⊙ ⊙ ⊙ Tahimik ang paligid, at walang gumagambala ngayon sa aking pagninilay-nilay. Nakatunghay ako sa labas nang malawak na bintana ng aking silid. Matatanaw doon sa labas ang kombinasyon ng dilim at lamig ng niyebe. "Mahal na Diyos..." Lumingon ako sa tumawag sa akin. "Kumusta ang paghahanap kay Yohan?" "Hindi pa rin namin siya natatagpuan, ngunit hindi magtatagal at muli din po siyang lilitaw. Hindi nila kakayanin ang matinding lamig na dulot ng aking majika. Sa katunayan nga po, marami na sa mga tao sa mga bayan ang patungo rito sa atin upang lumikas. Alam na nila na dito ay magiging ligtas sila. At malay natin, isa sa mga pupunta rito si Yohan." Natawa ako sa mga tinuran ni Coren. "Kilala ko ang iyong dating kaibigan, Coren. Hindi siya pupuslit dito nang ganoon na lang. Ang gusto

