Unang araw ng buwan at lunes. Gumawa ako ng account para sa company at inaayos ko na ang schedule na ipinadala sa akin sa email ng sekretarya ni Don Enrique.. Nagsuot ako ng magandang damit at pinatungan ko ng trench coat. Hinatid ako kaagad ni Acer sa trabaho dahil may mga meetings na dadaluhan ang matandang Don sa labas ng kanyang building. Pagdating ko sa opisina, inayos lang namin ng matanda ang dadalhin namin na mga papeles sa labas. Wala akong pakialam sa mga nadaanan namin na mga empleyado na chismosa. Bahala sila mag bulungan hanggang mapagod sila. “Sir, kapag ba may pinatulan akong empleyado pwede ba ako maalis sa trabaho?” tanong ko sa matanda na nilingon ko pa. Nakaupo kasi ako sa unahan, katabi ko ang driver habang ang matanda ay mag-isa sa upuan sa likod. “Depende, ka

