Chapter 120. Paggunaw

2597 Words

۵ ۵ ۵ Magkasabay naming sinugod ni Ina ang Diyos ng Kamatayan ngunit hindi talaga namin siya magawang galusan man lang. Ramdam ko pa naman sana na ang paglakas ko dahil gaya ng saad ng Diyos ng Kamatayan, lumakas nga ako mula nang lumabas ako mula sa Butas. Pero wala pa rin akong silbi ngayon dahil hindi ko pa rin mapantayan ang kapangyarihan ng aming kalaban. Maski si Ina ay nahihirapan ding saktan ang Diyos ng Kamatayan dahil na rin sa kakayahang nakuha nito mula kay Amiela. Ang iniisip ko na lang, sana ay magtagumpay si Ama sa binabalak niya. Dahil kung hindi, maaaring kami pa ang mapahamak. "Kung totoo ngang ikaw ang may kagagawan ng pagkawala ng Butas, Rowan, kailangan mo na talagang mawala. Dahil sa ginawa mo naglaho na rin ang aking mga Chimaera. Kakailanganin ko pang lumikha uli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD