Prologue
Nadatnan ni Clarisse si Enan na mag isa sa tambayan. Ang binata nakatitig lang sa kanyang phone at di man lang napansin pagdating niya. Nakitabi ang dalaga sabay nakisilip sa phone, “Ano nanamang drama ito?” bulong ng dalaga.
Hinaplos ni Enan ang screen ng phone niya kung saan wallpaper niya e larawan nila ni Cristine. “Risse, be honest with me” sabi ni Enan. “Sure, ano problema?” tanong ng dalaga. “Bagay ba kami ni Cristine?” tanong ni Enan kaya nagulat ang dalaga.
“Oh no, sinusumpong ka nanaman” sabi ni Clarisse. “Serosyong tanong to Risse” sabi ni Enan at nakita ng dalaga na seryoso nga ang binata. “E bakit mo kasi tinatanong yan? Hindi magandang tanong yan at kayo naman na diba? Hindi pa ba sapat na prweba yon?” lambing ng dalaga.
“Ikaw at si Shan, bagay kayo kasi gwapo siya tapos ikaw maganda. Pag nakita kayo ng tao di na sila magdududa. Parang expected na pagsasama niyo” drama ng binata. “Enan, ano ba pinagsasabi mo?” tanong ni Clarisse. “Pero alam mo mas bagay tayo e. Maganda ka, artistahin ako, di narin magtataka ang mga tao” banat ni Enan.
Natawa si Clarisse, kinurot ang binata sabay inuga uga. “At kayo ni Cristine?” tanong ng dalaga. “Kami ni Cristine? Artista siya, artistahin ako, magdududa mga tao baka sabihin lang nila showbiz. Naiintindihan ko mga kritiko niya, baka sinasabi nila na kaya siya pumatol sa akin para iboost career niya kasi nga…look at me…it is undeniable…kamandag ng aristahin” banat ni Enan.
Natawa ng husto si Clarisse at nayakap ang braso ng binata. “Pero seryoso sa tingin mo in real life pwede ba kami talaga mangyari?” tanong ni Enan. “Hay naku in real life nangyari na kayo. What is wrong with you? Why are you having doubts all of a sudden?” lambing ng dalaga. Napabuntong hininga si Enan sabay napatitig ulit sa phone niya.
“Clarisse kung di mo kilala tong lalake na ito, please alam ko artistahin ako kaya pilitin mo isipin na hindi mo ako kilala. O tapos hindi sila nitong arisitang babae na ito. Be honest, would you even think may chance siya?” tanong ni Enan. Huminga ng malalim ang dalaga sabay pinagmasdan wallpaper ng binata, “Kung hindi ko siya kilala?” tanong niya.
“Oo pag hindi mo siya kilala kaya bitawan mo muna ako kasi di mo ako kilala” biro ni Enan kaya bumitaw ang dalaga. “Sino ba naman ako para maghusga? Di ko masasagot tanong mo” sagot ni Clarisse.
“To naman, pwede ka naman maging honest sa akin e. Alam mo sa sandaling ito nga di tayo magkakilala e. Kaya okay lang sabihin sa akin ang totoo. So ano sa tingin mo?” tanong ni Enan.
“I don’t know them both?” tanong ni Clarisse. “Oo sabihin mo na di mo sila pareho kilala” sabi ng binata. “Di ko masasagot kasi pag di ko kilala yang babae na yan di ko din masasabi” sagot ng dalaga. “Hay, can you stop being nice to me for a minute and just be honest” sabi ni Enan.
“I am being honest” sabi ng dalaga sabay inagaw phone ng binata at sinindi ang camera. Nagulat si Enan nang dumikit ng husto si Clarisse at kumuha siya ng selfie nila. “O yan, sige magtanong ka. I cannot answer a while ago kasi ayaw ko naman husgaan yung artsita since I don’t know her. Now go ahead, ask me because I know that girl in the photo now” sabi ni Clarisse.
“Pano ko naman tatanungin yon e kilala kita?” tanong ni Enan. “Di nga sila magkakilala e diba?” sabi ng dalaga. “Fine, so sige kahit yang dalawa nalang. In real life will, is it possible?” tanong ni Enan. “Yes” sagot agad ni Clarisse kaya nagulat ang binata.
“Yes agad? Hindi ka man lang nag isip? Hoy Risse, wag mo kasi isipin na artistahin yung lalake diyan. Biased ka naman e” sabi ni Enan. “Pangit yung lalake” banat ni Clarisse kaya natulala si Enan at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.
“Masakit pag nanggagaling sa iyo” bulong ni Enan. “Pero yun ang totoo diba? You wanted honesty right?” tanong ni Clarisse. “Yeah, I guess” bulong ng binata. “You got it, pangit siya pero yeah it will work out” sabi ng dalaga kaya napatingin ang binata sa kanya.
“Ha? Ano?” tanong ni Enan. “O sinagot ko na tanong mo, bakit may follow up ka pa?” tanong ni Clarisse na napatingin sa malayo pagkat medyo namumula siya. “E, explain, how? Why?” tanong ni Enan.
“Hindi ko kilala yang lalake diba? Pero pano ba magiging sila? Manliligaw siya diba? E di makikilala ng babae yang lalake na yan diba? E yang lalake na yan ikaw diba? E yang lalake na yan magiging ikaw kaya yang babae na yan mataas tsansa na sasagutin yang lalake na yan” paliwanag ni Clarisse.
“Ikaw naman Clarisse bumabawi ka lang kasi alam mo nasaktan ako nung tinawag mo akong pangit” landi ni Enan. “Ang gulo mo, sabi mo honesty and I gave you an honest answer. Ngayon ayaw mo maniwala. So ano pang point na nagtatanong ka kung hindi ka din lang maniniwala sa sagot?” sabi ng dalaga.
“For real? As in this girl will be able to like this guy?” tanong ni Enan sabay turo sa litrato. “Did you even listen to my answer?” tanong ng dalaga. “I did” bulong ng binata sabay napangiti. “So okay na?” lambing ng dalaga.
“E iba naman ito e, pano to? Itong aristang babae naman” sabi ng binata sabay binalik sa homescreen. “Enan bakit ba ang kulit mo? Akala ko ba nakinig ka sa sagot ko?” sabi ni Clarisse sabay binalik sa photo nila. “Yang babae kilala ko, yang lalake makikilala ko, at may malaking tsansa. Yon ang sagot” sabi ng dalaga.
Niyuko ng binata ulo niya sabay binalik ang phone niya sa homescreen. “She will get to know you, she already did and that is why sinagot ka niya. That is why naging kayo” sabi ni Clarisse. “Am I that really good in the inside?” bulong ni Enan.
“You are” bulong ni Clarisse. “So kailangan lang talaga umeffort na makita yung loob kesa sa labas ano?” tanong ng binata. “Yeah pero pag nakilala na di na importante yung panlabas” sagot ng dalaga.
“Parang unfair” bulong ni Enan. “Why is it unfair?” tanong ni Clarisse. “Artistahin outside, angelic inside. Pano ko na malalaman ano don nagustuhan niya? My goodness, baka habol niya lang panlabas ko? The undeniable, irresistible, papalicious papable Enan” landi ng binata.
Napahiyaw sa tawa ang dalaga kaya natadtad niya ng kurot ang kaibigan niya. “Ang gulo mong kausap” sabi ni Clarisse. “Hey, pag tinawag mo akong pangit masakit kasi galing sa iyo. E pag tinatawag kitang maganda ano naman epekto sa iyo?” tanong ni Enan.
“Flattered I guess” bulong ni Clarisse. “Bakit may guess pa? Masakit kasi alam ko taste mo sa lalake, yung tipong Shan kaya pag sinabi mong pangit ako tagos sa bone marrow” banat ni Enan. “Flattered kasi alam ko din taste mo, bihira ka lang magbitaw ng word na maganda at tuwing sinasabi mo maganda ang isang babae na nakikita mo e nagagandahan din ako” sagot ni Clarisse.
Nanlaki ang mga mata ni Enan, “Oh my God! Clarisse! Lumelesbi ka na? Dumadats my tomboy ka na?” banat ng binata kaya napahalakhak ang dalaga. “Sira ulo! I meant that in the appreciative manner. You know how to appreciate outer beauty, I know that too. So flattered ako pag sinasabi mo maganda ako” pacute ng dalaga.
“Hala, so naattract ka sa sarili mo?” tanong ni Enan. Tinadtad siya ng kurot ni Clarisse kaya nagtawanan yung dalawa. “E ikaw mister artistahin, di ka ba naattract sa sarili mo?” bawi ng dalaga. “Like ew! Kung magiging pogay ako sus magiging choosy na ako at si Shan pipiliin ko no”
“Ganito na nga itsura ko papatol pa ako sa ka itsura ko? Ano labas non, no choice relationship? Parang napilitan nalang pumatol sa isa’t isa kasi wala nang papatol sa kanila?” banat ni Enan kaya tawang tawa si Clarisse.
“Pero seryoso, ganito na nga itsura ko…may karapatan parin naman ako maging choosy diba?” sabi ni Enan. “Of course kaya nga napasagot mo siya e at wag ka din unfair sa..” bulong ng dalaga. “Sa mga tulad niyong magaganda at gwapo?” tanong ni Enan.
“Basta yon, kahit yung magaganda may right din mamili. Di porke maganda e sa gwapo na dapat. Karapatan nila mamili kung saan sila sasaya, tulad yang artista sa phone mo” sabi ni Clarisse. “Aray, parang diniin mo lang na pangit ako” banat ni Enan.
“Sorry” bulong ng dalaga. “Kasi pag ikaw at si Shan, sasabihin ng tao wow match made in heaven. E pag kami na ni Clarisse e sasabihin nila, the anyare? Bagok ulo the? Amnesia girl ang peg the?” landi ni Enan. “Cristine” sabi ng dalaga na namumula. “Cristine nga” sabi ni Enan. “Sabi mo Clarisse kanina” paliwanag ng dalaga.
“Ay nabanggit ko pangalan mo?” tanong ni Enan. “You did” sabi ng dalaga. “Uy flattered siya” landi ni Enan kaya napahalakhak si Clarisse at muling pinagkukurot ang binata. “Tumigil ka na nga, di ko alam bakit ka pa nagkakaproblema e kayo na nga e” sabi ng dalaga.
“Wala naman, napapaisip lang siguro ako on how lucky she is to have me, sa dami ng babae e siya yung mapalad na sinagot ko. Anyway kumusta exams mo?” tanong ng binata. “All good, how about you?” tanong ng dalaga. “Pasado ata ako sa lahat. Teka nasan si Shan?” tanong ng binata.
“Umalis na siya after his exam kanina. Biyahe sila agad” sabi ng dalaga. “Aww, you must be lonely. Why didn’t you tell me?” lambing ni Enan. “Kasi po alam ko busy ka kay Cristine, di ko nga inexpect nandito ka e. Akala ko after exam mo diretso ka sa kanya” sabi ng dalaga. “Alam mo Risse, di porke artistahin na ako at may artista akong girlfriend wala na akong time para sa fans ko, lalo na sa iyo na kaibigan ko na alam ko number one fan ko” banat ni Enan.
“Hay naku, I know you are busy with her no at okay lang naman ako no” sabi ng dalaga. “Hala sige titigan mo ako, di mo pala nakakasama si Shan so mga mata mo uhaw sa kagwapuhan. Eto ako, pagmasdan mo ako at pupunan ko pagkukulang ng nobyo mo. Warning lang, wag masyado baka hanap hanapin mo artistahing kong mukha araw araw at pagbalik ng nobyo mo e ni hindi na siya kaakit akit sa iyong mga mata” landi ng binata kaya nagtawanan sila.
“At ikaw bakit ka nakatanga dito? You should be with her” sabi ni Cristine. “Out of town shoot, mamaya balik nila so you are lucky because I am all yours” landi ni Enan. “Actually I wanted to go to the mall, ayaw ako samahan ni Elena kaya naglibot ako dito school para maghanap ng kasama” sabi ni Clarisse.
“Hala, nagpaliwanag pa. Ang dali naman sabihin na Enan samahan mo nga ako sa mall” sabi ni Enan. Napangiti si Clarisse sabay napatayo. “Ay grabe ang kapal o, tumayo agad” banat ng binata kaya naupo agad ang dalaga at nagsimangot. “Joke lang, to naman. Tara na nga” sabi ni Enan.
Sa loob ng jeep naglabas ng pera si Enan, “Baliw kulang yan, fifteen pesos lang yan, teka may piso ako” sabi ng dalaga. “Wag na no, discounted ang magaganda kasi pang akit sila ng pasahero” biro ni Enan na naglabas ng piso mula sa bulsa niya.
“E bakit ka naglabas ng piso?” tanong ni Clarisse. “May extra charge ang katulad namin kasi pampatakot kami ng pasahero. Kaya ayan sakto sixteen pesos, kasama na discount mo at overcharge ko” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga.
Pagdating sa mall agad sila nagtungo sa isang boutique, “Mas masahol ka pa kay Cristine. Ang dami dami mo nang damit bili ka parin ng bili” sabi ni Enan. “But this dress looks pretty on me” sabi ni Clarisse. “Lahat naman ng dress looks pretty on you” sabi ni Enan sabay tinitigan yung pulang dress na hinahaplos ng dalaga.
Napangiti si Clarisse sabay binitawan yung damit, “Ikaw din naman bili ka ng bili ha” sabi ng dalaga. “Excuse me padala mga yon” sabi ni Enan. “It’s the same, you keep asking your relatives for clothes” sabi ng dalaga. “Kasi magkaiba tayo ng estado, ikaw maganda ka na kahit paulit ulit isuot mo who cares maganda ka e. Sa tingin mo papansinin pa nila damit mo?”
“Ang papansin nalang sa suot mo e yung mga kapwa mong babae na naiilang sa ganda mo. Sila yung magsasabi na ay suot na niya yan nung mondaay, ay suot nanaman niya yan? Kasi wala na sila malait sa ganda mo”
“Pag katulad ko naman kailangan magara suot para doon magfocus. Para naman iwas lait konti. Pag katulad ko umulit ng damit, dagdag lait. Say for example ikaw nag overnight sa bahay ng friend mo, pagpasok mo school ganon parin. Unang iisipin ng tao ay may school project sila siguro kagabi. E pag katulad ko? Ay wala nang masuot si pangit, tapos simula nanaman lait sa itsura kasi ubos na yung pagkagara ng suot ko” paliwanag ni Enan.
“Enan don’t be like that on yourself” lambing ni Clarisse. “Just saying, uy you know what this dress looks nice nga on you. Wala ka pang pulang dress diba?” tanong ng binata. “Napansin mo din pala” bulong ni Clarisse sabay napangiti.
“Madami ako utang sa iyo sa mga nakaraan na birthday mo so I will buy this for you” sabi ni Enan. “Uy sira wag na ako na may pera ako” sabi ni Clarisse. “Maganda ka nga pero may pagkabingi” sabi ni Enan sabay kinuha yung dress at dinala sa counter. “Enan” sabi ni Clarisse sabay hinila yung kamay ng binata.
“Naman, nakailang regalo ka na sa akin? Nakaluwag na kami no at diba may pera ako konti so please let me. To naman dami mo na naregalo sa akin habang ako panay bati lang ako sa iyo tuwing birthday mo. Buti pa sina Gori nabibigyan ka regalo” drama ng binata.
“Kasi Enan di ko size yan” bulong ng dalaga. Napatigil ang binata sabay tinignan yung damit. “Gustong gusto mo naman na bibilhin ko to para sa iyo no?” landi niya kaya nagsimangot si Clarisse kaya tumawa si Enan. “Biro lang, teka. Miss can I have a dress like this that is of her size please” sabi ni Enan sa attendant.
Ngumiti yung attendant sabay tinignan si Clarisse saglit sabay umalis. Di umimik ang dalaga pagkat nahihiya siya, pagbalik ng attendant inabot yung dress kay Clarisse. “Pwede mo isukat” sabi niya. “Sige na antayin kita dito” sabi ni Enan kaya kinuha ng dalaga yung damit sabay niyuko ang kanyang ulo.
Ilang minuto lumipas napalingon si Enan nang may kumalabit sa kanya. “How I do I look?” pacute ni Clarisse suot yung pulang dress. “Do you really have to ask me that? Miss kunin namin to” sabi ni Enan. “Uy Enan sure ka ba?” tanong ng dalaga.
Nakalabas na sila ng boutique, si Clarisse nahihiya parin at nakayuko ang ulo. “Uy san tayo pupunta?” tanong ng dalaga. “Dito, diba tuwing nandito tayo e lagi una don tapos titingin ka din dito?” tanong ng binata nang tumapat sila sa isa pang boutique.
“Yeah but I already have a new dress” sabi ng dalaga. “Ay hindi ka na titingin? Sure ka? Kasi alam ko aakyat pa tayo sa third floor e” sabi ni Enan kaya natawa ang binata. “Alam na alam mo ha” pacute ng dalaga. “Syempre, kakakilala ko na lahat ng mannequin sa mga boutique sa tagal mo mag window shopping e” biro ni Enan kaya natawa si Clarisse.
“Sige na nahiya ka pa, akin na hawakan ko yan at magtingin ka pa” sabi ni Enan. Pumasok sila sa boutique, si Enan kinaharap yung mannequin kaya natawa ang dalaga. “Lumalaki boobs nito” biglang banat ni Enan kaya natawa si Clarisse. “Pero bakit dito may n*****s pa, are they trying to say that pag binili mo ganitong shirt e wag ka din mag bra?” tanong ni Enan.
Tawang tawa si Clarisse at yung attendant, “Hindi sir” sabi ng isang babae. “E bakit walang bra to? Lagyan niyo baka isipin ng bibili e pwedeng pwede hindi mag bra” sabi ng binata. “Sir wala kaming bentang bra dito kasi” sabi ng attendant.
“Ah, okay. Sabagay mas okay na ganito at least kumpleto. Don sa bilihan namin ng brief, nakasuot yung brief sa lalakeng mannequin pero wala siyang bird. Wala kasi silang bentang bird don pero pano namin malalaman kung maganda nga isuot talaga yon kung walang bird? Kaya siguro mabenta lang yon sa may maliliit na…” bigkas ni Enan pero nakurot na siya sa tenga ni Clarisse.
Paglingon ng binata laugh trip na ang mga tao sa loob ng boutique kaya napakamot siya at napangiti. Hinila na siya palabas ni Clarisse kaya nagtawanan sila pagkalabas. “Sige na balik ka na, dito nalang ako mag aantay” sabi ni Enan. “Hindi na, okay na ako with this red one. Uy Enan salamat talaga ha” sabi ng dalaga.
“You are welcome, sorry ha masyado nang late. Walang wala ako noon kasi e” sabi ng binata. “Ano ka ba? Kahit naman wala ka iregalo sa akin okay lang no” sabi ni Clarisse. “Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Ngayon nabili ko na yan?” biro ni Enan. “So isosoli natin?” tanong ni Clarisse. “Joke lang uy, bagay mo kaya yan. Risse gutom ka?” tanong ng binata.
Ngumiti ang dalaga, nagpacute sabay nag nod. “Demet, bakit ka nag nod? Pag si Shan nagtatanong sa iyo sasabihin mo hindi tapos kakain din lang kayo kasi pipilitin ka niya kasi alam niya nagkukunwari ka lang” banat ni Enan.
“Alam ko naman pag sinabi ko hindi pipilitin mo din ako e” sabi ni Clarisse. “Sabagay, pero oy tandaan mo hindi ako pumapapel porke wala si Shan ha” sabi ni Enan. “Bakit ko naman iisipin yon?” tanong ni Clarisse. “Wala, para lang malinaw” sagot ng binata.
Naglakad sila, dumikit si Clarisse sabay binangga ang binata. “Naiimagine ko na tuwa ni Violet tuwing lulalabas kayo dati” sabi niya. “Naman, pano naman napasok si Violet? Pwede naman Cristine” sabi ni Enan. “Bakit lumalabas ba kayo ni Cristine lagi?” tanong ng dalaga.
“Hindi nga e, pero lumabas na kami din three times” sabi ni Enan. “Pero dati labas kayo ng labas ni Violet diba?” tanong ni Clarisse. “Katulad mo yon e, mahilig din sa damit” sabi ng binata.
“I know, nainggit nga ako sa kanya noon e” sabi ng dalaga. “At bakit naman?” tanong ni Enan. “Kasi pag ako nagshop, e di syempre kwentuhan kami pag nagkita. Majority ng kwento ko is, di ko nakita lahat kasi si Shan gusto na umalis”
“Habang siya pag magkwento madami siya nakwekwento kasi nalilibot niyo lahat ng shops” sabi ni Clarisse. “Oh so nagpaparinig ka na gusto ako maging shopping buddy mo ganon ba?” tanong ni Enan.
“Something like that” pacute ni Clarisse. “E di sabihin mo lang at pag may time ako out of my busy artistahin schedule e pagbibigyan kita” landi ni Enan. “E pano kung busy ka?” tanong ni Clarisse.
“Di naman kita kaya tanggihan e so gagawa ako ng paraan. Ano ka ba Clarisse? Parang di mo ako kilala. Magsabi ka lang” sabi ni Enan. “Sabi mo yan ha” sagot ng dalaga.
“Hay naku, kahit ganito ako artistahin, tao din ako at kailangan ko din ng special time for me, my family and for the people I care about. Di umiikot mundo ko sa mga fans ko, sila yung umiikot ang mundo sa akin” banat ni Enan.
“People you care about” bulong ng dalaga. “Oo isa ka na doon, actually nasa tuktok ka ng listahan” sabi ni Enan. Napailing si Clarisse at napatingin sa malayo pagkat namumula ang kanyang mga pisngi. “How about Violet? Saan na siya sa listahan mo?” tanong ng dalaga.
“Nasa taas parin kahit papano” bulong ng binata. “And Cristine?” tanong ni Clarisse kaya napatigil ang binata at napangiti. “Babae, bakit ganyan ang tanong mo? Kung ikaw tinanong ko nasan si Shan sa listahan mo natural sagot mo nasa pinakatuktok” sabi ni Enan.
“Enan..may tataas pa ba sa tuktok?” tanong ni Clarisse. “Tuktok na nga e, alangan naman na may tataas pa don” sabi ng binata. Napangiti ang dalaga at nakayakap sa braso ng binata. Napatingin si Enan sa kanya kaya ang dalaga nginitian siya at agad tumingin sa malayo.