Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa labis na tuwa, dahil nasa harapan ko na ngayon ang aking ama. Mahirap man ay pinigilan ko talagang maiyak, dahil ayoko namang sabihin niya na iyakin ako. "I-Ikaw po ba talaga yan...ama?" Nag-aalangan pa ring tanong ko. Siyempre ang hirap lang paniwalaan, dahil kanina lang isa pa siyang halimaw. Ngunit labintatlong taon ko siyang hinintay, kaya hindi ako dapat magduda. Tumango naman siya sa akin, habang nakatulala lang sa sobrang pagkabigla ang dalawa niyang dating kaibigan. "Ako nga ito, anak. Ako ang iyong gwapong ama. Letsugas, hindi pa ako sanay na may tinatawag na 'anak' ah. Mukha tuloy akong isang binatang ama. Pero akong- ako na talaga ito, Rowan." Pinagmamasdan niya ako kaya medyo nahiya ako. "A-Ang bata niyo pa nga po, ama," usal ko na lang

