Epilogue Part 1

3910 Words

۵ ۵ ۵ "...At yun ang kwento kung bakit iba ang panahon sa Inggria kumpara sa ibang mga lugar," pagtatapos ko ng aking kwento. Ngumiti ako sa aking mga anak at ginulo ko ang mga buhok nila. Sumilip ako sa labas ng bintana ng karowahe kung saan kami nakasakay ngayon at natatanaw ko na ang madilim na parte sa malayo... Isang lugar na animo'y hindi nasisikatan ng araw. Umungot agad ang isa sa mga anak ko nang mapansin niyang hindi na ako nagkwento. "P-Pero bakit po kayo? Hindi kayo nawawala kapag tumatawid kayo sa hangganan?" Tanong ng pinakabibo sa kanilang tatlo. Pinangalanan ko siyang Camia. "Dahil nga may dugo akong Centurion. Hindi ako tinatablan ng sumpa sa inyong tahanan. At buti na lang namana niyo ito sa akin kaya nakakadalaw tayo sa inyong Lola..." Tumango na lang si Camia na para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD