Chapter Four : School Day Begins

2595 Words
Alexa's Point-of-View                 Hindi ko talaga malimutan ang maamong mukha nung lalaki na nakaaway ni Sieg sa mall, grabe lang talaga, he really looks cute and handsome, tapos napaka-mysterious type pa niya. Ewan ko nga dun kay Sieghart eh kung bakit ayaw na ayaw niya dun sa lalaking yun.                 Up until now eh hindi ko pa rin alam yung name niya, sana makita ko siya sa school sa first day of class, at sana maging classmate ko siya na one of the very impossible thing to happen since nasa special section ako, and malamang, kung transferee siya, sa regular section siya mapupunta. Ayoko naman magpalipat sa regular no, pero sana, sana naman, kung saan man siya mapuntang section eh, masilayan ko pa rin ang maaamo niyang mukha.                 Excited na ako talaga para bukas, simula na ng klase, at for sure, maraming kwento na naman ang ishishare sa mga barkada, kaya ito ako ngayon, maagang matutulog, dahil for sure, kung doon nga talaga mag aaral si Mr. Silent Cutie, makikita ko siya. Kinabukasan                 Hindi naman ako binigo ng alarm clock ko dahil nagising ako ng maaga dahil dito, agad agad akong bumangon para maghilamos at dumiretso sa kusina para kumain ng agahan, naliligo kasi ako after I eat my breakfast kaya naman hilamos lang muna. Nandun na si mama at hinahain na yung niluto niyang hotdog at sinangag, YES MY FAVORITE!!                 "Good Morning anak!" pagbati sa akin ni Mama.                 "Good Morning din Mama!!" pagbati ko sa kanya.                 "Mukhang excited na excited ka ah? Anong bang meron?" tanong sa akin ni Mama.                 "Syempre, first day of school eh, kaya ito!!" nakangiti ko namang sagot sa kanya, pero sa katunayan talaga eh excited lang ako makita yung Mr. Silent Cutie.                 "Oh siya sige at kumain ka na nang makaligo ka na rin, alam mo namang kailangan nandun  na ako ng maaga dahil marami pa akong haharapin na trabaho." paalala sa akin ni mama.                 "Ok po" sagot ko na lang.                 Ayun nga at nirush ko na ang pagkain, naligo at siyempre, nagpaganda, pero hindi ako yung tipo na super make up ah, polbo lang ayus na. HIndi ako gaano mahilig sa accessories kasi sabi ni Mama, ang tunay na ganda daw ay hindi nakukuha sa mga palamuti.                 After kong mag-ayos syempre, ayan na! GORABELLS NA!! Alam ko naman na hinihintay na ako ni mama kaya naman nagrush na ako sa pagbaba. After namin na masigurado na nakaayos na ang lahat sa bahay ay nilock na ni mama ang pinto at sumakay na kami sa service namin na tricycle at pumunta na sa school.                 Hello PNHS!! sabi ko sa sarili ko nung nasa gate na kami, hindi na kami nagsabay ni mama dahil sa lower years siya nagtuturo, ako naman ay dumiretso na building namin which is sa DOST Building kung saan nagruroom ang Special A students. May dalawang classroom sa DOST Bldg, hindi ko lang alam kung anong section yung nasa tabi namin pero wala na rin ako paki hangga't peacefull ang pagsasama  namin sa isang building.                 "Alexa!!" pagtawag sa aking pangalan ng isang boses na kilalang kilala ko.                 "Sieghart!!" pagtawag ko pabalik sa kanya. Hayz, nakita ko na naman tong mokong na ito, pinagalitan ko to kahapon after nung away nila ni Mr. Silent Cutie eh, kasi naman, natamaan lang ng bola eh grabe na makareact.                 "Oh ano, musta na? Hindi na ba mainit ulo mo?" tanong ko dito.                 "Hindi na, tara, ihahatid na kita sa room niyo." sabi nito sa akin sabay kuha ng bag ko. Ito talagang kababata kong ito, napakasweet, kaya kami napagkakamalan na magjowa eh. Gwapo naman itong si Sieg eh, actually habulin siya ng mga babae at binabae dito sa school namin. Magaling din ito sa sports kaya naman kapag naglalaro sila ng basketball eh, ang dami ring nanunuod. Matalino rin siya, kaso hindi siya kabilang sa Special Section, pero nasa first section siya ng regular class. Kung ako ng rank 1 sa special, sya naman ang rank 1 sa regular, kahit na hindi halata sa itsura niya.                 "Sige tara, ang swerte ko talaga, may tigabuhat ako!" medyo pang inis na sabi ko sa kanya.                 "Hayzz, pasalamat ka nga eh binubuhat ko pa ito eh." sagot naman nito sa akin.                 "Eh sinabi ko ba kasing buhatin mo?" tanong ko sa kanya.                 "Eh kung itapon ko kaya to sa lagoon?" pang-aasar na banta naman niya sa akin.                 "Subukan mo lang, kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan!!" pagbabanta ko rin sa kanya.                 "Ok ok!! suko na ako!!" pagsuko niya sa akin. Ito talagang kababata, ang sarap asarin, kapag ako kasi nang-aasar sa kanya eh ako lagi ang panalo.                 Dirediretso lang ako sa paglalakad nang may biglang sumigaw sa harapan ko.                 "BESTFRIEND!!!" sigaw ni Jomar, yung bestfriend kong beki.                 "Kyaaaah!! Hi Papa Sieghart!!" pagbati niya kay Sieg, si Sieg naman ay hindi ito pinansin, alam ko kasi na ilang siya sa mga kagaya nitong bestfriend ko pero, dahil bestfriend ko nga si Jomar eh wala na siyang magawa kungdi pakisamahan ito.                 "Kumusta na bestfriend!! Hala may ichichika ako sayo!!" sabik na sabik na pangungumusta sa akin ni Jomar.                 "Ok naman ako, ano ba ang ichichika mo?" tanong ko dito.                 Hindi pa man nakakasagot si Jomar eh nagsalita na si Sieghart.                 "Ah Alexa, mauuna na ako ah, punta na ako sa room ko." pagpapaalam sa akin ni Sieg sabay abot ng bag ko.                 "Sige, ingat ka!" sabi ko sa kanya.                 "Ikaw din!" sagot naman niya at tumakbo na siya papunta sa North Gabaldon Bldg kung nasaan ang room niya.                 "Oh Beks! Ano ba ichichika mo?" pagtatanong ko sa bestfriend kong naglalaway habang tinitignan ang papaalis na si Sieg.                 "Ah oo nga, ito yung chika ko!! Mayroon daw transferee dito na super gwapo!! at cute!! kaso mukhang suplado at cold!!" sabi nito sa akin. Ayun na yun!! siya siguro si Mr. Silent Cutie.                 "Oh tapos?" tanong ko ulit sa kanya, gusto ko kasi maverify.                 "So ayun nga, syempre ako naman si super curious!! pinuntahan ang room niya!! nasa SOF1 siya!!" sabi na naman ni Jomar sa akin para bang kilig na kilig. "Tapos nung nakita ko na siya! SHIIITT!! totoo nga!! ang gwapo niya!! chinito siya at ang mga mata!! nakakaakit!!" sunod pa niyang sabi. (A/N: SOF1 yung name ng first section sa regular class)                 OMG!! Matalino rin pala siya!! Ano kaya pangalan niya? Matanong nga itong si Jomar kung alam niya.                 "Nalaman mo ba yung pangalan nung transferee?" tanong ko sa kanya.                 "Syempre naman!! Tinignan ko doon sa name list sa door nila, and since kilala ko ang mga nandun, nakuha ko agad kung sino siya since sya yung bago ang pangalan sa list!!" pagyayabang na sabi nito.                 "Eh ano ngang pangalan niya?" tanong ko ulit, may paligoy ligoy pa kasi itong si Besty eh.                 "Jin Angelo Santiago ang name niya te!!" sagot niya sa akin na para bang nagpapantasya.                 Jin Angelo, bagay sa kanya ang pangalan niya, mas lalo na yung Angelo, para kasi siyang anghel na bumaba sa lupa. Haisst!!! GRABE!! KINIKILIG AKO!! ALAM KO NA NAME NIYA!!                 Pinagpatuloy pa namin yung pagkukwentuhan hanggang sa nabanggit ko na kay Jomar na nakita ko na ito nung nagpaenrol kami ni Sieghart at nung nagpunta kami sa mall. At dun ko rin napagtanto na.. Magkasama sa iisang section si Sieg at si Jin, where in, si Sieg ay kumukulo ang dugo kay Jin. OMG!!                 "TARA BEST SAMAHAN MO AKO!!" sabi ko kay Besty Jomar at hinila ito palabas ng room.                 "Saan naman best?!!" sagot naman nito na parang nagulat sa naging aksyon ko.                 "Sa room nila Sieg!! Mukhang may hindi magandang mangyayari!!!" sagot ko nalang sa kanya.                 Knowing Sieg eh hindi niya kayang pigilan ang galit niya kapag wala ako. Haist!! sana naman ay hindi siya gumawa ng gulo dahil!! Hayz!! kapag nagkataon eh unang araw pa lang ng pasukan eh gagawa na siya ng record!!                 Dali dali kaming pumunta sa room nila Sieg at nung matanaw ko siya ay nandun siya sa labas ng room nila kausap si Aki, yung kabarkada niya.                 "Sieg!!" pagtawag ko sa pangalan niya.                 Napatingin naman ito agad sa akin at nginitian agad ako nito. Ang pinagtataka ko eh parang kalmado lang naman ito. Teka nga, mausisa nga kung anong meron.                 "Oh bakit ka naparito? miss mo na ako no?" tanong nito sa akin. Ito talagang kolokoy na ito.                 "Sira!! Balita ko may transferee kayong kaklase? Nandito ba siya?" diretsahang tanong ko sa kanya.                 "Grabe naman to! yung transferee talaga yung hinanap!! Wala siya dito, lumabas daw sabi ng mga kaklase ko!" pagsagot naman ni Sieg sa akin. Kaya naman pala hindi pa nakabusangot to eh, hindi pa nakita si Jin.                 "Grabe to!! tampo agad! syempre gusto ko makilala yung bagong salta dito, na for sure eh hindi na naman makakalusot sa pambubully nyong magbabarkada!!" sabi ko na lang, totoo naman kasi eh, kapag may bagong estudyante dito eh pinagtitripan nilang magbabarkada.                 "Oi hindi na ah, good boy na kami, tyaka 4th year na kaya tayo, hindi na namin gagawin yun, kailangang magpakabait kasi graduating na tayo eh." nakangiti naman sagot ni Sieg sa akin.                 Kung alam mo lang!! panigurado kapag nakita mo kung sino yung transferee!! MY GOSH!! Hindi ko kayang i-imagine ang maaaring maging tagpo kapag nagkita sila. At dahil ganun na lang ang pag-aalala ko na magkagulo ay niyaya ko si Sieg na pumunta sa COOP para kumain, ayun yung canteen sa gilid ng DOST building.                 Ay sana lang! Hindi sila magbanggaan!! Jin's Point-of-View                   Ok, first day of class, means, adjustment para sa akin. For sure marami na namang tao niyan, na isa sa pinaka-ayaw ko dahil sa ingat na kaya nilang iproduce. I rode a tricycle na nirentahan nila lola para maging service ko tuwing papasok at uuwi ako from school.                 Inagahan ko ang pagpasok para makaiwas ako sa madaming tao at hindi ako makipagsiksikan sa pagpasok sa gate ng school. Hindi naman ako nabigo dahil kakaunti pa lang ang tao sa school pagdating ko. Agad akong dumiretso sa North Gabaldon Bldg. kung nasaan ang mga classrooms ng mga senior students. Malawak tong school, hindi tulad ng private school na pinasukan ko sa Manila. Yung mga rooms din, mga luma na rin, balita ko kasi eh malapit nang mag 100 years tong school na ito.                   Pagdating ko sa building ay hinanap ko agad yung name ko sa mga nakapaskil na list sa harap ng mga rooms, habang naghahanap ng pangalan ko ay napapansin ko na panay ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nakakasabayan ko, I really hate this, I am taking too much attention again. Nakakainis, titingin kasi sila sa akin tapos magbubulungan, alam mo yung hindi mo alam kung may sinasabi ba sila sayo na hindi maganda. Kaya naman after kong makita yung room ko eh pumasok na ako agad sa loob at naghanap ng magandang upuan.                 "Oh, ikaw ba yung transferee?" tanong sa akin ng isang matandang babae, siguro siya yung class adviser namin.                 "Ah, opo, ako nga po iyon." magalang na sagot ko sa kanya.                 "Oh siya, mamaya na ako magpapakilala huh? kapag kumpleto na kayo, umupo ka na dyan at may mga aasikasuhin pa ako sa labas." sabi nito sa akin.                 Umupo naman na ako agad sa may bandang gitna at nilabas ang ipod ko at earphones at nagsimulang magsound trip. SIguro matagal pa naman silang darating dahil napakaaga pa. Umusad ang oras at unti unting nagsidatingan ang mga kaklase ko, at as usual, iba na naman sila makatitig sa akin, para bang isa akong rare specie na ngayon lang nila nakita. Nakakita pa nga ako ng isang bakla sa labas eh kung makatingin sa akin eh parang hinuhubaran na ako. Tinignan niya rin yung list ng mga pangalan sa harap ng room namin, siguro ay tinitignan niya kung nandun yung name niya.                 Maya maya pa ay dumami na ang tao sa room which really irritates me a lot, napakaingay kasi nila, huntangan dito, huntangan doon, dapat ata akong magsisi na lumipat ako ng school dahil napakaingay dito. Ilang sandali pa ay hindi na ako nakatiis at lumabas muna ako ng room, dinala ko yung gamit ko kasi wala pa akong kilala dito at hindi ako alam kung paano mag-isip ang mga classmate ko. Napagdesisyunan ko munang pumunta sa guidance office kung saan ako ibinilin ni lola. Sabi naman kasi doon eh pumunta lang daw ako doon kapag may problema, sa tingin ko naman eh, problema ko nga talaga itong pagiging hirap ko makisocialize sa mga tao.                 "Oh naparito ka iho?" tanong sa akin ng guidance counselor na amiga ng lola ko.                 "Ah eh, pwede muna po ba ako magstay dito? Hindi ko po kasi kayang tagalan yung ingay sa labas eh." pagtatanong ko sa kanya.                 "Oh sure, sige lang, ibilin ka sa akin ng lola mo eh, kaya feel free to stay here." masaya namang sabi niya sa akin.                 Pinaupo niya ako sa sofa na malapit sa pintuan, at doon, nakinig na lang ako muli sa aking ipod para mawala ang pagkabagot ko.                 Ilang minuto pa ang lumipas eh pinaalalahanan na ako ng guidance counselor na pumunta na ako sa room ko dahil malapit na daw magsimula ang mga klase, kaya umalis na ako at tumungo sa room ko sa North Gabaldon Building.                 Napansin ko rin na halos wala nang estudyante ang pakalat kalat sa paligid, for sure, nasa kanya kanya nang mga room ang mga ito. Kaya naman dinalian ko na ang paglalakad para hindi naman kahiya hiya sa mga kaklase ko.                 Pagdating na pagdating ko sa room eh, marami nang tao at nakaupo na silang lahat, buti na lang ay papasok palang yung class adviser namin sa room kaya naman hindi ako awkward, umupo na ako sa bandang likuran kasi naoccupy na yung mga sits sa harapan at gitna.                 Noong pumunta na sa harap ang aming adviser ay nagsimula na itong magsalita at magpakilala, siya yung magiging teacher namin sa Physics, at iniorient na rin niya kami sa mga mangyayaring events this coming school year, ako naman sige lang sa pakikinig hanggang sa.                 "Ok class, alam ko naman na magkakakilala na kayo, pero for sure, gusto niya makilala ang transferee student sa section na ito." pagbungad ni ma'am sa  isang bagay na ayaw kong mangyari, ang magpakilala sa harap ng mga kaklase ko.                 "YES MAM!!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Ano ba yan!! wala na akong kawala.                 "So ating Mr. Transferee, pumunta ka na dito sa harap upang magpakilala sa kanila." pagtawag sa akin ni Ma'am Physics.                 Wala na akong nagawa kundi pumunta sa harap, alam kong nakatingin silang lahat sa akin, ikaw ba naman tawagin at magpakilala sa harap eh tignan lang natin kung hindi ka nila titigan.                 "So, state your name, age, the school where you came from." sabi sa akin ni Mam.                 "Uhm, I am Jin Angelo Santiago, 15 years old, and I came from ***** Academy" straight kong sabi sa kanila, yung iba halatang nganga sa way nag pagsasalita ko ng english, kapag nagsalita kasi akong english eh fluent ako dito at para talaga akong lumaki sa US.                 Pagkatapos kong magpakilala ay naramdaman kong may isang pares ng mga mata na masama ang tingin sa akin, nilingon ko ito at nagulat na lang ako sa akin nakita, mukhang hindi magiging maganda ang senior year ko ah, dahil..                 Kaklase ko pala yung kumag na nang-agaw ng choco knots sa canteen at tinamaan ko rin ng bola sa mall. Nice, paniguradong mainit talaga ang dugo nito sa akin, pero lets see, kung inaakala niyang hindi ko siya lalabanan, mali ang akala niya, sibukan niya lang akong patusin, mahahanap niya ang isang bagay na ngayon niya palang makikita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD