HARVEY (POV) Kadarating ko lang sa bansa mula sa mahaba na pagtakas sa kalungkutan. Masasabi ko ngayon na nakapag move-on na ako sa pagkawala ni Mommy. Kalalapag ko lang ng aking bag, nang makatanggap ako ng tawag. “W–What? My God! Kung kelan tumanda, saka nakaisip ng kalokohan. Ano ba ang nangyari kay Daddy?!” Malakas na sigaw ko ng tumawag sa akin ang Uncle ko, pinsan ito ni Daddy. “Hindi ko rin alam, concern lang naman ako sa pinaghirapan ni Enrique. Balita ko, niregaluhan niya ang babae ng bahay at lupa sa Queen Homes. Bukod pa ang kotse na sa babae din nakapangalan, kasama ang driver na si Acer. May nakakita din sa kanila na kumakain sa isang fine dine restaurant at naka VIP pa. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang Daddy mo tungkol dito.” Si Uncle na halata ang pag-aal

