CHAPTER: 7

1351 Words
Pagdating namin sa loob ng opisina, umalis na rin si Manong Suki. Pinaupo lang niya ako sa isang sofa at hintayin ko na lang daw si Don Enrique. Nilibot ko ang aking paningin sa malaking opisina at masasabi ko na yayamanin talaga ang Don. Ang dami ng alak na naka-display sa dingding na may espesyal na disenyo. Ang gaganda pa ng mga kupita na iba’t-iba ang sukat at laki. “Hello! Good morning.” Pagbati ng matandang papasok pa lang sa loob. Tumayo muna ako at nahihiya ako na bumati sa matanda. Paglapit ng matanda, doon ko lang nakumpirma na ito ang matanda na tinulungan ko sa kalsada. Kaya pala pamilyar ang pangalan nito at ilang araw ko ng iniisip kung saan ko narinig. “Hala! Ikaw po?!” napatayo ako at napayakap ako sa matanda. Pero bigla din akong bumitaw dahil nabigla lang ako kanina at ngayon ay nakaramdam ako ng hiya. “S–Sorry po, masaya lang po ako dahil buhay ka. Worth it po ang mga gasgas, pasa at sugat ko ng araw na ‘yon.” Masaya na sabi ko sa matanda na ngumiti at tumango. “Have a seat,” pormal na sabi ng matanda. “Salamat po,” sagot ko naman. “Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sa’yo, Jomelyn, but I have a meeting to attend, later.” Tumango lang ako sa matanda. Tumayo ito at iniwan ako saglit. Pagbalik ay may dala ng mga papel na nakalagay sa isang folder. Inabot nito sa akin at naupo sa katapat ko na upuan. “A worth million contract, Miss Jomelyn. Libre ang bahay na magiging tirahan mo malapit dito. A salary worth fifty thousand per month at sagot ko na ang hospital bills, lahat ng kailangan ng Lola mo.” Natulala ako sa sinabi ng matanda. May ganito pa lang offer. Na nagpanginig sa aking buong katawan. “Yun lang po ba ang kapalit? Magiging assistant mo lang ako?” tanong ko dito na tumango at tumayo, sabay pamulsa. “Please, sign the contract now. Dahil una at huling beses ko lang na offer ito sayo. Kailangan ko ng assistant at marami ang nagkakandarapa sa posisyon na ‘yan.” Nakakatakot ang matandang ‘to, kapag nag seryoso. Kaya't agad ko pinirmahan ang mga papeles hanggang sa huling pahina. “Okay! It's all done! Congratulations Jomely, good decision. Mamaya lang ay sasamahan ka ni Romolo, ang aking best friend para mamili ng mga damit. Dahil bukas na bukas din, papasok ka na dito sa opisina ko. Congratulations ulit, and good day.” Iniwan na ako ng matanda at natameme ako. Wala akong nasabi kundi tango lang. Kinuha na nito ang kontrata na pinirmahan ko at iniwan sa akin ang isa, para daw may mabasa ako pag-uwi ko. Pagtingin ko sa orasan, wala pa ang hinihintay ko. Alas onse na ng tanghali at kumakalam na ang aking sikmura. Kaya't binuksan ko ang aking eco bag at nilabas ko ang aking pagkain. Wala naman laman ang lamesa na salamin at wala naman akong makakalatan kung sakali. Binuksan ko ang aking baunan na pinaglalagyan ng ice cream at ang isang microwaveable kung saan nakalagay ang ulam na baon ko. “What does that smell?” Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ni Don Enrique. Hindi pa pala nakaka-alis ang matanda at mukhang palapit dito sa akin ang yabang ng mga paa. Sana lang ay wag akong pagalitan. “H–Hello po! Tanghali na po kasi, kaya't kakain na sana ako,” nahihiya na paliwanag ko sa matanda. Pero hindi ako nito pinansin at tumabi pa sa akin ng upo, “Adobo ba ito na may itlog na nilaga? Tama ba ang pang-amoy ko?” Tumango na lang ako sa tanong ng matanda na kinuha na ang kutsara na hawak ko at ngayon, kinakain na ang pagkain na baon ko! “Don't worry, parating na si Romolo, sa labas kayo mamaya kakain,” alanganin ako na tumango sa matanda. Magana itong kumain at halatang gutom na gutom. “Adobo ba ang naamoy ko?” tanong kaagad ni Manong Suki ba kapapasok pa lang. Nakatayo ito sa harapan namin at sinilip pa ang baon ko. “Ang daya mo talaga! Bakit hindi mo ako tinirhan?” tanong nito kay Don Enrique na hinihimas ang tiyan. “May isa pang itlog, sorry naubos ko na lahat. Ang kupad mo kumilos ‘e,” nangiinis na sagot ng matandang Don. Tumabi ito sa amin at kinuha ang pinag lalagyan ko ng adobo, may natira pa na isang itlog at tinusok ng matanda at kinain. “Namiss ko ito! Alam mo ba Joms, ito ang pantawid na pagkain namin noon ni Enrique ng nag-aaral pa kami ng kolehiyo. Katulad mo, hindi naman kami mayaman, sadyang matalino lang ang kaibigan ko, kaya umasenso. At heto ako, kaibigan niya na hindi niya pinabayaan. Kasabay sa kanyang pag-angat, ay ang pag ganda din ng buhay ko. Ganyan ang tunay at solid na magkaibigan. Oh! Tara na?!” Nakangiti na tumango ako natuwa ako sa pa teaser ng matatanda tungkol sa buhay nila noon. Nakakahanga talaga ang mga tao na nagsimula sa wala at narating ang ganito ka tayog na estado ng buhay. “Manong Suki, nagugutom na ako. Pwede ba na kumain muna tayo?” nahihiya na sabi ko sa matandang lalaki na nakangiti na tumango. “Wag ka mag baon ng tuyo at lahat ng klase ng adobo, paborito lahat ng ‘yon ni Enrique. Sigurado na kakainin lang niya at walang matitira sayo.” Natatawa na sabi ni Manong. Nakakatuwa dahil hindi sila maselan sa pagkain. Pagdating namin sa parking lot sa labas. Pinakilala niya sa akin si Acero ang magiging personal driver ko daw at magtuturo sa akin magmaneho. Sa ngayon siya muna ang maghahatid at susundo sa akin, papasok sa trabaho at pag-uwi sa bahay. Medyo nahiya ako dahil ka edad ko lang siguro ang lalaki. Tapos ang tawag sa akin ay Ma’am, na sabi ko wag na. Pero sabi ni Manong Suki, standard na tawag daw ‘yon at wag ng isipin pa, hayaan na lang. Pagdating namin sa mall, diretso kaagad kami sa isang restaurant. Nahihiya ako dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganito. “Manong Suki, ikaw na lang po ang umorder. Hindi ko po alam kung ano ang masarap, ngayon lang po ako nakakain sa ganitong lugar,” bulong ko sa matanda na tumango. Halos mapuno ang lamesa sa pagkain na nakahain. Kasalo din namin si Acer na kumain. “Pwede po ba pa take-out na lang? Sayang naman kasi ang mga natira, ang iba ay hindi naman nagalaw. Dadalhin ko po sa kaibigan ko na nagbabantay sa hospital.” Paliwanag ko na sabi sa matanda na tumango. Ako na lang ang nag prisinta na magdadala ng pagkain na nakalagay sa malaking paper bag. Pero nag insist si Acer. Kaya hinayaan ko na. Diretso kami sa isang boutique at nakaupo lang ako sa isang maganda na upuan. “Ibigay mo ang details mo, size ng paa, waistline at height mo,” sabi ni Manong Suki sa akin. “Size 7, 5”5, 36 24 36,” sabi ko sa dalawang sales clerk na pumapalakpak. “Ang perfect mo Madam! Pwede ka ng supermodel ng Victoria Secret!” Eksaherada na sabi ng isang babae na sinang-ayunan naman ng kasama nito. Kaya yumuko na lang ako dahil nakakahiya. Hindi ako sanay sa papuri na ganito. Sanay ako sa okrayan at bardagualan. Halos malula ako sa dami ng pinamili namin at tanging paper bag lang na ang laman ay ang take-out ko kanina ang dala-dala ko ngayon. Habang ang dala ng mga kasama ko, para ng Christmas tree sa dami ng mga bitbit ng mga ito. Ayaw kasi nila ako tumulong. Halos mapuno na ang sasakyan sa dami ng dala namin. Sa likod ako nakaupo at puno na ang tabi ko ng mga paper bag. Wala pa ang nasa likod ng sasakyan na halos dasikin na namin kanina. Ang iba naman ay ipapadala na lang daw sa address na ibinigay ni Manong Suki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD