CHAPTER: 1

1442 Words
"Love has the ability to destroy lives or re-shape it." Basa ko sa cellphone na de keypad. Everyday quotes na padala ng sim card network. Akala ko pa naman ay nag text na ang game show na sabi ay namimigay ng pera sa mga mahihirap. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kalsada, hinihingal sa sobrang init ng araw. Naupo ako para magpahinga saglit. Galing ako sa palengke para mamili ng aming paninda na mga tusok-tusok o street foods like kikiam, kwek-kwek , fish balls at bj or buko juice na aming pinagkakakitaan at pinagkukunan ng pambili ng bigas araw-araw. Sa gilid ng kalsada nakapwesto ang isang maliit na lamesa at ang kalan na maliit. Kami na lamang ni Lola ang magkasangga sa buhay, kaya't walang ibang kakayod kung hindi ako. Mahina na ang matanda at hindi na kayang mag kikilos pa. Madalas maiwan siya sa aming bahay na laging nagpapakaba sa akin. Dahil mahirap ang aming kalagayan. Nakatira lang kami sa ilalim ng tulay. Kung saan, kapag mainit ang panahon, doon kami matutulog sa aming maliit na barong-barong. Kapag maulan naman, hihintayin namin mag sara ang pawnshop na malapit sa aming pwesto bago kami matulog sa harap nito. Ganito ang buhay na kinalakihan ko. Dito ako sanay ang makipag patintero sa mga sasakyan sa lansangan at singhutin ang usok ng tambutso. Sana’y ako, pero mataas ang pangarap ko! Hindi ako mamatay sa ganitong uri ng pamumuhay at gusto ko rin maranasan ni Lola ang marangya na buhay bago man lang siya pumanaw. Madalas man ako pagtawanan ng aming mga kapitbahay. Dahil masyadong mataas daw ang pangarap ko, bakit hindi? Mangangarap ka na lang nga gusto mo manatili ka pang mahirap. Muli akong naglalakad patungo sa aming bahay. Pagdating sa tulay ay gumilid ako at bumaba sa maliit na kahoy na nagsisilbi naming hagdan. Siguro ay may dalawampu ang kabahayan na nandito sa ilalim. Pagdating ko sa bahay ay kaagad ko inilapag ang aking pinamili sa lamesa. Nagpadikit na rin ako ng apoy sa aming kalan na de uling at isinalang ang kaldero na may lamang bigas na aking isasaing. Bumili lang ako ng ulam kanina. Ang isang order ng gulay ay sapat na sa amin ni Lola kaysa magluto pa ako. Binabantayan ko ang aking sinaing hanggang sa kumulo ito at mainin. Pagkatapos ay isinalang ko ang aming maliit na takure na mas matanda pa siguro sa akin. Ang hawakan nito ay alambre na lang na napulot ko sa daan. Bukod sa wala akong pambili ng bago, sayang naman ang gamit, kung magagamit pa,.edi gagawan ko na lang ng paraan. Nang kumulo na ito ay isinalin ko naman sa aming thermos na ang takip ay may nakabalot ng damit na ginupit at plastik labo, para hindi sumingaw ang init mula sa loob. "Lola, kain na po tayo!” pasigaw na tawag ko sa matanda dahil medyo mahina na ang pandinig nito. "Sige at ako ay iinom na ng aking gamot sa high blood. Masakit na naman kasi ang aking batok." Tumango lang ako sa matanda at hinainan na ito kaagad. Ginisang ampalaya ang aking nabili na may sahog na itlog at dalawang piraso ng laman ng baboy. Ibinigay ko ang sahog kay Lola Anita at halos tatlo, sa apat na bahagi ng ulam, at sinadukan ko na rin ng kanin. "Bakit ibinigay mo na naman sa akin ang lahat ng ulam, paano naman ikaw?." Hindi na ako umimik at sinimulan ko ng sumubo. Ganito din naman siya noong bata pa ako, halos lahat din ng pagkain ay ipinapa-ubaya niya sa akin. Dahil sabi niya, kailangan ko magpalakas. "La, maya lang aalis na ako. Lunes ngayon at maraming tao, marami ang bibili sa atin na dumaraan. Huwag kang pasaway ha? Doon ka lang sa labas tumambay at mag kuyakoy. Kapag nagutom ka, may tinapay naman sa lagayan ng bigas at may kape. Alam mo na ang gagawin.” "Ginawa mo naman akong bata Joms, lumarga ka na ng makarami ka," sabi ni Lola na nginitian ko naman. Saklay ko sa aking balikat ang kalan na lutuan ng paninda, at ang timba na hawak ko kung saan nakalagay ang mga niluluto ko na paninda. At ang isang timba naman, ay mga stick plastik at kung ano pang kailangan tulad ng sandok. Sumampa ako sa hagdan at unang inilagay sa taas ang mga timba. Pagdating ko sa taas ay mabilis na nag lakad na ako. Sa hindi kalayuan ay nandoon ang aking pwesto. Tinanggal ko ang kadena sa aking lamesa at inilatag na ang aking paglulutuan. "Ang ganda mo talaga Jomelyn, kahit mukhang wala ka pang ligo." pambobola sa akin ng lalaki. "Please lang Berting, tigilan mo ako. Baka malasin ang araw ko." Sabi ko sa tambay na bungal. Mga kapitbahay din naman namin sila na kabardagylan ko araw-araw. Mga hikahos din sa buhay, na mahirap na nga may bisyo pa. "Ang sungit mo naman, maiinlove ka din sa akin tandaan mo yan!" Hirit na sabi pa ng lalaki. Tinanguan ko na lang ‘to dahil nakakaumay kausap, paulit-ulit na lang ang linyahan. Inaasikaso ko na ang aking paninda dahil may mga customer na kaagad na bibili. Katulad nga ng inaasahan ay naubos ang aking paninda alas syete pa lang ng gabi. Kaya't maaga akong nag ligpit para umuwi. Medyo inaantok na nga ako, pero kaya pa naman tiisin. Hanggang sa pagtawid ko, may rumaragasang sasakyan! Paghakbang ko, ay sakto din sa pagsalpok nito sa akin. Kita ko na kumalat ang aking mga dala sa daan. Pilit ko na kinakapa ang aking pera na pinagbintahan. At mabuti naman at safe sa aking bag ang pera na puhunan ko para bukas. Pinulot ko ang aking mga gamit at masamang tinitigan ang sasakyan na huminto sa gilid. Naiinis na kinatok ko ito para sana awayin, kaso nakita ko ang may edad na lalaking sapo ang kanyang dibdib. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kaya't ang kawali ko na nagmamantika ang ginamit ko para hampasin ng paulit-ulit ang salamin ng bintana. Hindi naman nagtagal ay nabasag ito kaya nailusot ko ang aking kamay para mabuksan ang locked sa loob. Binuksan ko ang bintana at nakita ko ang matanda na naghahabol ng kanyang hininga. Hawak niya ang bote na mukhang wala ng laman dahil nagkalat na ang lahat ng gamot sa carpet na sahig ng sasakyan. Inayos ko ang pagkakasandal ng matanda sa upuan at isinubo ang isang gamot sa bibig nito sabay kuha ng bote ng mineral na nakalagay sa gilid ng kambyo ng sasakyan. Pinainom ko ang matanda hinahaplos ko ang dibdib nito. Sa pakiwari ko naman ay medyo okay na ang paghinga ng matanda. Napangiti ako, pero napangiwi din ng maramdaman ko na parang mahapdi ang aking binti. Pagbaba ko ng aking tingin, kita ko ang pag agos ng dugo. Nasugat siguro kanina sa kalsada. Napasinghap pa ako ng maramdaman na maging ang balakang ko ay nanakit na din. Hindi nagtagal, pipihit pa lang sana ako ng langitngit ng mga gulong ng sasakyan ang nagpalingon sa akin. "Don Enrique! Sir?!” Tiningnan ko ang lalaki na bumaba ng sasakyan na nagsalita. Umusog ako saglit papalayo para bigyan ito ng daan, ngunit ang nakakainis, hinawakan pa ako ng isa at tinulak palayo. May tinawagan ang isa at sa pagkakarinig ko ay ambulansya. Sakto pagtalikod ko ay nakita ko isinakay sa higaan ang matanda na naghihina. Napangiti ako na binitbit ang aking mga dala pauwi. Kahit paano ay may silbi pala ako sa mundo. Nakaka proud na nailigtas ko ang matandang lalaki. Pagdating ko sa bahay ay natutulog na si Lola, tiningnan ko ang nakatakip na ulam at nakita na may dalawang nilagang itlog. Pagtingin ko sa mangko ay may pinagbalatan. Nakahinga ako ng maisip na kumain naman pala si Lola bago matulog. Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo, halos maihi ako sa hapdi ng makita ang malalaki na sugat sa aking binti. Hindi din ako makakilos dahil sa sakit ng aking balakang. Pagtingin ko ay nag kulay ube na ito. Malamang ay nabugbog kaya nagpasa na. Naluluha ako na nagpahid ng ointment para sa body pain. Habang binuhusan ko ng betadine ang aking mga sugat. Masakit kaya napapatalon ako sa hapdi. "Apo, anong nangyari sayo?" nag-aalala na tanong sa akin ni Lola. "Okay lang po ako La, malayo ito sa bituka!” lakas-lakasan na sagot ko. Sabay tayo ko ng tuwid, kunwari hindi masakit pero ang totoo makirot na talaga. Pumasok ako sa loob ng aking higaan na may nakalatag na karton at banig. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit. Sana lang bukas makabangon pa ako. Sayang ang benta kung hindi ako magtitinda. Ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD