۵ ۵ ۵ "Isa kang Bulaklak?" Gulat na tanong ko sa magandang babae sa harapan ko. "Paano nangyari yun?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko. "Hindi ko maintindihan ang tanong mo." "Sa pagkakaalam ko kasi...ang huling Bulaklak ay si---" "Ako ang huling Bulaklak, lalaki," putol niya agad sa sinasabi ko. "Kung sino man 'yang tinutukoy mo, marahil ay siya ang aking kahuli-hulihang ninuno." Ano raw? Kahuli-hulihan? Hindi na lang ako sumagot. Nagkaroon kasi ako ng pangamba dahil sa tono ng pananalita niya. Baka may galit siya sa aking ina, kaya hindi ko na binanggit pa ang ugnayan ko sa dating Reyna ng mga Bulaklak. Pero imbes na magduda siya sa aking pananahimik, bigla siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang isa kong kamay. "Mabait ka naman di ba?" "H-Ha?" "Hindi ka ba masama?" Parang

