun.                 "Sige tara" pagsang-ayon ko.                 Dali dali kaming tumungo sa canteen, pagpasok namin ay napansin namin na parang may kakaiba, halos lahat ng mga estudyante ay nakakatitig sa isang lalaki, mukhang bago lang ito sa school namin dahil kakaiba yung pananamit niya, halos lahat kasi dito nakatsinelas lang, nakapants, siya kasi ay nakashorts at sandals, mukhang mayaman talaga. Dali dali kaming lumapit sa counter, at ayun sakto, may isa pang choco knots. Agad kong hinablot ito, wala na akong pakialam kung kukunin ito nung kakaibang lalaki, dapat matutunan niya na pabilisan ang labanan dito sa school na ito. Kaya naman pagkakuha na pagkakuha ko nito ay iniabot ko agad kay Alexa.                 "Oh ito yung favorite mo oh." sabi ko sa kanya, napangiti siya, ngunit parang nahihiya siya sa ginawa ko, nakatingin siya sa lalaking inagawan ko ng choco knots.                 Ang talas ng tingin nito sa akin ah, ang angas.                 "Bakit? May problema ka?" maangas kong tanong sa kanya. Kailangan ko siyang sindakin para malaman niya na ako ang siga dito sa school na ito.                 Medyo matagal din kami nagkatitigan hanggang binawi na lang nito ang tingin nito, tignan mo, susuko din pala ang gunggong, kung aangal pa siya ay baka maupakan ko pa siya. Naglakad na ito papalayo, tila ba nawalan na ng gana.                 "Wala ka naman palang iuubra eh!!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon, bagkus ay nagdirty finger ito sa akin habang nakatalikod siya.                 Aba't ang yabang ng siraulong ito ah, sisigurin ko na sana siya ng pigilan ako ni Alexa.                 "Uy ano ka ba?! wag mo na ngang patulan, tayo na nga yung nagkamali eh." sabi niya sa akin, halatang nahihiya siya sa ginawa ko. s**t!! bawas pogi points ito!!                 "Sorry, yung paborito mo kasing choco knots ang pinag-uusapan eh." paghingi ko na lang ng tawad.                 "Ano ka ba, hindi lang naman ito ang choco knots dito no, may iba pang canteen diyan." sabi nito sa akin.                 "Ok!! tapos na eh!!" reklamo ko na lang.                 Kumuha na lang ako ng hopia dahil ayun ang gusto kong kainin. Binayaran na namin ito at naghanap ng mauupuan. Ito ang gusto ko, kapag sabay kaming kumakain, para kaming nagdidate.                 Maya maya din pagkatapos naming ubusin yung kinain namin ay umalis na kami. Alexa's POV                 Para akong nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa nung nakita ko yung lalaki sa canteen na inagawan ni Sieg ng pagkain, ang kanyang mga mata, nakakaakit, gwapo siya, chinito, matipuno at higit sa lahat matangkad, parang si Sieg lang. Hindi ko alam kung nahumaling ako sa kanya, sa tingin ko ay tahimik siya at matalino, hindi tulad ni Sieg na maingay at maangas, pero kahit ganun ay may ibubuga din.                 Ako nga pala si Alexa Mercado, ulila sa ama at ina after nilang mamatay sa isang car accident noong 7 years old pa lang ako. Inampon lang ako ng isang guro sa aming school, matandang dalaga siya ngunit sobrang bait. Parang siya na nga halos ang nanay nanayan ng mga estudyante sa school namin eh, hindi kasi siya madamot. Mercado ang ginagamit kong apelyido, sabi kasi sa akin ng aking ama, para daw sa kaligtasan ko kaya ang apelyido ng mama ko ang pinagamit nila. Ewan ko ba, ko ba kung anong meron. Nasa special section ako, ako din ang class valedictorian, talagang pinagbubutihan ko ang pag-aaral para makapagtapos at makabawi kay Ma'am Rodriguez ang tinatawag ko na ngayong mama.                 Ako, kung tatanungin mo, isa ako sa ginagalang sa school namin, sabi nila tulad daw ako ni Ma'am Rodriguez, masyadong mabait, kaya nga wala pang nagtangkang saktan ako dahil takot lang nila na marami silang makaka-away. Tinuringan nga akong The Princess ng batch namin eh, tapos nandyan pa si Sieg na sinasabi nilang Knight in Shining Armor ko. Napaka-protective niya kasi pagdating sa akin pero kahit ganun, nililimitahan ko lang ang relasyon namin, para sa akin ay hanggang friends lang kami.                 Pagkagaling namin sa school ay dumiretso na ako agad sa  bahay, kailangan ko na kasi mag-ayos ng mga gamit ko, malapit na kasi ang pasukan, at eto ako, sobrang excited, senior year na kasi namin, at malapit na kami grumaduate. At isa pa, kung nandun yung lalaking mukhang anghel, for sure, mag-eenroll siya sa school. SANA LANG!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD