CHAPTER: 29

1111 Words

Ang plano naming bisitahin si Lola Anita kagabi ay hindi natuloy. Alas nuwebe na pala ng umaga. Nagising ako sa mabangong amoy ng ulam kaya agad akong bumangon. Pero pagkaupo ko pa lang, parang hihiwalay na ang balakang at hita ko sa aking katawan. Masakit maging ang singit ko. Hawak-hawak ang aking bewang, tumayo ako at naglakad patungo sa banyo para maligo. Gusto ko sanang tumalon dahil sa lamig ng tubig, pero hindi ko magawa dahil masakit talaga ang katawan ko. Hindi ko rin kasi nagawang timplahin ang tubig dahil gusto ko ng bumaba para kumain. Kumakalam na ang tiyan ko at hindi ako nakakain ng gabing iyon, kakaisip kay Lola. Kaya ngayon, sumama man o hindi si Harvey, tutuloy ako sa bahay. Kailangan kong magpaliwanag kay Lola Anita. Pagbaba ko pa lang ng hagdan, naamoy ko na ang ula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD