Matapos ang tawag ni Don Enrique, muli kong binalot ang aking katawan ng kumot. Ang tagal dumating ng mga kasambahay ko. Baka katulad ng huling day off nila, madaling-araw pa ako balikan ng mga ‘yun dito. “Ayyyyyy! Tanga! Tanga!” kanina pa ako sigaw ng sigaw dito sa loob ng aking silid. Bakit naman kasi ipinatuloy ko pa sa tarantado na ‘yon. Napulaan tuloy ako na nagustuhan ko ang ginawa niya. Hindi ko makalimutan ang ngisi ng Harvey na ‘yon. “s**t! s**t! s**t! Gaga ka talaga Joms!!” sigaw ko na naman. Ano na ba ang mukhang ihaharap ko sa matandang Don. Maging sa mayabang na Harvey na ‘yun. Bakit kasi ako umungol. Dapat kasi talaga, playing dead ako ‘e. “Buseeeeeet!” sigaw ko na naman. Nanginginig ako na tumayo at inabot ang pain reliever, uminom ako ng 500 mg. para mawala na k

