Chapter 37. Salarin

4598 Words

Nang sinabi iyon ni Aravella, alam kong hindi siya nagbibiro at totoong gusto niya na naman akong hulihin. Sa maikling panahon na nakasama ko siya, alam ko na ang ugali niya. Kaya nang sinugod ako ng mga kasamang kawal ni Aravella, wala akong ibang nagawa kundi ang dumepensa. Gamit ang sandatang Orosman na nilikha ko kanina, sinalag ko ang mga atake ng mga kalaban. "Hindi niyo maaaring saktan ang aming Master!" Sigaw ni Binibining Gaga sa mga kawal at bigla siyang nagpaputok ng mga baril na nakakabit sa kanyang dibdib. Maraming kawal ang tinamaan at nagsiilag na rin ang iba. "Huwag kang makialam rito, tampalasan!" Sigaw rin ni Aravella kay Binibining Gaga. Mabilis ang pagkilos ni Aravella at gamit ang mga matutulis niyang kuko ay inatake niya rin si Binibining Gaga. Nagkasukatan na ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD