Chapter 38. Kapalit

4716 Words

"Buhayin mo si Divan." Ang lakas ng toyo ni Vulquior Pyrei. Kahit naman hindi ko pa rin tanggap na wala na si Divan at gusto ko rin siyang mabuhay, alam kong kabaliwan yung sinabi ng ama niya. Anong buhayin si Divan? Bakit, Diyos ba ako? "Master Yohan, tara na. Itigil mo na ang pakikipag-usap sa kanya at mukhang mas baliw pa siya sakin," sabi sakin ni Binibining Gaga. Nakatayo pa rin kasi kami sa tapat ng selda ni Vulquior na nakatitig nang mataman sakin. "Ano, Yohan? Kaya mo bang buhayin ang anak ko?" Tanong niyang nakangisi. "Mawalang galang na po sayo," sagot ko. "Pero gwapo lang po ako, hindi ako gumagawa ng himala..." "Pero di ba isa kang Alkemista? At hindi ba, may taglay kayong pambihirang kakayahan? Baka naman kaya mong buhayin ang anak ko tulad ng kung paano ka muling nabuhay

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD