“Miss Viray, ikaw na ang bahala sa anak ko. Utusan mo na lang, dahil alam na niya kung ano ang mangyayari kapag hindi niya ako sununod.” Lihim ako na napangiti sa sinabi ni Don Enrique. Bagong araw kaya bagong pambibwesit na naman ang gagawin ko. “Harvey, pwede ba bilhan mo ako ng chicken tonkatsu?” malambing na sabi ko sa lalaki na abala sa pag titipa sa kanyang laptop. “Tha hell I care sa gusto mo! Can't you see? Ang dami kong ginagawa!” malakas na sigaw ng lalaki sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at humakbang ako patungo sa harap ng table nito. Itinapat ko sa kanyang mukha ang aking cellphone kung saan nakabukas ang message ng kanyang ama sa akin. “Damn!” mura nito sabay tayo at walang lingon na lumabas ng opisina. Napangiti ako ng lihim dahil makakaganti na ako

