Matapos ang umaga na pagdalaw namin ni Harvey kay Lola Anita. Hinatid lang ako ng aking asawa sa bahay at hindi na muli pang umuwi ang aking asawa sa bahay. Aminado ako na guilty ako sa mga nangyayari at hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang aking sarili. Sa nakalipas na pitong taon, inilaan ko ang aking mga oras sa homeschooling at sa pag-aalaga sa aking kambal. Nagbunga ang gabi na pagsasalo namin ni Harvey. Kinder na ang aming kambal at katuwang ko sa pag-aalaga si Daddy Enrique at Acer. Si Lola naman ay naging malakas din ang pangangatawan sa nagdaan na limang taon. Pero dahil sa kanyang edad na rin, ngayon ay nasa wheelchair na lang ito. Pero ang kanyang pangdinig ay sadyang matalas pa rin. Hindi ko pa rin maitatago sa kanya ang mga sukiranin ko. “Mukhang malalim ang iniisip m

