Pagkasigaw ng binatang yun ay isa-isang nagsitalunan mula sa Tutubi ang ilang katao. Ang ilan sa kanila ay mga bata pa, tulad ng isang dalagang mukhang kaedad lamang ng aking anak. Ang isa naman ay isang lalaking may edad na na may balbas, at ang isa pa ay isang babaeng parang pamilyar sa akin ngunit hindi ko lang matandaan kung sino siya. Lahat sila ay umalalay sa binatang may takip sa bibig, na handang lumaban kay Aldion. Habang ang isa naman sa kanila ay lumapit sa kinalalagyan ko at agad akong inalalayan. "Master!" Iyak ng matandang babae sabay yakap sa'kin. "Totoo nga! Buhay ka nga! Hindi ako makapaniwala!" Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtanto ko kung sino siya. "Binibining Gaga! Ikaw nga! Buhay ka pa rin pala! Isa ka ngang masamang d**o!" Tumango siyang naiiyak pa ri

