Isang taon ang matuling lumipas pagkatapos ng pangyayaring iyon. No more dramas and harsh words. Wala ng sisihan. Wala ng mga what if's. Wala ng ‘ikaw kasi’. Masaya na kami at nabigyan pa kami ng isa pang chance para maipagpatuloy ang love story naming dalawang beses na nagkaroon ng cut. Hindi mahirap ang magpatawad at lumimot sa sakit ng nakaraan kung ang dahilan ng paglimot at pagpapatawad ay ang taong mahal mo. Madalas sa hindi, marami ka munang pagdaraanang hirap at sakit para makuha ‘yung talagang gusto mo. Pero dahil sa hirap at sakit ay napapatunayan mo kung talagang mahal mo ang isang tao, kahit ilang balde pa ng luha ang ilabas mo, kahit ilang sipon pa ang tumulo, kahit gaano pa kalalim ang sugat, kahit ilang iyak at ngawa pa ang i-concert mo, kahit ilang taon pa ang lumipas, bab

