“Hindi ka ba magpapaliwanag?” tanong ko sa kanya bago ako bumaba sa sasakyan. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “It has no use for now. You lost your memory and you lost our... b-baby because of me. I-i don’t know what will become of me after this.” Halos pabulong lang ang kanyang huling pangungusap. Kinuyom niya ang kanyang kamao sa manibela. Hindi pa rin niya ako tinitignan. “Okay.” Umibis na ako. Nakita kong patakbo akong sinalubong ni Carl. “Clang, okay ka lang ba? May ginawa ba siya sa'yo? Sinaktan ka ba niya?” Nag-aalalang chineck niya ang buong katawan ko. “Hindi ko siya sinaktan. Hindi na.” Napatingin kami ni Carl sa kanya. “Tarantado ka!” Sinugod siya ni Carl. Nakataas ang kamao na akmang isusuntok. “Sige, saktan mo ulit ako. Pero pagkatapos niyang suntok mo, mag-uusap tayo.

