Chapter Five - Noise over Silence

1889 Words
Sieghart's POV                 Kung sinuswerte ka nga naman, hindi ko lubos akalain na kaklase ko pala yung kutong lupa na nanama sa akin ng bola sa mall. At dito pa talaga sa balwarte ko siya napunta, akala niya ba magiging maganda ang buhay niya dito? Pwes nagkakamali siya, dahil sisimulan ko nang gawing impyerno ang buhay hanggang lumipat siya ng school.                 Break time ngayon, kaya naman kinausap ko na ang aking mga kabarkada na sina Aki, Carlo, Yuan. Kilala kami sa school dahil likas kaming matatalino, at hindi lang iyon, kilala rin kami dahil sa paglalaro ng iba't ibang sports. Ako ang tumatayong lider nila, lahat ng importanteng desisyon ay ako ang nagbibigay, ngunit kung kinakailangan naman eh, majority wins kami.                 Si Aki, yung pinakaclose sa aking kaibigan ko pero ang daming tinatago, kahit super close kami, napakamisteryo pa rin ng pagkatao niya, gwapo siya, mayaman, at talagang may ipagmamalaki.                 Si Carlo naman,  yan yung kengkoy sa grupo namin, siya lagi ang nag-uumpisa na tawanan, pero kahit ganyan yan, kapag kailangan niyang magseryoso, bigla bigla yang magbabago. Kumbaga mula malambing na kuneho na magiging mabangis na lobo.                 Si Yuan naman, siya naman yung laging nambabae sa amin, ewan ko ba, lahat na lang ata ng makakasalubong na babae eh liligawan niya, kung sabagay, may itsura naman siya at may ipagmamayabang, yun nga lang, hindi niya kayang mag stick-to-one, sana lang eh makahanap na ito ng katapat.                 "Mga pre, ayun yung sinasabi ko sa inyong nagpapakulo ng dugo ko oh!" sabi ko sa mga katropa ko habang nasa labas ng room. Nagtinginan naman sila kay Jin na kasalukuyang nagkikinig sa kanyang ipod at talagang nakapikit pa.                 "Diba yan yung transferee?" agad na tanong ni Yuan.                 "Siya nga, siya rin yung akala mo kung sino umasta." sabi ko pa.                 "Eh ano bang plano mong gawin?" tanong naman ni Carlo.                 "Simple lang, ang gawing impyerno ang buhay ng nilalang na iyan." sabi ko na lang.                 Pinagusapan na namin ang aming mga hakbang upang pahirapan si Jin, tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo. Ipapakita ko sayo kung gaano kabagsik ang isang Sieghart Rosario kapag nagalit ito.                 Natapos na ang break, dumating na rin ang next teacher namin, bukas pa namin sisimulan ang aming plano para kay Jin. Buong araw ko lang siyang minatyagan, gusto ko kasing malaman ang mga kilos at galaw niya para makalkula ko ng maayos ang mga plano para sa kanya. Gusto ko kasi, maging maganda ang pagwelcome namin sa kanya dito sa school.                 Uwian na at talagang mabilis kumilos tong si ogag, nakalabas na siya agad nang room pagkatapos na pagkatapos kaming idismiss! Agaw atensyon din siya ah, halos lahat ng madaanan niyang babae eh biglang titingin sa kanya, head turner kumbaga, tsk!! Tignan lang natin.                 Agad agad naman akong lumabas at tinungo ang DOST Building para sunduin si Alexa, si Alexa na tanging prinsesa ng buhay ko, kung pwede ko nga lang siyang ligawan edi ginawa ko na eh. Naglalakad ako ngayon kasama ang barkada.                 "Oh ano tol? May gagawin pa ba kayo? Daan muna tayo sa capitol." pagyaya sa amin ni Carlo.                 "SIge tara, baka maraming chicks dun eh." sabi naman agad ni Yuan, hays, hindi na talaga magbabago.                 "Kayo na lang, kailangan ko nang umuwi eh." pa-KJ namang tugon ni Aki.                 "Eh ikaw Sieg? sasama ka ba sa amin?" tanong sa akin ni Carlo.                 "Pass muna ako, susunduin ko pa si Alexa eh." sagot ko naman.                 "Alexa na naman!! Ligawan mo na kasi!!" sabi agad ni Yuan sa akin.                 "Hindi pwede eh!! Hanggang friends lang muna daw." sagot ko na lang, totoo naman eh, sabi  niya hanggang friends lang daw kami.                 "Eh kelan niya pa ba sinabi sayo yan?" tanong naman ni Carlo.                 "Nung 2nd year tayo, sabi niya hanggang kaibigan lang muna." sagot ko ulit.                 Umakbay sa akin si Yuan,"TOL! 2ND YEAR PA TAYO NUN!! 4TH YEAR NA TAYO!! Siguro naman pwede na yan." sabi niya sa akin.                 "Oo nga pre, siguro naman eh pwede na yan." sabi naman ni Carlo.                 "Sige na, bahala na si Batman!!" sagot ko na lang, hindi ko na kasi alam ang sasabihin, aaminin ko natotorpe ako kapag ganyang usapan na, mas lalo na kapag tungkol na ito kay Alexa, oo, ang feelings ako sa kanya, kaya nga lagi ko siyang pinaprotektahan eh, dahil ito nga ang nararamdaman ko. Handa akong gawin lahat para sa kanya, para sa ikasasaya niya.                 Nasa isang bench kami sa tapat ng DOST ngayon, naputol na lang ang aming usapan ng may tumawag na sa pangalan ko.                 "Sieghart!" sigaw ni Alexa sa akin.                 Nilingon ko naman ito at agad nginitian. Kasunod naman nito yung bestfriend niyang beki na si Jomar. Ilang ako sa mga bakla at aaminin ko na kabilang si Jomar sa mga kinaiilangan ko, ewan ko ba, parang takot ako lumapit sa kanila, pero iba naman itong si Jomar eh, mapagkakatiwalaan naman, at tyaka bestfriend siya ng prinsesa ko kaya kailangan ko siyang tratuhin ng tama. Tyaka yung features niya, hindi pang lalaki, para talaga siyang babae, androginous siya, kasi kapag pinahaba mo yung buhok niya eh mukha na siyang babae.                 "Hi papa Sieg!!, hi papa Carlo!!, hi papa Aki!!" pagbati nito sa amin, at tignan mo nga naman, hindi nito binati si Yuan, hindi kasi magkasundo tong dalawang to eh.                 "Talagang hindi mo ako binati ah!" nakangising sabi ni Yuan sa kanya.                 "Ay may kasama pala kayong ASUNGOT!!" biglang bwelta ni Jomar sa kanya na talagang pinagtigasan ang salitang ASUNGOT.                 "Tara na nga Carlo! May dumating na kasing impakta! baka maengkanto pa tayo." pagyaya ni Yuan kay Carlo na halatang iniinis si Jomar.                 "Tama nga Carlo, isama mo na yang nilalang na yan at nasisira ang awra sa paligid!! nakakasira ng beauty!!" sabat agad ni Jomar.                 Hays! Kahit kailan talaga, hindi na natapos magbangayan yang dalawang yan, pero kahit na ganyan eh hindi naman sila umaabot sa pagsasakitan.                 At lumayo na nga sila Aki, Carlo, at Yuan sa amin, kahit na hindi sasama si Aki eh bigla na lang hinila ni Yuan, kaya yun, sa kanila na sumabay.                   Kinuha ko na agad yung bag ni Alexa,  siyempre, kailangan ko magpakagentleman para sa kanya, prinsesa ko yan eh.                 "Oh kumusta ang araw mo? Sana naman hindi mo pinagdiskitahan yung transferee." pagbungad niya sa usapan.                 "Huh? HIndi naman, sinabi ko nga sayo, good boy ako ngayon." totoo naman eh, wala naman akong ginawa kay Jin ngayon, as in wala pa.                 "Wag ka nga, kilala kita Sieg!! Kapag ako may nabalitaan na may ginawa ka sa kanya, ako makakalaban mo!!" pagbabanta nito sa akin, aba'y nakakatampo na ito ah, mukhang mas kinakampihan pa si ungos!!                 "Ikaw ah!! may napapansin ako sayo!! bakit ba parang kamping kampi ka pa doon? May gusto ko sa kanya noh?" pambibiro kong tanong, pero sa loob loob ko, seryoso ako, gusto kong malaman kung may gusto nga siya kay Jin.                 "Ako? Wala no!! baka si Jomar!!" sabi naman ni Alexa na halatang todo tanggi, buti na lang!!                 "Ako!!? Bakit nanunuro ka dyan? May iba na akong natitipuhan no!!" agad namang sagot ni Jomar. Natawa na lang ako sa reaksyon niya kasi parang handang pumatay.                 "Ah Alexa, ah eh, may gusto sana akong tanungin" biglang pagbungad ko sa bagong usapan, gusto ko kasing tanungin kung pwede na ako manligaw sa kanya, tama naman kasi eh, 4th year na kami, siguro naman ay pwede na ngayon.                 "Ano naman yun?" biglang sabat naman ni Jomar.                 "Hoy!! Ikaw ba kinakausap?" biglang sabi ni Alexa sabay hampas sa braso nito.                 "Aray naman bes!! masakit ah!! nakakailan ka na ngayong araw!!" pagrereklamo ni Jomar.                 "Ikaw kasi eh, sabat ka nang sabat!!" sagot niya dito. "Oh ano bang itatanong mo?" pagpabaling nito ng atensyon sa akin.                 "Ah eh, tutal naman 4th year na tayo, ah eh.." medyo nanginginig na ako, hindi ok alam kung paano na sasabihin yung mga susunod na salita.                 "Ah eh...." sabay naman niya sa akin.                 "PwedeNaBaAkongManligaw?!!" mabilis kong sabi sa kanya, ewan ko ba, para kasi akong nanginginig kaya nabilisan ko na yung pagsasalita.                 "Ano? Ambilis naman kasi nun? Paano ko maiintindihan?" reklamo nito na parang nainis sa way ng pagsasalita ko.                 "Ah eh, sige, ito na, isang beses ko lang sasabihin to ah, hindi ko na uulitin." sabi ko sa kanya ng mahinahon.                 "Oh dali na, wag nang magpaligoyligoy pa." sabi nito sa akin.                 Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita para mawala yung kaba sa dibdib ko.                 "Ah eh, pwede na ba akong manligaw sayo?" sinserong tanong ko sa kanya.                 Napatigil siya sa tanong ko at nakatingin lang sa akin, si Jomar naman eh napatakip na lang ng bibig na para bang nagulat sa aking mga sinabi. Please!! please!! please pumayag ka naman!!                 "Ah eh, pag-iisipan ko!!" sagot na niya lang sa akin sabay tuloy ng paglalakad.                 "What?!! pag iisipan mo pa bes!? si Sieg na yan oh!! complete package na yan!!" biglang sabi ni Jomar na parang gulat pa sa naging desisyon ni Alexa, diyan ako bilib kay Jomar eh, sana mapapayag niya ang prinsesa ko.                 "Che!! pag-iisipan ko muna!! tara na nga!!" sabi nito kay Jomar at hinila na nito papalayo.                 Ako naman ay nanatiling mabagal ang paglalakad, tila ba nag-aalangan sa mga ginawa ko, baka layuan niya ako, baka ayaw niya. Nagulat na lang ako ng lumingon ito sa akin.                 "Hoy!! ikaw diyan!! bilisan mong maglakad!! parang hindi ka lalaki!!" pagsigaw niya sa akin.                 Dahil doon ay nawala na yung kaba  na nararamdaman kong takot na lumayo siya sa akin, sa tingin ko naman ay hindi niya masyado pang iniisip yun, kaya sige lang, hihintayin ko na lang ang magiging desisyon niya. Kinabukasan                 Ito na, Physics ulit namin, at tulad ng sinabi sa amin ng aming adviser ay iaarrange na ang upuan namin, for sure ay alphabetical na naman ito, alternate ang babae at lalaki. Isa lang naman ang sure ako, eh, 80% ang chance na makagrupo ko ang mga katropa ko dahil magkakalapit lang ang mga apelyido namin, actually, magkakasunod ang pangalan namin sa class record.                 At ayun na nga, sinimulan na ang pagtawag sa mga pangalan namin. Noong nasa dulong row na ay tinawag na ang pangalan ko.                 "Rosario, Sieghart." pagtawag sa akin.                 Agad ko namang tinungo ang aking magiging upuan, nasa bandang gitna na ako. At since mas marami kaming lalaki sa klase, for sure lalaki na ang makakatabi ko.                 "Santiago, Jin Angelo!" pagtawag niya sa pangalan ng aking makakatabi. Tignan mo nga naman, kapalaran talaga na makatabi ko ang lokong ito. Agad naman itong tumungo sa uupuan niya without looking at me, naiinis na talaga ako dito, para bang walang tao sa paligid niya.                 Natapos nga ang aming arrangement at talaga naman ah, napapagitnaan ng aming barkada si Jin, mukhang mas magiging masaya ang aming mga gagawin. Ako na rin ang iniaassign na lider sa aming grupo dahil ang magkakagroup ay ang magkakasama sa isang row, may dalawa lang na babae sa group namin na sa tingin ko ay sapat na.                 Magiging pincer attack ang gagawin namin kay Jin, dahil sa dalawang gilid niya ay nandun kaming mga gugulog sa buhay niya, si Aki, (Rolloda, Achilles) ako( Rosario, Sieghart), si ugok (Santiago, JIn Angelo), si Yuan( Verano, Yuan) at si Carlo (Vidal, John Carlo).                 Humanda na siya dahil matitikman niya kung paano mangtrip ang tropa namin, paniguradong hindi siya uuwi nang hindi nasisira ang araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD