Alas nuebe na ako lumabas mula sa kuwarto. Inabutan ko sina Zaido at Carl na nag-aalmusal na. “Carl,” tawag ko sa kanya. “Sorry kung ako pala ang dahilan kung bakit nagtitiis kayo rito sa Sagada. Hindi ko alam na labis-labis na ‘yung pang-aabala ko sa inyo,” nahihiya kong sabi sa kanya. “Clang, hindi ka nakakaabala, okay? Sinabi ko lang na hindi makabubuti sa’yo na makilala pa ulit ang taong nanira sa buhay mo.” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mga braso ko. “’Wag mong iisipin na galit ako sa’yo. Mahalaga ka sa akin. Halos sabay tayong lumaki sa ampunan. Kapatid na ang turing ko sa’yo. Masaya ako kapag masaya ka. Nasasaktan ako kapag nasasaktan at umiiyak ka. Mahal kita, Clang. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na umiyak at masaktan pa lalo na ng lalaking sumira sa buhay mo.” Nalu

