♚ ♚ ♚ Kung kailan naman tanggap ko na ang aking pagkatalo, saka ko naramdaman na parang nagdalawang isip si Zafaro. At tama nga ako dahil hindi nagtagal ay naramdaman ko ulit ang lamig ng sahig. Hindi nagsasalita si Zafaro, kaya wala akong ideya kung ano ba talaga ang nangyayari. Gusto kong tumayo at muli siyang labanan, ngunit alam ko na nasaid ko na ang kapangyarihan ko. Mahina na ako at sugatan, at kahit ang paghinga ay nahihirapan na ako. Isang milagro na lang ang magbibigay sa'kin ng lakas upang tumayo sa sitwasyon kong ito. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa, at ang tunog ng bakal na kumikiskis sa sahig ay sinyales na si Zafaro ang papalapit sa akin. Sinubukan kong mag-ipon ng natitira ko pang enerhiya upang magamit ko man lang sana ang aking Armageddon sa huling pagkakataon nguni

