Paglabas ko ng library, diretso ako sa silid na okupado ko. Ang dating silid ni Harvey. Masaya naman ako sa buhay na meron ako ngayon. Isang matagumpay na negosyante, may sariling cafe, at dalawang gwapo na anak. Pero sa pagkawala ni Harvey, parang isang bahagi din ng pagkatao ko ang nawala—isang malaking piraso na hindi ko maipaliwanag. Ang alaala ng kanyang mga ngiti, ang init ng kanyang yakap, ang lambing ng kanyang mga salita… mga bagay na tila ba nagiging alaala na lamang. Hindi ko namalayan na nagkagusto na pala ako sa lalaki sa maikling panahon. Nag-asikaso lang ako ng aking sarili. Isang mabilis na shower, at pagkatapos ay nag-ayos na ako para sa aking pagpunta sa cafe. May ilan akong kakausapin na aplikante para sa bagong branch na ipinatayo ko. Priority ko talaga ang mga

