”Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jacob nang magkasalubong kami sa may kusina. Buhat ko ang serving bowl kung saan nakalagay ang niluto kong sweet and sour pork. Aligaga kaming mag-asawa dahil dito magdi-dinner ang mga relatives ni Jake. Every month silang pumupunta rito para mag-dinner, balitaan, at small reunion na rin. Okay lang naman 'yun para mapalapit din ako sa kanila dahil aminado naman ako na hindi pa nila ako lubusang tanggap. Alam mo naman ang mga may dugong Instik napakataas ng qualifications para sa mga mapapabilang sa kanilang 'buena familia'. Sino lang ba naman ako, 'di ba? Isang simpleng babae na galing sa bahay-ampunan, walang mataas na pinag-aralan, hindi pang-beauty queen ang ganda. Magaling akong kumanta at mag-basketball pero hindi naman kasali ang talent sa s

