Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa sobrang pagkabigla ko nga ay napasobra pa nga yata ang higpit ng pagkakayakap ko sa aking ina, kaya kumalas na muna ako upang tignan ang kanyang mukha. Matagal akong tumitig sa kanya. Napakaganda niya. At napakabata pa rin, na para bang isa pa rin siyang dalaga. Magkaedad nga yata sila ni Amiela, kung ang kaniyang itsura lang ang pagbabasehan. "Rowan anak..." mahinang sambit niya habang patuloy pa ring umiiyak. "Sa wakas...sa wakas nagkita na rin tayo..." Tumango ako. "Matagal ko na po kayong gustong makita, ina." "Ako rin. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong makabalik rito, anak..." "Ano? Si Rowan lang?" Biglang hirit naman ni ama. "Eh paano ako?" Ngunit hindi siya pinansin ni ina. Sa akin lang siya nakatingin na pinagmamasdan ang aki

