xxxxx Humahangos kami ng takbo nina Rowan at Hassein paakyat sa pinakatuktok ng Torre kung nasaan sina Yohan at ang Diyos ng Kamatayan. May binabalak sina Rowan at Hassein upang matulungan si Yohan, kaya't nagpasya na rin akong tumulong. Hindi ako papayag na mawala na naman si Yohan. Wala man kasi akong alaala sa mga unang pagtatagpo namin ni Yohan noong isa pa akong Bulaklak, alam kong siya ang mundo ko. Ramdam ko noon pa man na kapag tuluyan na siyang mawala sa mundong ito, ikamamatay ko talaga yun. "Sigurado ka bang gagana ang iniisip mo Hassein?" Tanong ko dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang taglay na majika ng batang ito. Kung siya lang pala kasi ang solusyon eh di sana matagal na niyang ginawa ang dapat niyang gawin. "Hindi ko po sigurado," sagot naman nito habang pa

