xxxxx Hindi ko inaasahan ang nalaman ko. Sa katunayan ni hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun, kung hindi iyon agad ipinaliwanag sa akin ni Yuna nang mabuti. Gulat na gulat rin siya sa natuklasan namin, at hindi ko maintindihan kung natutuwa ba siya o nalulungkot para sa akin na ako'y nagdadalang-tao. Minsan ngumingiti siya ng walang katapusan, minsan naman naiiyak siya. Mas lalo tuloy akong naguguluhan. "Wala lang 'to," sagot niya ng minsa'y tinanong ko siya kung bakit siya nagkakaganoon. "Natutuwa lang ako kapag naiisip ko na nagawa pa talagang maihabol ni Yohan ang pagkakaroon ng anak bago siya m-mawala... Napakapilyo talaga ng lalaking yun. Hindi na ako magtataka kung lantaran ka niyang sinabihan na gusto ka niyang anakan---" "Wala siyang sinabing ganun," sagot kong umiiling

