Chapter Three : The Silent's Knight

2242 Words
Jin's Point-of-View                 Sabado ngayon at sa Lunes ay simula na ng pasukan, naiisip ko pa rin yung lalaki na nang-agaw ng pagkain sa akin sa canteen noong nagpaenroll ako, hindi ko siya matantya, hanggang ngayon ay naiinis ako sa ginawa niya sa akin. Ang ingat at ang yabang niya pa, sana lang ay hindi ko na siya makita pa sa Lunes para hindi masira ang araw ko.                 Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa ng libro, bumili kasi kami ni Lolo ng mga gamit ko sa National Bookstore kahapon at dahil may nakita akong isang set ng libro ay pinabili ko sa kanya ito. Binabasa ko ngayon ang The Lightning Thief ng Percy Jackson and the Olympians series. Nakakamangha lang kasi nasa modern times na pero may mga nag eexist pang mga demigods based sa story, at dito ay pinagbabawal na magkaanak sa isang mortal ang big three na sina Zeus, Poseidon at Hades, pero si Poseidon ay nagkaroon ng anak sa isang mortal at ayun ay si Percy.                 "Senyorito, pinapatawag po kayo ng Lola mo sa baba." pagtawag sa akin ng katulog habang kumakatok sa pintuan.                 "Sige manang, pakisabi na lang susunod na ako." sagot ko at agad agad ko namang nilagyan ng bookmark yung libro at nilapag ito sa study table ko.                 Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa garden, alam ko kasing nandoon si Lola tuwing ganitong oras dahil dun niya gustung gustong magpahinga. Pagkalabas ko ng pintuan ay may nakita akong isang taong matagal ko nang hindi nakikita, isang taong napakalapit sa akin.                 "KUYA!!!!!!!!!" pagtawag ko sa pangalan niya at tumakbo ako papalapit sa kanya.                 Humarap naman ito sa akin at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Mahal na mahal ko itong kuya kong ito, simula kasi ng pumasok siya sa kolehiyo ay hindi na kami nakapagkita dahil dito siya sa probinsya nag-aral.                 Siya nga pala si Jay Angelo Santiago, 2 taong ang agwat namin at sa darating na pasukan ay mag-si-2nd year college na siya sa kursong Engineering. Hindi ko nga alam sa kanya kung bakit dito niya napili na mag-aral sa probinsya eh, pero since ayaw ko naman kontrahin ang mga kagustuhan niya ay pinagbigyan ko siya, mahal na mahal namin ang isa't-isa ng kuya ko, at napakaprotective niya pagdating sa akin, kaya tuloy para akong babae. May nangyari na kasi sa akin dati, at simula noon ay naging ganun na siya. Gwapo din si kuya, sa totoo lang eh hearthrob yan sa school namin sa Maynila, matangkad kasi siya, mas matangkad sa akin, chinito at maputi na katulad ko, mas manipis ang labi ko pero yung sa kanya, mas kissable daw. Kung ako ay cold, siya naman ay cool, kasi halos lahat ng tao ay kasundo niya, pero kapag ako na ang pinag-uusapan, nagiging kaaway niya ang mga taong gustong manakit sa akin. May phobia din siya sa mga bading, muntik na kasi siyang mapagsamantalahan ng mga bading noong umuwi siya ng gabi, may nag-alok daw sa kanya ng indecent proposal pero tinanggihan niya ito, pero nagpumilit ang bading at hinila pa ito, sa sobrang inis at takot ni kuya ay nasapak niya ito at tyaka siya tumakbo.                 "Oh! Mukhang miss na miss ako ni bunsoy ah!" sabi nito habang ginugulo ang buhok ko.                 "Kuya naman!! tawagin mo naman ako sa pangalan ko! hindi na ako bata!" reklamo ko sa kanya, totoo naman kasi, matanda na ako para tawagin pa akong ganun.                 "Naglalambing lang naman ako!! ang tagal kasi nating hindi nagkita." sabi nito sa akin.                 "San ka ba kasi galing, noong isang linggo pa kami nandito ah!" sabi ko dito.                 "Nagpunta kasi kami sa Baguio ng mga kabarkada ko bago kami magpaenroll, kaya yun, ngayon lang ako nakauwi." sabi nito sa akin.                 "Kung galing ka ng Baguio, nasan na pasalubong ko?" parang bata kong tanong kay kuya na nakajacket pa, halatang halata nga na galing sa Baguio.                 "Ayun ba? nandun sa bag ko syempre, tapos may dala din akong strawberries!! pagawa tayo ng strawberry salad kay manang!" sabi nito sa akin na nakangiti at hinawakan ako sa kamay at dinala ako sa kusina.                 Ganun talaga kuya ko, lagi akong hinahawakan sa kamay na parang bata, pero wala lang sa akin yun, dahil kuya ko nga siya at alam kong ganun na ang nakasanayan niya.                 Nandun na pala yung strawberries, hinuhugasan na ni manang, siguro ay naibilin na ni kuya na gawing strawberry salad yun. Diretso lang ang tingin ko ng may naramdaman ako sa labi. Pagtingin dito ay isang strawberry na hawak ni kuya, isinusubo niya ito sa akin.                 "Oh kainin mo." sabi nito sa akin habang nakangiti.                 At isinubo ko nga yung strawberry, ang tamis!! tamang tama lang yung lasa niya.                 "Ang tamis! tamang tama ang lasa!" sabi ko sa kanya.                 "Ako pumitas niyan." pagmamayabang na sa akin.                 "Hindi nga? Pero paano ka namitas?" tanong ko sa kanya.                 "Dun kasi sa La Trinidad, pwedeng ikaw ang mamitas ng strawberries." sabi nito sa akin.                   Naiinggit ako!! gusto ko rin masubukan na gawin yun.                 "Kuya! gusto ko ring mamitas ng strawberry!!" sabi ko sa kanya.                 "Huh? Eh paano naman? pupunta tayo ng Baguio?" tanong nito sa akin na para bang nabigla sa sinabi ko.                 Tumango na lang ako na nakangiti, ngunit siya naman ay napakamot na lang ng ulo.                 "Eh, kasi, di ba pasukan niya na sa Monday? Next time na lang, ok?" sabi naman nito sa akin.                 Medyo nalungkot naman ako sa ideyang iyon, tama nga naman siya, pasukan ko na sa Monday, tyaka paniguradong pagod siya sa byahe kaya kung yayayain ko siya papuntang Baguio ay paniguradong mapapagod siya nang husto. Bumuntong hininga na lang ako at sumagot ng "ok".                 "Hala, nagtatampo na ang bunsoy ko!" malambing na sabi sa akin ni Kuya sabay akbay sa akin.                 Ewan ko ba, sa harap ng kuya ko para akong bata, kilos, pati na rin ata pananalita ay para akong nagiging bata, dahil siguro feeling ko siya ang protector ko, na safe ako sa kanya, at ako ang kanyang isip batang kapatid na kailangan niyang protektahan. Sa iba naman hindi ko nailalabas ang ganito kong pag-uugali, actually, cold ako sa ibang tao at kulang ako sa konsiderasyon, kaya siguro wala akong nagiging kaibigan sa school dahil sa pag-uugali kong ito. Hindi rin ako madaldal, pero kapag si kuya ang kaharap ko, lumalabas ang pagiging hyper ko.                 "Huwag ka nang magtampo!! Pagod lang talaga ako kaya hindi pwede ngayon." paglalambing nito sa akin habang tinutusok tusok ang batok ko, nandun kasi yung kiliti ko kaya dun niya ako pinupuntirya. Maya maya pa ay sinagad niya ang pangingiliti kaya naman ay napaigtad ako at muntik nang malaglag sa upuan.                 "Kuya naman eh!!" reklamo ko dito.                 "Sorry na kasi, next time na lang tayo punta sa Baguio huh?" paghingi niya ng sorry sa akin.                 "Ok!! basta ipasyal  mo ako bukas!! para makabonding naman tayo." masiglang sabi ko sa kanya.                 "Sige sige, good idea, punta tayo bukas sa Dagupan, nuod na rin tayo ng movie." sabi nito sa akin sabay akbay.                 Madami pa kaming napagkwentuhan ng kuya ko, yung mga nangyari sa kanya sa school na pinapasukan niya, sa mga ginawa nila sa Baguio basta yun na yun. Tapos nilantakan na rin namin yung strawberry salad na pinagawa kay manang, hinaluan na rin kasi ng crush iced para lumamig agad, kaya yung, parang halo halo ang dating pero masarap naman. Kinabukasan                 Siyempre maaga akong gumising dahil papasyal kami ng kuya ko ngayon. Sabi niya ay magkocommute lang daw kami para daw maranasan ko naman daw ang sumakay sa mga pampublikong sasakyan na hinding hindi ko pa naranasan dahil nga hatid sundo ako noong nasa Maynila pa ako. Yung unang beses ko palang ata eh nung sumakay kami sa tricyle ng Lola ko noong pinaenroll niya ako.                 "Oh ready ka na ba? Wala ka na bang naiwan?" tanong sa akin ni Kuya.                 "Wala na kuya! tara na!! excited na ako!!!" sabi ok dito at niyaya na siyang lumabas.                 Muli ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. Grabe talaga to, para naman akong mawawala sa paghawak niya sa kamay ko.                 "Kuya." pagtawag ko sa atensyon niya.                 "Oh?" sagot naman nito habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.                 "Yung kamay ko, baka akalain nila magboyfriend tayo." sabi ko sa kanya sabay tawa ng mahina.                 "Huh?" gulat naman niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko. Napatawa na lang kaming dalawa at napakamot naman siya ng ulo.                 Agad naman kami nakasakay ng tricycle para pumunta sa bayan, dun kasi yung sakayan ng mini bus papunta Dagupan, at namili pa talaga kami ng sasakyan na bus dahil nga kapag nagkamali kami ng mapili ay aabutin pa kami ng siyam siyam dahil may mga bus na sobrang tagal daw mag stop over.                 Inabot lang ng 45 minutes ang byahe namin at nandito kami ngayon si CSI Mall Dagupan. Malaking grocery store ang bungad nito na tinatawag nilang CSI Warehouse. Tapos sa likod nito yung mall kung saan kami bumili ng mga gamit ko. Nung pumunta kasi kami dito ay wala na akong time para mamasyal dahil nga si Lolo ang kasama ko at hindi na siya pwedeng maglakad lakad.                 "Kuya kain muna tayo!! nagugutom na ako eh, dun tayo sa Mcdo!" pagyaya ko sa kanya.                 "Sige, ako rin gutom na eh." nakangiting sagot naman ni Kuya sa akin at inakbayan ako.                 Naglakad na kami papunta sa Mcdo, at dahil Linggo ngayon ay ang daming tao, wala na kaming mauupuan.                 "Itake out na lang natin bunso, tapos sa food court natin kainin." sabi sa akin ni kuya habang nakatitig sa mahabang pila sa harapan namin.                 "Sige kuya." sagot ko na lang tapos tumingin na sa menu.                 "Anong gusto mo?" tanong nito sa akin.                 "Chicken Fillet with Rice, Large Fries, Monster Size Coke Float at Double Fudge Sundae." sabi ko sa kanya.                 "Ok, hintayin mo na lang ako sa food court ah, hanap ka na ng upuan natin." payo sa akin nito.                 Tumango na lang ako at pumunta na sa food court, konti lang ang tao sa food court kaya maraming bakanteng upuan, pinili ko yung nasa bandang gitna, kasi kung sa may bandang gilid ay maingay dahil malapit ito sa Worlds of Fun.                 Habang naghihintay ay nakita ko si yabang at may kasamang babae, yun yung babaeng kasama niya sa canteen, hayss!! agad ako nag-iba ng pwesto para hindi nila ako makita, nakakainis kasi, ang ganda na sana ng araw ko eh, nakita ko pa tong bugok na ito.                 Sandali pa ay dumating na si Kuya dala yung mga order namin. Ayan! buti naman at, ikakain ko na lang yung inis ko kay yabang na bisugo. Naenjoy ko naman yung pagkain ko kasi si kuya kwento ng kwento at patawa nang patawa kaya naman nalimutan ko na nasa mall ding ito yung taong sumira ng araw ko.                 After kumain ay dumiretso na kami sa cinema para manuod ng movie pero walang magandang movie, kaya naman napagdesisyunan na lang namin na pumunta sa Worlds of Fun para maglaro doon. Bumili ng maraming token si Kuya para daw masubukan namin lahat ng mga games doon. Nakakaenjoy talaga kapag si Kuya ang kasama ko, kasi para talaga akong bata na inaalagaan niya, spoiled ako pagdating sa kanya.                 Last naming sinubukas yung basketball, yung magshushoot ka ng bola, basta dapat ay mapaabot mo sa kota yung puntos mo para makapunta sa next round. Nagshare kami ni kuya sa isang slot kasi punuan yung basketball, ang saya saya mag-shoot ng bola, ngunit yung isang bato ko ay napalakas at tumalbog papabalik, ang masama pa ay may natamaan ako.                 "Aray!!" sigaw nung tinamaan kong lalaki. Hinarap ko ito at laki ng lang ang gulat ko nang makita ko yung taong tinamaan ko. YUNG MAINGAY NA BISUGO!!                 "Ikaw?! Talaga namang ginagalit mo ako ano?" galit nitong sabi sa akin.                 Nginisian ko lang siya, at tinignan na para bang naghahamon, akala niya ba uurungan ko siya? Marunong ata akong magself defense. Mukha namang lalong nainis siya sa akin dahil sa pagtitig ko sa kanya.                 "Aba't naghahamon ka talaga ah." galit na sabi niya.                 Noong hahablutin  na niya ang kwelyo ko ay biglang hinawakan ni Kuya ang kamay ni bisugo para mapigilan ito. Pagtingin ko kay kuya ay nakatingin siya ng sama kay bisugo, that death glare, grabe talaga ang kuya ko, titigan ka pa lang ng ganun ay matatakot ka na talaga, para bang handa siyang pumatay para lang maprotektahan ako.                 "Don't you dare touch my brother or else, I'll make sure that you're dead!" coldy na sabi ni Kuya na parang nagbabanta kay bisugo. And that voice kapag galit siya, siguro nangangatog na si bisugo dahil kay kuya, hamak kasing mas matangkad si kuya kaysa kay bisugo.                 "Tama na nga yan!!" biglang sabi nung babae na kasama niya at hinila na ito paalis, ang sama ng tingin sa amin ni bisugo, 'may araw din kayo sa akin' ayun ang nababasa ko sa kanyang mga mata.                 "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya.                 "Oo, ayos lang ako." sagot ko nalang sabay ngiti para hindi na siya mag-alala.                 Pagkatapos ng tagpong iyon ay naisipan na lang namin na bumili ng mga bagong damit. Umuwi rin kami agad at nagpahinga sa kanya kanyang mga kwarto, may pasok na kasi ako bukas kaya kailangan ko na rin maghanda.                 Ano kaya mangyayari bukas? malamang ay makikita ko ulit si bisugo, at kapag nangyari yun at naghamon siya ng away, hinding hindi ko siya uurungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD