xxxxx Pagkabagsak ko sa yelo, napahagulhol na ako agad dahil sa pagkahigop ni Alexar sa Butas. Umiyak ako nang umiyak, dahil hindi lang naman si Alexar ang nawala. Pati din si Yohan. Ayoko sanang madamay si Yohan. Kahit pa maraming beses akong nabigyan ng pagkakataon na paslangin siya, hindi ko ginawa. At kahit kailan siguro ay hindi ko iyon sa kanya magagawa. Mahalaga na rin sa'kin si Yohan. Maaaring kalabisan na kung sasabihin kong mahal ko siya, pero kung yun ang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya, wala na rin akong magagawa. Hindi ko man lang nasabi sa kanya nang maayos ang nararamdaman ko bago siya mawala. "Tahan na, Aravella," sabi ng boses ni Xyron na papalapit sa'kin. "Wag mo nang sayangin ang mga luha mo kay Yohan." Pinanlisikan ko siya ng aking mga mata. "Sumpain ka! Hin

