xxxxx "Yohan... Yohan..." "Mahal na Centurion, gising na po kayo... Narito na po tayo..." Umiling ako dahil ayoko siyang lumisan. Palagi niya na lang akong iniiwan. "Yohan...huwag---" "Mahal na Centurion, nananaginip po kayo..." Doon na ako napamulat at napabangon. Nakatulog pala ako sa biyahe, at ngayon ay pawisan na ako habang nakasandal sa tapat ng bintana. Nasa harapan ko ang isa sa mga kawal ng Arkhanta na naghatid sa akin dito sa Bundok ng Oxen Viel. "Masama po ba ang pakiramdam niyo?" "Hindi naman..." sagot ko agad sabay tayo at labas ng karowahe. "Nagkaroon lang ako ng isang masamang panaginip." Tumango ang kawal ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. Alam kong nakita at narinig niya ako kanina. "Bumalik na kayo ng palasyo." "Opo. Babalik po kami pagkalipas ng ta

