Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa espada ni ama nang makita ko ang isang taong unti-unting nabubuo mula sa dambuhalang mga apoy na sumulpot na lang mula sa kawalan. Nakita ko kung paanong ang kulay dilaw at pulang apoy ay tila nagkaroon ng sariling buhay hanggang sa ito'y naging isang matangkad na binata na nababalot ng pandigmang kasuotan. Masama ang tingin niya sa amin nang naglakad na siya patungo sa amin. Tumabi siya sa Diyos ng Kamatayan, na ngayon ay nakangisi na nang malapad. Marahil ay iniisip nitong matatalo nga kaming dalawa ni ama ng bagong dating na Bathalang Sandata, at hindi na nga niya kailangang makisali pa. "Kumusta ka, Yohan?" Pagbati ng bagong dating na Bathalang Sandata sa aking ama. Ang sama rin ng tingin niya kay ama, at may tao akong naaalala sa kanya na hindi k

