Chapter 94. Misyon

3199 Words

¤ ¤ ¤ Pagmulat ko ng aking mga mata, tumambad sa'kin ang isang lugar. Wala na nga ako sa Butas, o sa katawan ng mga piraso ng aking ala-ala. Ako'y nandito na nga sa mundong ibabaw. Sinubukan kong igalaw ang aking sarili, at nakita ko ngang kumilos ang aking bagong katawan. Inunat ko at pinagmasdan ko ang aking mga kamay. Tiningnan ko yun nang maigi, habang malakas ang kabog ng aking dibdib. Nagbalik na ako! Natupad na ang nakatakdang maganap! Hindi na lamang ako mga piraso ng aking ala-ala, kundi isa na akong ganap na buhay na nilalang. May katawan. May kapangyarihan! Hinawakan ko ang aking mukha. Hindi ko mapigilan ang aking galak, kaya tumawa ako nang malakas. Ahahahahaha! Ahahahahaha! "Tagumpay!" Halakhak ko. "Narito na nga ako!" Walang mapagsidlan ang aking tuwa na na ako'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD