Biyernes ng umaga sinundo nina Clarisse at Shan si Enan. “Pare diba sabi ko sa iyo wag niyo na ako susunduin kasi sayang sa gas” sabi ni Enan sabay pumasok naman siya ng kotse. “Grabe ang mahal na nga ng gasoline, mas mura kung magcocommute ako. O ano pa tinatanga tanga mo, drive” banat niya pero hindi natawa ang kanyang mga kaibigan. “Oh..bad news?” tanong ni Enan. “Di mo pa alam? O nagpapanggap ka lang?” tanong ni Clarisse. “Tell me, ano yon? Is Shan pregnant? Is Greg a real monkey now? What?” tanong ni Enan. “Some people posted posters of you” sabi ni Clarisse. “Pare ayaw lang namin mabigla ka kasi medyo harsh yung mga nakalagay don” sabi ni Shan. Huminga ng malalim si Enan sabay pumikit, “I will be fine pare ko. Sige na drive” sabi ng binata. Habang nasa daan napalingon si Clarisse,

